Page 2 - I Have Hots For You And No One's Gonna Stop Me From Making You Mine

12.2K 321 92
                                    

Page 2 - I Have Hots For You And No One's Gonna Stop Me From Making You Mine

[Zony]

Naramdaman kong binawi na ni Beks yung CP pero wala na akong pakialam. Masyado na kasing occupied ang utak ko sa kakaisip kung paano ko ba malilinis ang imahe ko sa mga mata ni Hae.

Hindi naman kami close. Kung baga, kung ako ang Earth, siya yung Pluto. Ang layo namin sa isa’t-isa. Tapos siguro hindi man lang niya alam ang pangalan ko. Ang sakit naman nito. One-sided love really hurts!

“Infairness, ang gwapo ng nasa rank 1…L-Lantern? Kya! Ang hot ng name niya! Kasing hot ng body niya!”

Uhhh…Hae. Hae ko! Hae my love! Ano bang kailangan kong gawin para mapalapit sa’yo?  

“Look at this Beki! Ang gwapo niya ‘nu? Siya ang rank 1 sa FAB! I’ll make sure na magiging jowa ko siya!”

Saglit lang akong tumingin doon sa picture na ipinapakita sa akin ni Beks. Infairness, gwapo nga. Halos kapantay lang ni Hae sa kagwapuhan kung iisipin pero I didn’t like his aura. Ayaw ko ng color na inilalabas ng katawan niya…dark red. The color of vigor, willpower, rage, anger, leadership, courage, longing, malice and wrath.

“Huwag ‘yan, Beks. He has the dark red aura.” sabi ko sa isang seryosong tono na nagpalaki ng mata ni Ariel,

Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at doon sa lalaking nasa picture. He’s really funny. Ang kaibigan kong ito talaga! Basta ako ang kaharap, he released the pink aura. It’s nothing but the color I like the most. Pink was all about friendship.

“Sayang naman! Bye bye handsome. Ayaw ko sa mga bad boy eh. Kay Beki pa rin ako kampi.” sabi niya na nagpatawa sa akin ng konti. Pero saglit lang at kaagad na nagbalik ang problema ko concerning Hae.

“Oo nga pala, Beki! Muntikan ko nang makalimutan!”

Pinagmasdan ko si Beks habang may kinukuhang kung ano na naman doon sa bag niya. As expected, natagalan siya bago ito mahanap dahil sa dami ng kung anu-anong basura na naroon.

“Sa laundry…hindi ito…ito naman sa class president namin so hindi rin ito…nasaan na ‘yun?”

Binubulong niya 'yan habang patuloy pa rin sa paghahanap. Laundry? Class president? Anong relate? Anong kababalaghan ang hinahanap nito?

“Find it! Here Beki. Advance birthday gift ko yan sa’yo. It’s your birthday tomorrow right? Chipaypay yan kung titingnan, pero kung ikaw Beki ang pinag uusapan…malaking bagay ‘yan.” sabi niya sa akin sabay abot ng isang maliit na papel.

Ang laki-laki ng ngiting nakaukit sa mukha ng best friend ko. Aaminin ko rin na na-touch ako sa sinabi niya. Akala ko kasi nakalimutan na niya kung anong meron bukas. Awie, he’s the best best friend!

“Birthday card ba ‘to? Small version? Wallet size?” tanong ko na may halong tawa.

“See for yourself na lang kasi.”

This time, tiningnan ko na ng mas malapitan yung maliit na papel…

At talagang nanlaki ang mata at butas ng ilong ko sa aking nakita!

Misdialed Paramour ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon