CHAPTER 26 - Light 👅

73.7K 1.9K 3.4K
                                    


A/N: Very light roor, light kasi baka humaba sungay nyo. 🙄

-

Kcee Arnault

Kakatapos lang ng conference namin may nakaabang na namang tatlong panda sa labas ng opisina ko.

"Ma'am pang limang araw na po to."

"Maawa na kayo sa aming tatlo."

"Nadadamay kami huhu."

"Yung mga boss namin nagwawala na."

"Ma'am Kcee, unblock mo na po."

"Ma'am dalawang araw nalang po."

"Mawawalan na kami ng trabaho."

"Hindi na namin kakayanin ang trabaho."

"Tambakan nalang sana ako ng maraming trabaho wag lang ganito huhu."

"Stress na kami ma'am, di ka ba naaawa sa amin?" bakit parang ako pa kinokonsensya imbes ng mga boss nila?

"Alam mo ba ma'am, dalawang araw na ako hindi pinapansin ng taong gusto ko dahil wala akong oras humawak ng cp. Pagdating ko ng bahay nakakatulong na lang agad kasi sa sobrang pagod. Ang dami ko ng messages pindala sa kanya to explain pero wala eh, ayaw man lang buksan yung message ko." awang-awa na ako sa tatlong to lalo na si Dezryl, paano sya nagtagal kay Jenkins?

Nagpalit-lipat nalang ang tingin ko sa kanila dahil pinaulanan kaagad ako ng mga reklamo at hindi nagawang makapagsalita.

"Hayaan mo nalang muna pero pag nag tuloy-tuloy na ganyan ang treatment sayo mas mabuti mag move forward ka nalang. Natatanggap nya ang mensahe mo, ayaw ka lang talaga kausap." huminto ako at tinignan sya sa mga mata.

"Wag mo ipilit ang sarili sa taong walang concern sa nararamdaman mo at sarili lang pinapahalagahan, self-centered tawag jan." dagdag kong advice bago pa man sya masaktan o umasa.

"Sa una lang talaga magaling ang mga tao, move on ka na mare. Konti na lang kami sa mundong to na tuloy-tuloy ang pagiging consistent." dagdag pa ni Eirin sa kanya.

"Echoserang palaka ka."

"Excuse me? Sa ganda kong to? Tinawag mo lang na palaka?" hays.

Nagkibit balikat nalang ako sa kanila.

"Ilang beses ko ng inuulit sa inyo, hindi kayo ang dapat pumunta dito. Kung may kailangan sila sa akin, sabihin nyong sila mismo ang gumawa at hindi e-asa sa inyo dahil wala kayong mapapala." sunod kong sabi sa kanilang tatlo.

"Umalis na kayo at marami akong trabaho, wag na kayong bumalik at sabihin nyong pag pinadala kayo ulit dito bukas wag na silang umasa na haharapin ko sila." dagdag ko bago pumasok sa opisina ko.

May malaki akong kailangan unahin dahil tumakas ang kambal ko. Sinabi ni Olivia sa akin na pag uwi nila Jenkins wala na raw ang lahat ng gamit nya.

Hindi nya rin na claim ang perang nakuha ko sa auction dahil humingi ng tulong si Olivia kay Everleigh, the night nong nalaman niyang hindi ako ang Kris na kasama nila.

Pinaghahanap na sya ng mga kapulisan ngayon at wanted na rin sa mata ng mga tao. Naglabas din sila ng statement na kambal ko yun at sinabi kung bakit nakipaghiwalay silang apat.

Syempre gulantang na naman ang mga tao at maraming nanghihinayang sa tatlong taon, lalo na mga fans ni Thalia at Jenkins na halos isumpa ang kambal ko.

Nag-aalala ako dahil baka malaman nila nanay, alam ko naman may karapatan silang malaman pero dapat lang pagbayaran nya pa rin ang lahat ng mga nagawang kasalanan.

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon