Chapter 1: (Flashback Overload 1)

612 16 12
                                    

"You know what Kate...hindi ka dapat malungkot kung pinaasa ka lang ng lalaking iyon. He's not worth your tears. Imbis na ubusin mo ang oras mo sa kakaiyak sa lalaking iyon bakit hindi ka na lang magbasa BIBLE at least by reading BIBLE you can get something. A learning from GOD. Tigilan mo na iyang kadramahan mo." sabi ko.

Nandito kami sa classroom. Wala kaming teacher kasi may meeting pa. Ito namang si Kate walang ginawa kundi umiyak kasi pinaasa lang daw siya ng gusto niyang lalaki.

"Eh kasi.... Aria....a-akala k-ko may gusto rin siya sa a-akin. Lagi kasi siyang lumalapit sa akin. Kukulitin ako tapos k-kung ano-anong pampakilig na mga salita ung pinagsa-sabi niya sa akin. T-tapos m-malalaman ko na lang may girlfriend na pala siya! Wahh.... Ang sakit nun no! Pinaasa niya lang ako!"

"Nag-jump into conclusion ka kasi.... Hindi porke nilalapitan ka niya, kinaka-usap at sinasabihan ng mga sweet na salita ay ibig sabihin na may gusto siya sayo. Baka kasi nakikipag-friends lang sayo ung tao tapos akala mo may gusto na sayo. Tsk tsk...alam mo ibig sabihin niyan? Assuming ka masyado."

"Tama si Aria!"

"Maraming namamatay sa maling akala!"

Sabi ng mga classmate namin na kanina pa nakikinig sa amin. Agaw pansin kasi ang pag-iyak nitong si Kate.

"Heh! Manahimik nga kayo diyan! Bakit mo ba kasi ako kinaka-usap Aria? Bumalik ka na nga sa pagbabasa ng BIBLE at hayaan mo akong magdrama dito." sabi ni Kate namumula na ang ilong nito dahil sa pag-iyak.

"Iyon na nga eh. Nagbabasa ako ng BIBLE kanina eh. Pero mula ng pumasok ka dito na umiiyak ng sobrang lakas nasira konsentrasyon ko. Istorbo kasi iyang sentimyento mo."

"Sorry naman!"

"Papayuhan na lang kita Kate. Listen carefully. Huwag kang aasa sa taong alam mong wala kang aasahan. Alam mo na ngang walang pag-asa, ipu-push mo parin. At isa pa pinaasa ka ba talaga niya? Sinabi niya ba sayong umasa ka?"

"H-hindi..."

"Oh... Hindi naman pala eh. Pero umasa ka pa rin. So, definitely ikaw ang may problema. Walang kasalanan ung lalaki. Kasi ikaw lang naman ang umasa. Wala siyang gusto sayo pero dahil assumera ka, akala mo meron."

"Pero kasi base sa pakikitungo niya sa akin...parang meron talaga siyang gusto sa akin." nahihiya pang sagot ni Kate.

"Iyon nga ang pagkakamali mo eh dapat tinanong mo siya para may kasiguraduhan ung mga akala mo. Eh hindi ka nagtanong eh. So anong naging outcome? Nasaktan ka diba."

"N-nakakahiya kasing mag-tanong eh."

"Exactly! Pero paano mo malalaman kung anong nararamdaman niya sayo kung di mo siya tatanungin...mas okay ng ma-reject sa umpisa pa lang kaysa umasa ka na may gusto siya sayo hanggang huli kahit wala naman talaga. Aasa ka pa ba kung sinabi niya sayo na hindi kanya gusto?" Umiling si Kate. "Oh diba, syempre hindi ka na aasa, tigil pangarap na. At hindi ka masasaktan."

"Yeah your right... Thank you at least kahit papano ay tanggap ko na, na assuming lang ako. Pero masakit pa rin eh.... Akala ko talaga may gusto siya sa akin." malungkot na sabi nito.

"It's okay.... Pero alam mo ba Kate...iyang sakit na nararamdaman mo wala pa iyan sa sakit na dinanas ni Jesus Christ. Yung pagpapahirap kay Christ para lang sa atin. Yung pagpako sa kanya sa krus para sa atin at yung pagdaloy ng dugo niya para linisin ang mga kasalanan natin. So dapat huwag mo siyang kakalimutang i-praise and worship."

"Of course his our savor and salvation! Right classmates!"

"Yup!" sabay sabay na sabi ng mga classmate naming may mga sariling mundo pero alam ko namang nakikinig sa amin.

"SHARE THE GOSPEL"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon