SPECIAL CHAPTER

39.5K 1.4K 1.5K
                                    


-

"Tangena di na kita makilala HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." ah, yung mga mata ko susuko na. Nakailang laklak na ako ng kape para lang hindi makatulog.

Ka video call ko ngayon si Rhea, 3am na at talagang antok na antok na 'ko. Ewan ko ba bakit gising pa sya pero pagsagot nya ng tawag kanina ungol agad ng mga babae narinig ko e.

"Rhea naman, hirap na hirap na nga tong bestfriend mo tapos pinagtatawanan mo pa." kainis to.

"Sorry, sorry, para ka na kasing panda sa lala ng eyebags mo. Matulog ka rin kaya? Hirap naman ng sitwasyon mo na yan." di halatang naawa sya, para pa ngang inaasar ako.

"Pag ikaw talaga naging ganito tatawanan din kita, akala mo ba madali ha?" sabi ko at napahikab na naman muli. Jusko, ayaw tumalab ng kape ko!

"Dear, you're hard." nawala antok ko bigla sa babaeng narinig ko mula sa kanyang linya at ang sinabi nitong hard. Anong hard sinasabi nya?

"Sino yun?" tanong ko sa kanya.

"W-Wala, alaga ko lang nagugutom. Matulog ka na Kris, usap nalang tayo bukas." bastos na kaibigan to, bigla nalang nang iiwan sa ere.

Naging sunod-sunod ang hikab ko at talagang tuluyan ng pumikit ang mga mata. Onti-onti na akong nilalamon ng antok ko nang biglang may kumurot sa aking binti, pagmulat ko ay halos atakihin ako sa takot dahil sa babaeng nakaputi at tayo sa gilid ng aking kama.

"B-Baby, what's wrong?" pagod man ay pinilit ko parin bumangon at malambing syang hinagkan.

"I want chocolate shrimps." awang ang labi ko sa cravings nya ngayon. Anong chocolate shrimp? Meron bang ganun na pagkain?

"B-Baby, walang ganun na food?" paliwanag ko. Agad siyang ngumuso at nagbabadya na naman tumulo ang mga luha.

Kaya wala ako masyadong tulog dahil sa mga cravings nila. Yes, nila kasi buntis silang apat. Inaatake nila ako lagi ng madaling araw dahil sa mga weird cravings na ewan ko ba kung saan lupalop ng mundo hahanapin katulad na lang ng gusto nya ngayon. Mag 2 months na silang nagdadalang tao at nagsimula mga cravings nila last week.

"D-Don't cry. Hahanap ako ng paraan, okay?" hinila ko sya at pinahiga sa aking kama bago kinuha ang phone at muling tinawagan si Rhea,

Wala na kasing bukas ngayon na mga restaurants at hindi rin ako sure kung may ganung pagkain sa menu nila. Sana lang wag magising ang tatlo at mag crave rin ng mga hindi ko alam kung nag eexist ba.

"K-Kris." jusko parang kanina lang okay pa sya, anong ginawa at hinihingal sya?

"Rhea, pasuyo naman oh. Pabili shrimps please? Nag crave kasi si Kate,"

"H-Ha? Ngayon na ba? Teka lang, shrimps ba kamo?" masama talaga kutob ko sa babaeng to, may ginagawa yatang milagro.

"Ou, sige na please?"

"S-Sge, sakto meron akong nabili kanina at hindi naluto. Hintayin mo nalang ako jan." sino kaya kasama nya ngayon at wala rin akong alam kung may kinakasama sya?

Nilingon ko si Kate na tahimik lang palang nakamasid. "May problema, mahal?" tanong ko ngunit umiling lang sya bago kinuha ang aking kamay at marahan na nilagay sa kanyang tiyan.

"Do you have a name for our child?" inalis ko ang kamay at dumapa sa kama saka idinikit ang tenga sa kanyang tiyan.

"Gusto mo ba ako magbigay ng name para kay baby?" sobrang saya ko nung sinabi nila sa akin na buntis silang apat. Sabay kasi silang nag IVF tapos ayun, isang subok nagbunga agad. Akala ko nga hindi magiging successful kasi wala naman silang pinalita sa 'kin na symptoms ng pagbubuntis nung una.

ᴘᴏʟʏᴀᴍᴏʀʏ : ꜰᴏᴜʀ ᴡɪᴠᴇꜱ | ᴋʀɪꜱ ᴀꜱᴛᴏʀ ᴄᴀᴅᴇʟʟ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon