Page 6 - They Are Mine and Always Will Be

9.2K 265 58
                                    

(Haenan's picture on multimedia)

Page 6 - They Are Mine and Always Will Be

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Napatingin ako kung ano ito at hindi ko napigilan na mapamura...

Sh*t! Bwisit talaga ang Lantern na yan! Sa lahat pa talaga ng pwedeng hawakan, yung necktie ko pa? Ayan tuloy, para akong nakataling aso na hinihila!

"Are you alright?" (Ethan)

"The hell was that! Kinabahan ako dun Zony!" (Airen)

"Tch. Hindi kasi nag iisip." (Chill)

"Teka, bakit namumutla ka yata?" tanong ni Hae,

Finally sa dami ng sinabi nila, may nakapansin sa sitwasyon ko tapos si Hae my love pa ang nakapansin. Gusto kong mag fangirl todamax pero...bakit hindi pa rin binibitawan ng Lantern na yun ang necktie? Nasasakal na talaga ako! Sinasadya niya ba 'to? Balak ba niya akong patayin?

"LANTERN!" sigaw ni Ethan kay Lantern. That's the time when nawala ang pagkasakal ng leeg ko!

"Sorry. Ayaw ko lang naman mahulog is Zony eh." paliwanag niya sa isang sarcastic na tono! Pilit akong lumingon papunta sa kaniya kahit na nanghihina pa rin ako. Kapag naka-recover ako, lagot talaga siya!

"Ikaw na bwiset na unggoy ka! Kung gusto mo akong patayin, sana hinayaan mo na lang akong mahulog kaysa gamitin mo ang necktie ko para ako'y sakalin!" reklamo ko sa kaniya habang naghahabol ng hininga.

He just smirked at me sabay upo doon sa sofa. Uwaa! Hindi man lang siya nag sorry ng maayos? Okay na sana eh! Nandun na ako kanina sa point na kikiligin na ako eh! Pero dahil na naman sa Lantern na 'yan, nasira ang moment na yun! Kaasar talaga siya.

 

"Just a revenge for what you did earlier. Bleh!" sagot niya na may kasamang belat! Balak ko pa sana siyang gantihan nang biglang nagsalita si Chill,

"I think, sa sunod na lang natin ito ituloy. Kaya Zony, mag ready ka bukas. We'll see each other again tomorrow." sabi niya habang naglalakad papunta doon sa pinto. Nang nakarating na siya kinuha niya ang susi mula sa kaniyang bulsa, at sa wakas...natanggal na ang lock!

Right decision Chill! Kanina ko pa gustong makatakas mula sa inyo! However wrong decision din dahil gagawin ko ang lahat para hindi na tayo magtagpo! Bwahaha!

Naglakad na kaming lahat papalabas. Talagang nakahinga ako ng maluwag nang nasa labas na ako! Pakiramdam ko nabunutan ako ng napakalaking tinik sa lalamunan! Rinig ko ang pagsarado ng pinto at ang tunog ng lock nito. Papatakbo na sana ako nang may humawak ata sa neckline ng pang itaas ko mula sa likod kaya ayon, hindi ako makatakbo papalayo!

"Ano na naman?" ang masungit na tanong ko sabay lingon pabalik. Nakita kong si Chill pala ang pumigil sa akin. Ugh. Kelan ba ako papakawalan ng mga 'to ha? Grabe! Tumalikod lang ako sa kanila, na-miss na ako kaagad!

"Huwag mo ng subukan tumakas, magtago, o lumipad papunta sa ibang bansa dahil bantay sarado ka na namin okay?" ang mapagbantang saad niya habang may nakakatakot na ngiti,

"You can't escape from us, Zony." dagdag naman ni Airen habang marahang hinihpo ang buhok ko.

"Just behave when we need you." sabi ni Ethan. Whoa! Pati ang mabait na si Ethan sinabi 'yan? Hanggang ngayon eh hindi pa rin talaga malinaw sa akin ang lahat! Okay, papakasalan ko silang lahat pero...papaano? What the hell. Magiging asawa ako ng limang lalaki? What the hell talaga.

Misdialed Paramour ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon