Page 45 - Countdown Arc: The Ringed Paramour Who Begged

2.9K 97 30
                                    

Page 45 - Countdown Arc: The Ringed Paramour Who Begged

Rated PG.

Vote/Comment ✨

Plug: Please read my new inspirational book, Undiscovered, if you think you are an Undiscovered Writer. Thank you!

🍁🍂🍁💮🍁🍂🍁

[Friday, around 6:30 AM]

"Hawakan mo aking kamay


Bago tayo maghiwalay--Aeon!

Dami mo ng nakaing cake! Tama na ah." Napatigil ko sa pagkanta upang sawayin ang kapatid kong dalawang buong cake na ang nauubos eh umaga pa lang.

"Low cholesterol and sugar naman 'to Ate! Pinagtulungan namin i-compute ni Kuya Chill!"

"Ngayon na ba yung performance niyo ni Ethan?" tanong sa akin ni Tita Lin.

Mamayang gabi na kami mag pe-perform sa harapan ng maraming tao. Paano kung ako lang at si Ethan ang nagagandahan sa aking boses? Paano kung mawala ako sa tono o may pumasok na langaw bigla sa bunganga ko? Paano kung tapunan nila ako ng bulok na itlog?

"Opo. Kinakabahan na nga ako, Tita."

Kaba is understatement. Nagsisisi na ako. Dapat di na lang ako pumayag!

"Huwag ka kabahan, Ate! Manunuod kami ni Tita. Suntukin ko eggs ng mang-away sayo!" singit ni Aeon.

Kinuha ni Tita Lin ang cake na kinakain ni Aeon.

"Noooo! Cake! Come baaaack! Give meeee cake!" he whined loudly at Tita reaching for his cake.

"What did I say about violence, Aeon?" tanong ni Tita sa kapatid ko habang iniiwas yung cake sa mga kamay niya.

"Hindi na po! Hindi na po ako mang aaway. Balik mo na caaake Tiiiitaaaaaa!"

My brother is already an elementary student at walang lumipas na linggo na hindi napapatawag si Tita Lin ng guidance counselor.

Paano ba naman, parating may nasusuntok si Aeon, at may paborito siyang parteng suntukin...eggs.

Hindi naman siya nambubully. Nang aaway lang 'yan kapag siya unang inaway o may ipinagtatanggol.

Ladies and gentlemen, ang siga akong kapatid.

Binalik na ni Tita yung cake and my little brother grabbed it from the table and ran to his room with his cake, screaming,

"Hindi ako mangaaway pero 'pag ako unang inaway, papatalsikin ko sila hanggang Pacific Ocean!"

"Aeon! Come back here!" sigaw ni Tita.

"Later po, Tita! Pag ubos cake ko! Love you!"

Napahawak si Tita Lin sa noo at napatingin sa akin habang kumakain ako ng hotdog.

"Rebellious stage na kapatid mo, Zony. Your boyfriends are also not helping. Noong isang araw lang, Aeon heard Lantern cursed. Kinabukasan, pinatawag ako ng guidance. Kumakanta raw si Aeon ng paulit-ulit habang nagkaklase teacher nila."

"I can't see the issue Tita."

"It's the lyrics, Zony. Your little brother is singing damn shit fuck in repeat to the tune of Twinkle Twinkle Little Star!"

Napahagalpak ako ng tawa.

"Not funny, niece!" Tita Lin hissed pero mayamaya natawa na rin siya.

Misdialed Paramour ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon