CHAPTER TWENTY-THREE
Lucho
WHEN I WOKE up from a long sleep, my eyes darted to Audrey. I didn't forget her face, her smile and voice. I remembered her asking what happened but she didn't answered. Lahat intact sa isip ko kaso nang magpasukan ang mga doktor at nurse, nawala na siya. Hindi ko alam saan siya nagpunta at mas natuon din ang atensyon ko kay Mama. Nag-hihisterikal kasi na para bang may nangyari sa akin na masama. Muntikan na pero sabi ng doktor successful naman ang operasyon at masaya siya sa mabilis ko na recovery. Three days lang tinagal ko sa ospital at sa bahay na ako nagpapahinga kaso hindi rin ako nakatiis na hindi hanapin sina Audrey. Hindi na ako sanay na wala sila sa aking tabi.
Kaya nang nakauwi ako, si Audrey at Amelié ang una kong kaso wala sila. Naabutan ko lang ang mga notes na silang dalawa ang may gawa. Mom thought my house was at mess, but not to me. Hindi ko maiwasang mapangiti habang binabasa ko ang mga notes.
How will I dare to forget Audrey and Amelié?
They're too lovely to dare forget them.
"Where do you think you're going, Luis Antonio?" Napatingala ako nang marinig ang pagtawag ni Mama sa buong pangalan ko. Sinabi ko na sa kanya na ayos na ako at hindi naman ako basta-basta makakapag-trabaho pa. I have to undergone psychological therapy before I received my fit-to-work certificate.
"Hahanapin ko si Audrey at Amelié, 'Ma," tugon ko.
Three days have passed yet they're not going home. I want to know where you are. Hindi pa nasagot sa text ko. I remember receiving a message from Audrey the day I woke, but I couldn't find it. Para bang may nangialam sa cellphone ko at nagbura ng mensahe doon.
"Sino ba ang babaeng iyon at anong pinakain niya sayo, ha?"
"She has a name, Mom. If you get to know her personally instead of listening to Sera, you'll see what I see in her."
Hindi agad nakakibo si Mama. Cue ko na para umalis ng bahay dahil ayoko na makipagtalo sa kanya. Habang naglalakad palabas, hinahanap ko na ang contact number ni Vanessa. My colleague handled Audrey's updates the past days and I think she know where my girl is.
Nang makita ko ang number ni Vanessa, agad ko pinindot ang call button at naghintay na kumunekta ang tawag ko. At nang mangyari iyon, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa sa pagtatanong.
"Van, have you contacted Audrey? She's answering my calls," I said, hoping I received a piece of good news about my muse, a colleague.
"Hey, Lucho, how are you? Um, she emailed fifteen minutes ago. That's our last communication. Why did you ask? Saka okay ka na ba?"
"I'm fine. I'm fine. I am heading now to our office,"
"What? Adik ka lang sa pagta-trabaho?"
"No. I will wait for Audrey there,"
"Are you in love with your writer, Lucho?"
"Will there be any conflict if I say yes?"
"Of course!" Sandali akong natigilan. Nag-isip ng magandang salita na pwedeng sabihin kay Vanessa. "We will talk about that here, Lucho. Hindi ka pwedeng padalos-dalos sa mga desisyon mo sa buhay."
Tuluyan na akong hindi nakapagsalita at ang huli narinig ay pag-uulit ni Vanessa sa mga katagang, mag-uusap kaming dalawa. I understand her concerns and having a relationship with colleague considered as unprofessional move.
Bahala na si Vanessa sa akin. Handa naman ako tanggapin ang anumang rekomendasyon nila. Kung alin ang makakabuti sa career ni Audrey, tatanggapin ko.
Para sa kanya, lahat gagawin ko.
NAPAG-USAPAN NAMIN ni Vanessa na ililipat sa kanya si Audrey para maiwasan ang issue sa pagitan naming dalawa. Prevention is better than cure, as per say. Pero ang ginawa ko lang ay para protektahan si Audrey at lahat ng pinaghirapan niya. Iyon ang sasabihin ko kay Audrey kapag nakarating na kami sa rest house ko sa Tagaytay. Nasa biyahe na kami at nakatulog na sa passenger's seat si Amelié dahil sa matinding traffic.
"Mag-order na lang tayo ng pagkain. Sarado na ang restaurant pagdating natin," sambit ko saka tiningnan ko si Amelié. Gumalaw kasi ang bata at namumungay ang mga mata na sinipat ang paligid.
"You supposed to be resting at home, not driving like this." Sa halip na sagutin ako ay pinangaralan pa niya ako. "Itabi mo muna. Ako na lang ang mag-da-drive."
"No. We're near there already. Can you order our food instead?" Binalingan ko si Amelié sa likod. "What do you want to eat?"
"Samgyupsal..." Inaantok na sagot ni Amelié
"Is she dreaming?" tanong ko kay Audrey.
Natatawa lang na tiningnan ni Audrey si Amelié gamit ang rearview mirror. "I told her we will eat samgyupsal today when I encash my cheque salary."
"Bakit cheque pa rin ang sahod mo?"
"Sir Gerold told me that they forgot to deposit the cheque in my account. Wala naman problema kasi pupunta dib ako sa opisina kaya mag-e-encash na lang ako dapat kaso..."
"Okay. We'll have samgyupsal tonight,"
"Yehey! I want Melona ice cream too... Please?" Saan naman ako hahanap noon? Baka may alam si Chef na alternative.
"Saan tayo o-order ng pang-samgyupsal?"
"We will get in my restaurant's kitchen,"
Naroon na lang ang pag-asa ko at sana abutan ko pa ang mga ingredients sa resto. I cannot disappoint these two since I hassled their day today. May mga plano sila na nasira ko pero valid naman ito dahil tatlong araw ko na silang hindi nakikita.
Pagdating namin sa rest house, tinawagan ko si Chef at nagpa-deliver ako sa kanila ng mga sinabing kailangan namin para masunod ang gusto ni Amelié na samgyupsal. Agad naman ako sinunod ng mga staff ni Chef at ilang minuto lang ay kumakatok na sila. I received everything and they helped set up the burner outside.
"Kumpleto kayo ng gamit, bakit hindi ka pa magventure ng ganitong business?"
"Ma-trabaho..."
"Nagrereklamo ka ba? Hindi naman ako nagrequest nito,"
Narinig ko na nagtawanan ang mga restaurant staff matapos marinig ang sinabi ni Audrey. Hindi pa ako nakasagot agad kaya lumabas na under ako. When everything is ready, the staff left us and Amelié started putting a butter on the grill. Ekspertong nilagay nito ang maliit na canister na may cheese. Alam na alam talaga ng bata na 'to ang gagawin.
"Where did you learn to eat this, Amelié?"
"By watching it online. Here... ah!" Tinanggap ko ang binigay niyang vegetable wrap na nilagyan ng kung ano ano sa loob.
"She's loving it," komento ni Audrey bago tumayo at tumungo sa kusina. Agad ko siya sinundan pagkabilin kay Amelié na magdahan-dahan sa pagkain. "Oh, my God! Bakit ka ba nanggugulat?"
"I'd follow you, wondering if we can talk already,"
"Pwede mamaya kapag tulog na si Amelié."
"Sure." Ano ba naman iyong maghintay ako kahit sandali? Wala naman kaso sa akin basta makapag-usap kaming dalawa.
Kailangan ko lang talaga maghintay. Handa naman ako basta siya ang hihintayin. Wala iyong kaso at maluwang sa loob ko na gagawin.
Loving her means like this, I'll give time to process everything before anything else. Loving her is like taking on the most challenging project I've ever had in my entire career as an editor. Loving her is like a rainbow, and she represents all the colors it.
BINABASA MO ANG
The Write One To Love
RomancePaano ba malalaman kung siya na ang "the one"? For Audrey, wala siya ideya talaga. Kahit may sarili siyang mundo kapag nagsusulat, pulos kamalian pa rin ang napapasukan na relasyon. At kung siya ang tatanungin, ibabase lang rin niya ang lahat sa nab...