Page 11 - Bad Choices Make Good Stories

5.9K 203 51
                                    

Page 11 - Bad Choices Make Good Stories

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Paano ba 'yan, mga mag-pipinsan, kayo ng bahala sa girlfriend niyo ha." - Lantern's Dad

Tumango lang ang lima.

Eto na naman ang walang katapusang girlfriend. Papaalis na kasi ang mga masters of the houses. Mukhang makakahinga na ako ng maluwag. Ilang oras na interrogation din 'yung pinagdaanan ko. Literal na parang nasa impyerno ako kanina. Weird nga lang dahil kahit papaano, may mga parte na nakapag enjoy ako.

Oho? Ganun pala 'yon.

Siguro may mga lugar din sa impyerno na pwede mong ma-enjoy-what the heck am I thinking?! Impyerno sa langit o sa lupa, ayaw kong pumunta sa kahit ano man doon!

"We're glad we have met you." - Ethan's Dad

"If you have any problems, don't hesitate to contact us. Eto pala contact number ko." - Chill's dad.

Pero sumabay din 'yung apat, ibinigay rin nila sa akin ang kanilang mga contact number. Grabe ang mga 'to. Mga ayaw pahuli. As if naman may lakas ako ng loob na gamitin 'yun.

Maibenta ko na lang kaya 'to? Number 'to ng limang pinakamayamang tao sa buong Pilipinas! Maraming pwedeng pag gamitan nito! Number pa lang nila, panigurado, yayaman ako! Uwahahaha-wait nga lang..mukhang bangag na ata ako ngayon ah. Kung saan-saan na nakakarating ang aking utak-shet naman.

Marami pang sinabi ang limang Daddies ko. Daddies?! Asdfghjkl! I don't know if I should be happy or not. Medyo nagsisimula na akong sanayin ang sarili ko na 'yon ang itawag sa kanila 'coz they demand it all the time. Matatanda nga naman. Lahat ng gusto, laging dapat masunod.

After a short-discussion with their sons, they bid their final goodbye and finally, naglaho na sila sa paningin ko. Kulang na lang mapaupo ako sa sahig nang umalis na sila. Buti nakaya ng energy ko hanggang sa dulo.

"Zony, are you fine?" - Ethan

Oh Ethan, you're really so caring! Parang lahat yata ng bagay, napapansin ng hottie na 'to!

"She doesn't look like it. Your energy is drained. You should take a rest." - Chill

That's really what I need now, Chill.

"Masanay ka na Zonrox. Impyerno na ang buhay mo simula ngayon." - Lantern

And here we go again, walang timing ang taong 'to eh! Talagang lahat ng lumalabas sa bibig niya, puro mga salitang nariyan para asarin ako. Pero sobrang pagod ko ngayon para patulan pa siya. The next thing I do is that I walk away from there. May napakadaling solusyon naman eh...

Uuwi na lang ako.

Waaaa~! I'll just bite my brother's cheeks as a stress-reliever later! Tapos magpapaluto na lang ako kay Tita Lin ng..hmmm...ano kayang masarap? Gelatin? Yeshh! Gelatin! For some reasons! I want something fluffy-

baaaam!

Nauntog ako sa isang bagay na matigas pero-fluffy rin siguro? Idagdag mo pa na mabango. Suddenly, someone hugged me.

"Zony, dapat kanina mo pa sinabi na pagod ka na pala." It's Airen's voice. This is Airen's body...hugging me. For some reasons, hindi ako pumapalag. Hindi rin sobrang nagulat ang katawan ko. Walang adrenaline rush na nagganap eh!

"Tara, uwi na tayo?"

What? Tayo? Bakit tayo? Sasama ba siya sa bahay ko? Doon ba siya matutulog-

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA—!" I screamed

Misdialed Paramour ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon