Page 5 - Reverse Harem Feels So Good

9.8K 280 79
                                    

(Airen's picture on multimedia)

Page 5 - Reverse Harem Feels So Good

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

You'll end up marrying the five of us.

You'll end up marrying the five of us.

You'll end up marrying the five of us.

I'll end up marrying these five...

I'll end up marrying...

I'll end up...

 

"Waaaa!" nang hindi ko na makayanan ang mga pangyayaring nagaganap na mas matindi pa yata sa laganap na pagkalat ng Ebola virus, napasigaw na ako with matching untog pa ng ulo sa pader!

"H-hoy! Z-Zony? Hala! Dumudugo na 'yang noo mo!" komento ni Ethan sabay hawak niya sa ulo ko upang pigilan ito sa ginagawa kong pag untog! Nang nakaramdam ako ng sakit, napahawak rin ako dito at namutla nang makakita ng patak ng dugo galing sa aking noo. I hate blood! Sumasama ang pakiradam ko sa tuwing makakakita ako ng dugo!

 

"Waaa! May dugo! Waaa! Blood! Waaa! Kasalanan niyo ito eh! Waaa! Kung anu-ano kasing kalokohan ang pinagsasabi niyo! Waaa—" reklamo ko sa kanila pero bigla na lang umappear sa harapan ko ang demonyong si Lantern tapos may tinapal siya na kung ano sa aking bibig at noo!

"Mmmm mmmm mmmm!!!" pinilit kong magsalita pero dahil nga parang naka-zipper ang bibig ko dahil sa idinikit niya dito, hindi ko magawa!

Nainis ako kaya tinanggal ko kung ano man yung nilagay niya, at nagulat nang makita na band-aid with polkadots design pala yun! So ibig sabihin, yung nasa ulo ko ay band-aid rin? Whoa...whoa. Kahit papaano pala, may kabutihan pa ring natitira sa puso niya! 

"May sinasabi ka? Pwedeng paki-translate sa human language?" sabi niya sa akin sa isang nang aasar na tono. Wait, binabawi ko yung sinabi ko. Okay na sana eh kung noo ko lang ang nilagyan niya ng band-aid! Pero pati ba naman bibig ko nilagyan? Argh! Sa sugat inilalagay ang band aid, hindi sa bibig!

"Sabi ko wala kang right manners! Bakit mo ako nilagyan ng band-aid sa bibig ha?" ang galit na sigaw ko sa kaniya habang mas inilalapit ang mukha ko na para bang magsusuntukan kami. Bwahaha! Pake ko kung babae ko? Sino bang nagsabing bawal makipag suntukan ang mga babae?

 

"Eh kasi mas maingay ka pa sa lapel! Kung hindi ka naman kulang-kulang para iuntog na lang bigla yang noo mo sa pader, eh di sana hindi dumudugo yang malapad at malangis mong noo! Saka bagay sa'yo yang polkadots design, ganyan din ang design ng panty mo di ba?" ganti niya pabalik sa akin with a big grin on his face.

Ang kapal ng mukha nito! Inaasar na nga ako, may gana pa siyang kutayain ang aking noo! For his information, hindi ko ginustong magkaroon ng malapad at malangis na noo! Tapos, what the heck? Tama ba 'yung narinig ko? Paano niya nalaman...paano niya nalaman na polka-dots ang design ng panty ko? H-huwag mong sabihin...waaa! Bwisit ka Lantern! Manyak! Nasilipan pa yata ako nito kanina!

"Bastos ka bastos! Manyak! Manyak! Ipapakulong kita! Manyak ka!" reklamo ko sa kaniya habang hinahampas-hampas siya sa bandang dibdib. Pilit niya naman hinuhuli ang mga kamay ko na hindi ko naman hinahayaang mahuli dahil gustong-gusto ko talaga siyang hampasin!

"Manyak?! Hoy! Aksidente ko lang nakita! Manyak ka diyan! Ni-hindi kita pagnanasahan ano! Yuck! Ikaw ang may kasalanan kung bakit ka nasilipan. Ang likot-likot mo kasi! A-aray! Itigil mo na nga 'yan! Aray! Ano ba?! Tatamaan ka talaga sa akin sige!"  gago ito ah! So parang ang gusto niyang iparating eh ako ang may kasalanan samantalang siya itong bigla na lang bumuhat sa akin!

Misdialed Paramour ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon