Page 7 - I Will Teach You And You Will Love It, Baby!

8.4K 249 112
                                    

Follow me on facebook: fb.com/SejuruWattpad

Leave a comment!

Page 7 - I Will Teach You And You Will Love It, Baby!

~~~~~~~~~~~~~~~~

"Have you bleed?" tanong sa akin ng middle age na lalaking katabi ni Airen.

"Y-yes Sir." putcha! Hindi naman masyadong sensitive ang tanong niya ano?

Ang mga Frequently Asked Boyfriends na yan, akala ko ba manunuod lang kami ng movie kaya nila ako sinundo? Pero sa halip na movie house, dinala nila ako sa tuktok ng isang napakataas na building dahil daw gusto akong makilala ng mga Dad nila! Jusko, kaya naman pala halos ipa-sterilized na nila ang katawan ko sa beauty parlor kanina!

"When is your birthday?" nanggaling naman 'yan doon sa lalaking mukhang Dad yata ni Ethan.

"April 7 po."

"How old are you?"

"21 p-po.."

What the hell? Pati birthday ko interesado sila? Yung totoo? Ganito na ba ako kasikat? Sa pagkakalala ko, isa lang akong simpleng estudyante na hindi tinatalaban ng kahit anong pabango at may weird na disorder sa utak! Hindi ako artista!

"Hmmm...I see. So pwedeng-pwede na siyang magpakasal."

Huwattt?!

Muntikan na akong mahulog sa upuan dahil sa sinabi ng Daddy ni Airen! Yung lima, halatang nagulat din lalong lalo na si Lantern. What's with that bitter-looking face? Parang nakakain lang ng mapait na ampalaya! As if naman ginusto ko 'to? Uwaaa! Ano ba kasi itong pinasok ko?

"So ilan ang gusto mong anak, hija?"

Yan ang tanong mula sa Daddy ni Chill na muntikan ng magpatakbo sa akin papalabas ng nakaka-pressure na kwartong 'to. Unfortunately, hindi ko naggawa dahil tinapakan ng demonyong si Lantern ang kanang paa ko.

Well guys ganito kasi ang posisyon namin ngayon. Nakaupo lang naman ako sa dulo ng isang mahabang rectangle na lamesa. Sa bandang kaliwa, naroon sina Chill, Airen, at Ethan kasama ang mga Daddy nila. Sa kanan ko naman matatagpuan sina Lantern and Hae also with their fathers of course.

Alam niyo yung feeling ko ngayon? Parang sinusunog lang naman yung kaluluwa ko sa impyerno! What is it I have done wrong for me to be tortured like this? Ahuhuhu!

"I think, hindi pa siya handa sa mga tanong na katulad niyan Mr. Lanoste." singit ng Daddy ni Lantern. Uwaaa! That saves me! Ilan daw ang gusto kong maging anak? Anak your face! Ni-hindi ko pa nga naiimagine ang sarili ko na may boyfriend tapos anak kaagad?

"Anyway, let me ask you a very important question you should answer..."

tentenenen! Halos magdilim ang paningin ko dahil sa sobrang kaba nang marinig ko yang sinabi ng Daddy ni Lantern. Asdfghjkl! Ang circulating blood ko, mukhang nagbaback flow na! And what's with this sudden change of color? Kung kanina the color of joy, happiness, intellect, and energy ang nakikita ko, ngayon...bakit dark orange na ang nangingibabaw sa atmosphere? Yan lang naman ang kulay ng desire, sexual passion, pleasure, domination, aggression, and thirst for action. Oh my Jesus! Anong balak niyang itanong sa akin?

In the end, napalunok na lang ako ng laway. Yan lang ang kaya kong gawin eh. Kung pwede lang lunukin ko ang sarili ko, kanina ko pa sana nanggawa. Ang totoo niyan, gagawin ko ang lahat para lang maglaho ako sa kwartong 'to. Ayaw ko na dito! Ahuhuhu! They may not be torturing me physically but, mentally...hell they are!

Misdialed Paramour ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon