CHAPTER 24

31.4K 1.7K 2.3K
                                    


-

Kcee Arnault

Namamaga mata ko kakaiyak, nilagnat din dahil sa ulan. Dalawa kami ni Savannah ngayon dahil nabasa rin sya ng ulan kanina.

Di ako makapaniwala, matagal na palang alam ni Olivia ang tungkol sa impostor na kasama at ginawa ang lahat upang mahanap ako pero sa mga panahon na yun ay wala na ako ng bansa.

"Honey," nakakamiss ang matawag na ganyan. Hindi ako nagsisisi sya ang una kong nilapitan at ngayon may kasama na ako upang mabawi ang lahat.

Kahit matagal akong nawala hindi parin nagbabago kung paano nya ako pakisamahan. Pinaramdam agad kung gaano ako ka mahal.

"Sorry po, dahil sa kin nilagnat din tuloy si Savannah." ang laki ng ng anak ko, unang beses ko syang nakita ng gabing sinundan ko sila sa restaurant.

"She will be fine tomorrow, mas mabilis gumaling si Savannah pag nakainom ng gamot kumpara sayo. Here, drink your medicine." agad kong kinuha ang gamot at ininom. Tinapik ko ang malambot na kama sa gilid ng binti upang paupuin sya.

Pagkaupo nya ay agad hinaplos ang mukha ko. "You changed so much." gustong gusto ko talaga kapag ganito siya sa akin, napapanatag ang aking kalooban.

Muli kong hinagkan muli ang kanyang mainit na kamay at dinampian ng halik ang palad. "Wala naman nagbago sa akin, lahat ng nakikita mo ngayon ay pawang gawa ko." sagot ko bago sya tinignan at nakitang nakataas ang kanyang mga kilay.

"What do you mean?" dahan-dahan ko syang binitawan.

Ngumiti ako bago onti-onting hubarin ang matagal ko ng ginagamit na maskara sa panlabas na anyo. Una kong tinanggal ang lens sa aking mata, sunod ang buhok bago buong lakas na tinanggal ang maskara.

My Father works in a lab, and assisted me in obtaining this hyper-realistic mask. Isang maskara na kuhang-kuha ang buong features ng mukha. Isa't kalahating taon na proyekto ng pamilyang Arnault upang matulungan ako. It's not easy because we failed many times, ngunit hindi kami sumuko until na kumpleto ang proseso. Milyones ang ginagastos ko araw-araw para lang masuot ito at maitago ang totoo kong mukha.

Nang tuluyan ko ng natanggal ang maskara ay muli akong humarap kay Olivia, nanlalaki ang mga mata at awang ang labing nakatitig sa akin.

Gumapang sya palapit sa akin at hinagkan ang magkabilaan kong pisngi. "Y-Your face. A-Akala ko nasira ang mukha mo?" marahan akong tumango, pinalupot ang mga braso sa kanyang bewang at hinila pa dikit sa katawan ko.

"Ou, sirang sira. Alam mo ba yung sakit na dulot non? sabi ko pa sa sarili bakit di nalang nila ako pinatay sa gabing yun kung lahat sinira na nila. Tinanggalan ako ng karapatan sa buhay at aking mukha." miss ko ang mga yakap nya, gusto ko na bumalik ulit ang lahat sa dati.

"Honey, If you don't mind, could you please tell me what really happened? But I won't force you if you don't want to." malambing na bulong nya bago inilakbay ang daliri sa palibot ng aking mukha.

"Of course, lahat sasabihin ko at walang itatago sayo kasi mahal po kita." nag uumpisa na naman ang puso ko. Alam kong tatlong taon na pero may nararamdaman pa rin ako hiya sa kanya, ang lakas lang talaga kasi ng dating ni Olivia sa akin.

"Why are you blushing?" agad ko kinagat ang labi sa pagngiti nya.

"Ganda mo po, hindi lang sa panlabas na anyo." seryosong salubong ko sa malalim nyang titig.

"Kung humarap ba ako sayo noong panahon na sirang sira ang mukha ko, tatanggapin mo pa rin kaya ako?" huli na ng maramdaman ko ang mainit na luha dahil sa pagpunas nya.

"Minahal kita hindi dahil sa taglay mong ganda. Minahal kita dahil naging totoo ka sa lahat, sinabi ko na to ng paulit-ulit sayo diba? gusto ko ang lahat sayo. Love is not measured by the beauty of a person's appearance. It's right here, in the heart." nakangiting sagot nya at itinuro ang puso ko.

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon