CHAPTER EIGHT
Audrey
PAG GISING ko kinabukasan, may nakahanda ng almusal sa lamesa at may note pa galing kay Sir Lucho. Masasabi ko na mas maganda na ang naging tulog ko nang nagdaang gabi kaysa noong unang araw ko sa bahay na ito. Ang peaceful nga rito saka nakapag-sulat pa ako ng marami pero hindi sa romance project namin ni Sir Lucho.
Audrey,
Kumain ka bago magsulat. I left A romantic scene prompt in every corner of the house. Try practicing with that. I'm out the whole day. See you in the evening.
LuchoLuminga ako sa paligid at may nakita nga akong mga sticky note sa paligid. I will check those note later. Mukhang masarap itong mga niluto ni Sir Lucho at nagutom ako bigla sa amoy palang. Hindi ko in-expect na magiging masarap ang tulog ko sa ikalawang gabi ko sa bahay ni Sir Lucho. Dala siguro ng pagod ko kahapon dahil sa shoot at ang mga meeting.
I wrote more than two-chapters update last night before going to bed. I-edit ko ngayong araw ang nasulat ko kagabi. Pagkatapos ay magsusulat pa ako ulit para mapunan ang mga araw na hindi ako nakapagsulat dahil sa mga kung ano-anong kaganapan sa aking buhay. Nakatulong ang lavender scent humidifier sa loob ng kwarto ko kaya kalmado ang utak ko at isang dahilan din kaya tulog na tulog ako. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil buhay prinsesa ako sa lugar na 'to.
"Sir Lucho has everything but his ex-wives chose to left him." Muli akong napa-isip sa mga dahilan at paulit-ulit na tumuturo iyon sa kakayahan niya. Or should I say his member.
Stop lusting with your editor, Audrey!
Napa-antanda ako bigla dahil kaisipang lumukob sa aking isip. Palyado na nga sa romansa kung ano-ano pa ang iniisip. I want to blame myself for thinking about it. Matagal na panahon na kasi ang lumipas simula nang huli akong makipag-sex. But still not enough reason to lust over my editor.
Isang makasalanang pag-iisip iyon!
Tinuloy ko na ang pagkain at matamang nagcheck ng mga chat sa aking cellphone. May mangilan-ngilan na galing sa mambabasa ko pero hindi muna binuksan ang mga iyon. Mas inuna ko ang tsismis sa group chat naming magkakaibigan.
They have been mentioning me. Bakit kaya?
Binalikan ko ang message nila at nakita ko ang mga picture ni Sir Lucho na may kasamang babae. Agad akong napatingin sa orasan. Gumising lang ako na hindi 'man lang tumitingin sa oras hindi gaya noong nasa corporate world pa ako. Ngayon na full-time writer ako at walang maayos sa oras para sa pag-susulat, nasanay na akong huwag tumingin sa orasan. Nakaka-stress kasi lalo na kapag may hinahabol na deadline.
Pasado alas diyes na pala at hula ko breakfast date sa Tagaytay itong mga nasa larawan. Ano naman pakialam ko kung may kasama nga siyang iba sa Tagaytay ngayon?
That place is the most romantic place in the south. Masaya manood ng sunrise at sunset doon lalo kapag may ka-holding hands. Huminto ako sa pagkain at nagtipa ng reply para sa mga kaibigan ko na naging instant shipper namin ni Sir Lucho. They witness how he protected me the other day. How he threw Jeff out of his office? That's beyond what Superman can do for a girl who's isn't as attractive as Lois Lane. I told them that I don't really care. Kasama ko naman sa bahay ang ka-date ng babae na iyon kaya literal na sa akin siya uuwi.
Myrna: Iba din. Taas ng confidence level mo girl?
Zico: Ikaw na ipagtanggol sa toxic ex, hindi ka rurupok?
Zico: Mas gwapo naman ako sa editor niya.
Audrey: Manahimik nga kayo. Promise wala talaga ako pakialam. I'm here at his house by the way.
Zico: What?!!
Myrna: 😯😯😯
Hindi na ako sumagot pa at hinayaan ko lang sila na tadtarin ang cellphone ko ng mga mensahe nila. Tinuon ko ang buong atensyon ko sa picture ni Sir Lucho at ng ka-date niya.
BINABASA MO ANG
The Write One To Love
RomancePaano ba malalaman kung siya na ang "the one"? For Audrey, wala siya ideya talaga. Kahit may sarili siyang mundo kapag nagsusulat, pulos kamalian pa rin ang napapasukan na relasyon. At kung siya ang tatanungin, ibabase lang rin niya ang lahat sa nab...