Page 22 - I Knew You Were Trouble When You Walk In

3.2K 113 20
                                    

AN: Happy Valentines Day! This update is a gift for you and especially dedicated the the ff readers: alerajustanarmy & veneleigh. Do you want to chat with me and your fellow MP readers? Read the prev. post about some announcements and make an account at ChatStep now. Enjoy! Don't forget to comment.

Page 22 - I Knew You Were Trouble When You Walk In  

+++++++

[Zony..]

Nakita ko si Beks na tulala under a mango tree.

Why did that sound so cliché?

Pero naroon siya eh. Pwede rin naman sa balete tree pero walang balete dito at talagang nasa mango tree siya so wala tayong magagawa.

Hindi man lang naramdaman ni Beks na nakalapit na ako at naupo sa tabi niya. Staring at the corner of his face right now, wala pa rin siyang reaksyon kaya naman sinamahan ko na rin siya...

At sabay kaming natulala.

...

Wow. Ang saya pala matulala. Blanko utak ko. Walang iniisip. Problems temporarily forgotten until it all came rushing back to you.

"She's here." napahawak ako sa dibdib ko nang biglang nagsalita si Beks. Nakatingin pa rin siya sa malayo, but now at least, I can see small movements na ibig sabihin lang, napansin niya na rin ako sa wakas.

"Kanina pa ako nandito, Beks."

"Hindi ikaw."

Aray naman. Unwanted ba ako ngayon dito? Madali akong kausap. Naisipan kong umalis pero nang naalala kong hindi lang ako ang may problema, I think now is the time to ask him about it.

"Sorry ha. Ako lang naman kasi ang ka-close mo dito kaya I assumed."

'Wag kasi assumera, Zony. Mahirap 'yan. Nag ba-bounce back 'yan.

"...pero kung hindi ako, sino 'yan?"

Matagal na hindi nakasagot si Beks.

And only when he said a name I haven't heard for so long did he look at me.

"Trouble."

Oh, shit.

Hindi ako nakasagot. Nakanganga lang ako. Wala akong pake kung may papasok na langaw o parrot man yan sa bunganga ko. Basta nganga lang ang tanging reaksyon na kaya kong gawin ngayon.

Trouble...

"She's back, Zony. Trouble is back."

I don't want anyone to be confused kaya lilinawin ko lang. Trouble is a real name of a person. Long before I met Ariele MacArthur, may Trouble na sa buhay niya. Nakukwento lang siya ni Beks paminsan-minsan, pero sa mga pagkakataong 'yon, ganito palagi ang reaksyon niya. I should have known.

Beks seemed always lost, sad, and heartbroken whenever that name is mentioned.

And yep, I need to confirm something again.

Trouble.is.a.girl.

A.girl.

Girl.

GIRL.

Konti lang ang alam ko tungkol sa babaeng 'yun. Hindi ko pa rin siya namemeet sa personal. Pero kasi, itong si Beks, may picture 'yan sa wallet niya. And no, hindi siya picture ng malalaswang parts ng mga lalaki or anything you originally thought because of the appearance he want for the world to see. 

Misdialed Paramour ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon