Page 3 - The Devil Took Me and I Escaped Like a Monkey

10.1K 280 64
                                    

Page 3 - The Devil Took Me and I Escaped Like a Monkey

[Zony]

Hawak-hawak pa rin ng demonyong lalaki ang kamay ko. Parang mababali na yata ang mga buto nito sa sobrang higpit ng pagkahawak niya dito.

“A-ano ba? B-Bitiwan mo nga sabi ako!” reklamo ko sa kaniya, pero kahit kanina ko pa yan pinapaulit-ulit at nagmumukha na akong recording tape dito, hindi niya ako pinapansin.

Umakyat kami ng hagdan habang ako ay parang batang kalye na kinakalkad ng gago! Nang mapansin kong papalapit na kami doon sa natitirang apat na kasali sa Frequently Asked Boyfriends, hindi ko sila tiningnan ng diretso. Umiwas lang ako ng tingin. Nandoon kasi si Hae. I can’t afford to see his color right now. Baka masaktan lang kasi ako. Sa kaniya naman talaga dapat ang confession na yun hindi dito sa masungit, maangas, at nakakatakot na lalaking may aura ng demonyo dahilan sa inilalabas niyang kulay.

Kapag minamalas ka nga naman! Sa lahat ng tao, ang mga taong katulad niya ng kulay ang iniiwasan ko! I didn’t want to be involved with them no matter what. Pero eto ako, dahil sa shunga kong best friend…I'm now involved with them! Ni-hindi ko nga alam kung anong gagawin niya sa akin. When he said I’ll become his wife, I took it as a joke. The hell guys? Sinong baliw na lalaki ang magpapakasal kaagad sa isang babaeng nag confess lang sa phone?

Nang makalampas kami doon sa apat, pansin kong halos hubaran na nila ako dahil sobra silang makatitig! Ugh. Okay, given na na gwapo sila lalo na si Hae pero sa sitwasyon ko, walang time para lumandi.

Just when I thought na kami na lang dalawa nitong lalaking kumakaladkad sa akin, saka naman naramdaman ko na nasa likuran lang pala namin yung apat. Sumusunod lang sila kung saan papunta itong si Lantern. Teka, pwede ko rin bang isipin na sinusundan ako ni Papa Hae? Kya! Kung sana na-fall in love at first sight na lang sa akin si Hae eh ‘di solve na itong problema ko. Pero malabo yun dahil I’m just an average girl, isama mo pa itong sitwasyon ko.

Nagtataka lang ako kung bakit tahimik sila roon sa likod. Hindi ba sila friends? Para kasing hindi naman friendly aura ang inilalabas ng limang ‘to sa isa’t-isa. Instead of pink, orange, the color of competition ang naghahari sa kanila. Sa sobrang tahimik, footsteps lang ang maririnig mong ingay. Weird din dahil mukhang papaakyat ata kami sa pinaka-mataas na floor.

Wait! What the F! Ganito yung mga napapanuod ko sa mga movies! Anong balak gawin sa akin ng mga ito? Huwag mong sabihin na mga manyak sila tapos kaya nila ako dinadala sa pinakamataas na floor ay para pagsamantalahan para walang maka-istorbo? No—teka, kasali naman si Hae eh pero it’s a big NO pa rin!

Si Hae lang ang pwedeng kumuha ng virginity ko. Bawal ang may kahati!

I should manage to escape from them somehow pero paano? Paano makakatakas ang isang lampang babaeng katulad ko mula sa limang lalaking katulad nila? Hmm…

Oh, lightning bulb! I just managed to formulate a bright idea. I shall begin the escape operation.

Ibinigay ko ang full power ng tuhod ko para huminto. Dahil nga full power, kahit na hilahin pa ako ng Lantern na ‘yan hindi niya na ako kaya. At last, we finally stopped. Epic fail nga lang dahil ngayon ko lang napansin na masakit na pala ang mga paa ko. Mukhang nagkaroon na yata ng blisters.

“The fuck? Keep on moving!” sigaw sa akin ni Lantern.

Parang yun lang, mura na kaagad? Ang high blood naman nito! Pero pake ko ba sa ugali niya? Basta pagkatapos nitong gagawin ko, matatakbuhan ko na sila. Okay, the game shall start!

Misdialed Paramour ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon