EPILOGUE

44.4K 1.8K 2K
                                    


-

Tatlong araw nakalipas matapos ang gabing yun, tatlong araw na rin kaming hindi pumapasok sa mga trabaho. Ayaw ko nga kasi silang iwanan at hindi pa sila gumagaling mula sa mga sugat nila sa ano.

Si Olivia na dapat may mahalagang flight ngayon patungong canada. Si Kate na hinahanap na rin sa kanyang firm dahil naging awol boss nila. Si Jenkins na may fashion show dapat dadaluhan ngayon pero malabo na, at si Thalia na hindi rin makakasipot sa taping dahil puro pakiang-kiang mga lakad nila.

Nandito ako sa sala ngayon, nakahiga sa malambot na airbed at nanonood ng grey's anatomy nang biglang sumulpot sa harapan ko si Olivia at hinarangan ang screen.

"Hi, love."

Agad ko syang nginitian at nag angat ng kamay saka nag close-open ng kamay. "Hi, kamusta pakiramdam mo. Tabi ka?" umusog ako sa bandang kanan upang bigyan siya ng space.

Dahan-dahan syang umupo sa gilid ko ngunit nanatiling nakatitig sa kamay kong nakaangat. Lihim akong namangha sa ginawa niyang pagkuha ng aking kamay at inilagay ito sa kanyang malambot na dibdib.

"Stress?" tanong nya.

So squishy, ginawang stress ball matambok na dibdib nya eh.

"Hindi naman, nangalay lang yung kamay dahil naipit sa ulo ko hehe." tapat na sagot ko at marahan syang hinila pahiga sa aking dibdib bago idinantay ang isang binti nya sa aking hita at isang kamay sa dibdib ko.

"Di mo sinagot tanong ko, okay ka na ba? Masakit parin ba? Sabihan mo 'ko kaagad kung may masakit sayo o kailangan ka." nag-aalalang paalala ko sa kanya.

"Hmm, I'm fine. I love you so much, and thank you for everything." may problema ba sya? Bakit parang tumamlay sya bigla?

"Sure ka bang wala kang problema? Bakit parang ang tamlay mo po?" hindi pa naman sya yung tipo ng babae na magsasabi unless kung pipilitin mo.

"I'm just tired, love." aw, kasalanan ko talaga kaya hanggang ngayon wala pa rin lakas ang apat eh, grabe naman kasi yung ginawa ko sa kanila pero mas worried ako sa kanya kasi mabilis lang sya mapagod sa totoo lang.

Tumagilid ako upang humarap sa kanya at tinadtad ng mga halik ang kanyang mukha. Ayaw kong makita matamlay to kasi parang tumatamlay din ako. "Love, stop, nakikiliti ako." she whispered softly and giggled.

Mahal na mahal ko ang apat pero sa totoo lang mas nangingibabaw talaga si Olivia. I mean, hindi ko rin maipaliwanag sa totoo lang. Lahat kasi ng mga nagawa nya sa akin simula noon hanggang ngayon at ang paghihintay nya sa akin sa loob ng tatlong taon ay talagang tumatak masyado sa isipan at puso ko. Syempre na appreciate at isinapuso ko rin ang lahat ng sakripisyo ng tatlo kaya nga sobrang saya ko ngayon dahil sa sobrang biyaya na binigay sa akin. May apat na babaeng tinanggap ang buo kong pagkatao.

Deserve nya, deserve nila ang mahalin ng mas sobra pa sa sobra. Kaya ayaw kong dumating yung panahon na masaktan ko isa sa kanila pero malabong mangyari yun, dahil hindi naman mangyayari at hindi ako gagawa ng alam kong ikakasakit nya, nila.

"Babe," nilingon ko ang babaeng biglang tumabi ng higa at niyakap ako sa likod.

"What's wrong?" malamyos kong tanong.

"I'm so hungry, please cook for me?" marahan akong bumangon at sinuri ang kanyang noo baka may lagnat ulit sya.

"Okay, anong gusto mong lutuin ko-"

"Sweety, please! I need food!" isa-isa na talaga silang nagsulputan. Mabilis kong sinalo si Jenkins at pinaupo sa aking kandungan dahil sa pabagsak syang umupo sa akin.

"Screw you, Arleth," mahina akong natawa sa iritado ng boses ni Thalia sa kanya. "Anong gusto po gusto ng mga mahal ko?" nagpapalambing sila kaya dapat e baby natin for today.

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon