†††††"Ang astig ng kwento ng buhay ko 'no?" sabi ko kay Zeria. "And about do'n sa pag-aaral ko, wala. Hindi ko na natuloy. Nawalan ako ng paningin ng isang taon kaya hindi talaga ako nagkaroon ng chance na makapag-aral no'n. Noong nakahanap na kami ng eye donor, syempre in-operahan ako at nakakita din naman ako pero hindi ko na pinagpatuloy ang pag-aaral ko. Nag-self study na lang ako tapos may pumupunta namang tutor sa bahay kaya okay lang. Tapos ngayon nga napagpasyahan kong umuwi na dito para ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Mas gusto ko kasing makapagtapos dito sa bansa kung saan ako lumaki at syempre, gusto ko kasama ko kayong ga-graduate though hindi nga nangyari yun no'ng highschool tayo but this time I'll make sure that we will graduate at the same time."
"Buti naman at naisip mo iyan. Pero sayang parin ang taong nagdaan na hindi ka nakapag-aral. Nakakapanghinayang yun."
"Nakakapanghinayang nga siya, pero everytime na naiisip ko na para naman kay Ate yung ginawa ko nawawala yung doubt, nawawala yung panghihinayang ko kasi alam ko namang naging worth it ang sakripisyo ko. Hindi naman nasayang kaya mas masaya na akong malaman yun. More than enough."
Tumango naman ito. "Sabagay. Naging masaya ka naman ba no'ng mga panahong wala kang makita?"
"Oo naman! Imbis na magdalamhati ako, sobra-sobrang joy pa ang naramdaman ko. Grabeng experience yun. Mahirap nga siya sa una but as the time goes by nasanay na din ako na walang makita. Nakabisado ko nga ang bawat sulok ng bahay eh. Kung ilang step ng hagdan bago ako makarating sa kwarto ko. Kung nasaan yung kusina, C.R, garden. Lahat yun alam ko. May walkig stick naman ako kaya okay lang, malaking tulong. Minsan kasi wala sila Ate sa bahay at yung mga maids naman madaming ginagawa kaya naman I try so hard to memorize all the parts of our house there in Europe and I succeed. Hindi kasi ako pinabayaan ni GOD. Lagi nga Siyang naka-alalay sa akin eh. Ang astig nga kasi kahit minsan hindi ako nadapa. Lagi lang akong natatapilok pero kailanman hindi ako nadapa. That's how great GOD is. Mawalan ka man ng paningin He will always be by our side, always guiding us and will never let us down. That's were I realize that it is all because of Him that I keep on moving forward even if there are so many hindrances in my way, He always make a way for me, He always taking care of me, of us. How sweet right?"
Ngumiti naman ito at tumango. "It's the sweetest thing I ever experience and heard in my whole existence here on earth."
Tumahimik na naman ang paligid namin. Ang sarap ng simoy ng hangin, gusto ko na tuloy matulog.
Nakaka-miss din talaga ang Pilipinas. Kahit sabihin na maganda ang mga lugar sa Europe wala pa rin talaang tatalo sa bansang sinilangan ko. Wala pa ring makakapantay sa ganda nito.
Nahinto ang pag-iisip ko ng biglang tumunog ang cellphone ni Zeria.
"Si Mommy nag-text. Pumunta na daw ako do'n, naka-set up na daw lahat eh. Gusto mong sumama?"
"Oo naman! Hindi ko pwedeng ma-miss ang birthday mo 'no. Ilang taon din akong hindi nakasama sa inyo eh."
"Kung gano'n tara na!" Binitbit nito ang regalog binigay ko dito at lumakad. Sinabayan ko naman ito.
"Saan ba yung venue?"
"Hindi ko din alam kung saan ko makikita itong lugar na 'to eh."
"Wow! Ang lupet mo talaga. Kakaiba.." Napapa-iling na sabi ko dito. Wala pa ring pinagbago.
"Alam mo namang mahina ang sense of direction ko di ba. Kapag naligaw tayo eh di naligaw, wala na tayong magagawa do'n. Pero kung hindi, thank GOD for guiding us."
Natawa na lang ako sa dahilan nito. "Aye, aye."
"Aye? Ano yun?"
"Yes, yep, yeah, okay. Iyan meaning no'n."
BINABASA MO ANG
"SHARE THE GOSPEL"
SpiritualIto ay kwento ng isang kabataang binago ng pagmamahal ng Panginoon. Pagmamahal na nagsilbing liwanag sa madilim niyang nakaraan na puno ng masasama niyang gawa. Sa isang iglap ang lahat ng ito'y pinagsisihan niya at nanalig sa Panginoon. Lahat ng ka...