24

16 2 0
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

Audrey

"HINDI pa rin ako makapaniwala na natapos mo ang first project mo sa amin, Sybil." Masayang sabi ni Sir Gerold sa akin. Kasalukuyan akong nasa CPPI conference room ngayon at pag-uusapan namin ang plano sa katatapos ko lang na nobela. Dapat masaya ako na nakatapos kaso parang hindi iyon ang nararamdaman ko ngayon. Part of me is sad because I don't know when I will be able to write a romance novel again. The other part is happy because I break my record, finishing eighty thousand words of stories in two and a half months.

"I have to commend the partnership between you and Lucho. He helps you write your novels," wika naman ni Ms. Vanessa.

Ngumiti ako. "You have a contribution, too, ma'am..."

"Ey! Saglit lang ako naging editor mo. Alam mo naman kung bakit kailangan ko pumagitna 'di ba?" Tumango ako. Ms. Vanessa went in between me and Lucho to avoid issue that might ignite once the whole office and writing community know about us. "Are you going to move out now? Gusto mo ba na hanapan ka namin ng bahay na magiging comfortable ka?"

I waved my hands in front of Ms. Vanessa. Iniiwasan nga namin ang isyu tapos may special treatment naman sa side nila. Hindi lang naman ako ang writer na nagpapasok ng pera sa kumpanya. Nagkataon lang na pumatok ang nobelang pinagtulungan namin simulan ni Lucho.

"Ayos naman na po ako sa apartment ko. Pupunta na lang ako dito kapag may problema sa internet at electricity."

Nagtawanan silang dalawa ni Sir Gerold. Malaking problema para sa akin ang bagay na may kinalaman sa internet at kuryente. Pinagpala ang baranggay kung nasaan ang apartment ko.

Literal na Baranggay Pinagpala.

"Matagal ko na kilala si Lucho at dalawang beses lang iyan naging impulsive sa tanang buhay niya," ani Sir Gerold.

"His first and second marriage?" takang salita ni, Ms. Vanessa.

"Nope. He was serious back then. It's difficult to explain what really happened to his failed marriages." Bumakas ang matinding pagka-curious sa mukha namin pareho ni Ms. Vanessa. "Bakit ganyan kayo makatingin?"

"Pabitin ka naman, boss!" Hindi maiwasang reklamo ni Ms. Vanessa.

"It's not my story to tell. He's my friend and I will never ever talked about his life to others." Kunwari modelong kaibigan samantalang si Lucho kapag naiinis sa kanya panay ang pag-ra-rant sa sulok ng home office. "Anyway, here's the invitation for CPPI Gala Night."

Gala? Meron pala sila nito?

"It's an annual tradition, and many of our employees will try to impress Lucho again,"

"Probably not me nor Baninay," sanlasa ni Ms. Vanessa sa sinabi ni Sir Gerold. "He's yummy but it's a no for me."

"Sino kaya isasama noon na ka-date sa Gala Night?"

Tumingin si Ms. Vanessa sa akin pagkatanong ni Sir Gerold. Agad akong umiling bilang pagtanggi. Saka imposible na imbitahan ako ni Lucho dahil 'di pa kami nag-uusap dalawa. Puro ako mamaya kapag susubukan niya na lumapit sa akin. Saka ano naman susuotin ko sa Gala Night na pakulo ng CPPI?

Hindi ko gusto mag-aattend sa mga party. Iyong ngang reunion namin hindi ko nadaluhan kasi nagkasakit si Lucho.

May alibi ako noon.

Eh, ngayon kaya?

Bahala na.

MATAMA ko nilapag ang grocery bag na bitbit ko sa lamesa kasama na ang bag ko. Nagdaan ako sa grocery para may ilaman sa refrigerator ko sa apartment kahit konti. Hindi ko pa nalilipat ang mga gamit ko na nadala sa bahay ni Lucho. Mas inuna ko itong pamimili kaysa kuhain ang iyon dahil ito ang importante. Huminga ako nang malalim saka nilibot ang tingin sa kabuuan ng apartment ko.

The Write One To LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon