Page 10 - Poor Soul, Oh Very Poor Soul, You Know Blue?

6.5K 209 28
                                    

Page 10 - Poor Soul, Oh Very Poor Soul, You Know Blue?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Oh, don't think so much about it hija. Hahahaha!" sabi ng Dad ni Ethan as he noticed my damn pitiful situation nang natanong ang tungkol sa mga nawawalang magulang ko.

"We have plenty of time to know each other better." dagdag ng Dad ni Hae. Oh God. Napalunok ako sa sinabi niyang 'yun. Ibig sabihin, maraming awkward moments na katulad nito ang mangyayari pa sa hinaharap? Uh la la~

"Not to mention your parents did a very good job producing a very beautiful daughter like you." muntikan na akong mahulog sa upuan nang biga 'yan sinabi ng Dad ni Airen.

I'll take that as a compliment, hahaha! Hindi 'yan kasinungalingan! 'Yan ang katotohanan!

"Thank--" pero magsasalita pa lang ako, kaagad ng sumingit si Lantern para painitin na naman ang dugo ko.

"That girl? Beautiful? Hahaha! Buti na lang hindi ako bulag." hindi man niya sinabi ng diretso, naroon pa rin ang hidden message na para sa kaniya, anything can define me 'wag lang ang salitang maganda.

"Color blind lang." pero may dinagdag si Mr. Lanister na naging dahilan kung bakit kulang na lang, umusok ang ilong ng anak. Rinig ko ang biglaang pagtawa nila Airen at Ethan. Actually, hindi ako nagpahuli sa tawanan. Points kasi 'yun para asarin siya! Ah, 'wag niyo nang asahan na makikisali sina Hae at Chill. Magkaiba man ang ugali ng dalawang 'yan, nagkakasundo sila sa isang bagay. Kung hindi rin ako nagkakamali, 

"Dad!" reklamo niya habang nakatingin ng masama sa ama. Napangisi lang si Mr. Lanister.

"Bwahahahaha!" hindi ko napigilan humagalpak ng tawa. Sorry guys.

"Color blind ka pala? Anong kulay ang hindi mo nakikita, ha?" I asked with a tone that irritates him more.

"At sino ka para sabihin ko sa'yo?" sagot niya in a very dark voice. He is starring at me as if he's telling me to stop laughing or else, he'll kill me. Pero hindi ko siya pinansin and I continue to pretend as if his situation is very laughable. Hindi naman 'yung pagiging color blind niya ang pinagtatawanan ko eh. It's his reaction. Gantihan lang.

"I'm a concerned fellow citizen." I answered but it seems he has no plans to answer my question.

"Blue. This son of mine can't distinguish that color clearly." at halos magkagatan ang mag ama sa loob ng kwarto nang sinabi ni Mr. Lanister ang isa sa tingin kong pinakatatagong lihim ng anak niya.

Blue huh? Sa lahat pa ng kulay, 'yon pa. Sayang naman. Blue signifies lots of good things at hindi 'yon ng nakikita ng taong 'to. No wonder kung bakit galit siya parati sa mundo.

"Dad, you bastard! Bakit ang ingay mo, ha?" (Lantern)

"Your girlfriend asked you a question. You are oblige to answer."  (Mr. Lanister)

Ugh! Eto na naman tayo eh! Kelan ako naging girlfriend ng hipon na 'yan? Siya ang huling taong sasagutin ko if ever na wala na talaga akong choice! Gwapo nga pero sobrang sama ng ugali! Siya 'yung type ng cliché guy sa mga romance stories! Kadalasan, siya ang nakakatuluyan sa huli ng heroine! Pero...I'll make sure na sa storya ng buhay ko na kung saan ako ang bida, I will fall in love with that shrimp maybe when hell freezes over!

"I'm not his girlfriend sir." singit ko. Lantern nodded as he look down on me. Ang sama talaga ng ugali.

"Dad." ulit ng ni Mr. Lanister. I understand what he wants kahit hindi talaga ako comfortable na sabihin.

"I-I'm not his girlfriend...D-Dad." pinilit kong sabihin ang gusto niyang marinig. Sobrang awkward! Feeling ko mapuputol ang dila ko!

"You should be used to it, hija." (Mr. Lanoste)

Misdialed Paramour ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon