CHAPTER 19

30.7K 1.5K 2.1K
                                    


-

Maingay, puro hiyawan at sipol nalang ang naririnig ko. Nahihilo ako dahil sa sobrang ingay ng palibot, nanginginig ang buong katawan at hindi ko alam kung anong dahilan.

"Sisimulan na natin ang bidding para sa ating huling panauhin. Let's start with ten thousand!" anunsyo nito sa lahat ng mga tao na nasa convention hall.

Naiirita ako sa necktie nitong suot ko na butler attire, nasasakal ako. Bakit ba kasi kailangan pa mag tie kung pwede naman simplehan lang.

Nagsimula na ang bidding para sa akin, wala akong pakialam sa pagbebenta nila basta dapat meron din akin pagkatapos. Ano sila? Sinuswerte at wala akong share na makukuha?

Tinupi ko ang sleeve hanggang siko gamit ang isang kamay. Nang matapos ako sa pagtupi ay ang necktie naman ang sunod kong niluwagan hanggang sa tuluyan ko ng itong natanggal gamit ang isang kamay.

Narinig ko ang malakas na hiyawan at napagtanto na nandito nga pala ako sa harap ng maraming tao.

Binigyan ko sila lahat ng malamig na ekspresyon bago kinagat ang tie saka binuksan ang ilang botones ng suot kong polo. I rested my left hand on my hip while brushing my center hair with my right hand.

Halos ma bingi na ako sa lakas ng mga hiyawan at nakita ang sunod-sunod na taas ng mga numero sa aking harapan.

Kanina ayaw ko talaga pumayag at aalis na sana. Kung hindi lang bumulong tong lalaki na may hawak ng mic sa akin na 40% mapupunta sa akin at 60% sa charity lalo na sa mga bata ay hindi talaga ako magtitiis dito sa stage ngayon.

"1 million." nagulat ako sa offer na narinig ko. Ganun kalaki ang kaya nila itapon para lang sa isang araw na date kahit hindi naman nila ako kilala?

Dumapo ang mga mata ko sa dalawang kakapasok lang gamit ang backdoor. Nakasuot ng sombrero na kayang itago ang kanilang mata at masks pantakip ng mukha. Pangangatawan palang nila ay kilalang-kilala ko na, especially how elegantly and expensively they walk.

Walang iba kundi sila Thalia at Jenkins.

Anong ginagawa nila rito? May balak din ba silang sumali sa bidding? May pera pa pala sya natitira pagkatapos bumili ng isla? Iba pala pag ma bored ang mayayaman, waldas lang ng waldas ng pera.

Kinuha ko ang upuan na nasa gilid at hinila sa gitna. Bakit ako tatayo kung pwede naman umupo? pinapagod ko lang sarili ko.

Pumwesto ako sa gitna.

"Mahal ang oras at maganda ang performance ko, kaya pakiayos ng mga desisyon nyo." sabi ko sa mga panauhin at halos sabay nagtaas ng hawak na numero ang mga gusto mag bid.

Total binenta na nila ako sa auction, wala na akong magagawa.

I sat down, my elbow on the top rail of my seat, my chin on my knuckles, my legs crossed, and my gaze fixed on the audience below.

Kada yata may gagawin akong kilos pataas ng pataas ang bid nila. Kulang na lang siguro mag perform ako pero hindi na kailangan, performance na itong pinapakita ko ngayon sa madla.

Nagpatuloy ang bidding hanggang sa umabot ng 20 million ang offer. Malamig naman sana dahil naka aircon ngunit pinagpapawisan ako.

"Excuse me." tawag ko sa katabing lalaki na abala sa pagsasalita hawak ang mic.

Binalingan ako nito at ngumiti. "May tubig kayo? pahingi." sabi ko at agad nito sinabihan ang kasamahan na nasa gilid lang ng stage upang bigyan ako ng bottled water.

Nasa unahan nakaupo ang dalawa at magkatabi lang. Sa pagkakataon na ito ay hinubad nila ang suot na masks ngunit nanatili ang mga suot na sombrero.

Habang binubuksan ang takip ng tubig ay may naisip akong palabas para mas lalong ganahan ang mga tao sa pag offer ng pera.

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon