Chapter 19: Disappearance

30 3 0
                                    


†††††

It's already Friday..

One week ng hindi nagpapakita sa amin si Zelaine. Wala man lang kaming alam kung ano ng nangyari sa kanya. Umalis siyang hindi sinabi sa amin ang dahilan.

No'ng monday akala ko makikita ko siya dito pagpasok ko. Excited pa nga akong ipakita sa kanya yung video ng preaching ni kuya Janrolf. Pero, na-dissappoint lang ako, kasi wala siya pagpasok ko. Tuwing pumapasok kasi ako, naririnig ko na kaagad yung boses niya. Yung dialogue niya na, 'And let's all welcome Ms. Consistent!' with a clap niya pang sinasabi iyan na sinasabayan naman ng mga classmate naming wala ding magawa.

Akala ko gano'ng ang magiging scenario pagpasok ko pero nagkamali pala ako. Dahil walang Zelaine na sumalubong sa akin ng gano'n. Wala yung taong in-expect kong makikita ko. Si Cathlyn ang sumalubong sa akin no'n. Worried din siya kung ano ang nangyari kay Zelaine. Hindi naman kasi yun um-absent. Ngayon lang nangyari 'to. Ngayon lang siya um-absent.

Pinagsa-walang bahala namin yun. Inisip namin na baka may inasikaso lang. Na baka busy ang schedule, o kaya may problema sa company nila. Tinatak lang namin sa isip namin na papasok din siya bukas. Na ngayon lang ito, na makikita din namin siya..

Pero, kinabukasan.. Wala pa rin siya, hindi pa rin namin siya nadatnan sa room. Do'n na kami nagsimulang mag-alala. Very unusual na ito. Hindi ganito ang Aria Zelaine Zapphire na nakilala ko, na nakilala namin. Kaya naman tinawagan namin siya, tinadtad ng text pero wala, wala parin. Hindi siya sumasagot sa mga tawag at text namin. We are really clueless kung ano ng nangyari sa kanya.

Wednesday, we plan to go to her house, pero hindi natuloy dahil may biglaang group project na pinagawa at kailangang ipasa kinabukasan. Kaya na postphone ang pagpunta namin. Baktrip nga eh, wrong timing si Ma'am magpa-project.

Thursday, wala pa rin. Di pa rin siya nagpapakita. Wala pa ring text mula sa kanya. Nakakainis na kasi hindi man lang siyang nag-effort na magpaalam sa amin. Baktrip na naman ang araw na ito eh, na-postphone na naman kasi yung pagpunta namin sa kanila. May pinagawa sa amin na mga activities na talagang nakakapagod. Pagdating ko tuloy sa bahay super exhausted na ko. Ang sakit pa ng katawan ko no'n. Tsk. Diretso higa nga ako no'n eh. Kapagod, garbe.

At ngayon nga, wala ng pwedeng pumigil sa amin na pumunta do'n. Kailangan naming malaman kung anong nangyari kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya pumapasok.

Hindi muna kami mag-po-program ngayon. Si Zelaine muna ang aasikasuhin namin, aalamin muna namin yung kaganapan sa buhay niya kaya hindi siya pumapasok. Pero nakakatuwa kasi madami ng naglo-look forward sa kung ano-ano pang topic yung pag-uusapan sa mga susunod pa naming Program. At least ngayon madami ng interesado. Sayang nga lang dahil wala dito yung nagpasimula ng Program na yun. Wala yung mastermind. Wala yung kaibigan namin. Wala yung bestfriend, na true friend ko dito ngayon..

Wala si Zelaine...

†††††

"Tara na?"

Tumingin ako kay Cathlyn at tumango.

Uwian na namin at papunta na din kami kina Zelaine. Okay na, wala ng sagabal ngayon. Buti nga at wala na eh, kasi kung meron na naman silang follow up, naku! May GOD bless them. Yun lang ang masasabi ko.

Naglalakad na kami sa hallway papuntang gate. Madami-dami pang estudyante ang nakatambay dito. Malamang tinatamad pang umuwi at mas gusto pang tumambay dito.

"Sayang hindi makakasama sa atin si Cindy. Gustong-gusto pa naman no'ng malaman kung anong nangyari kay Aria. Yung babaeng talagang yun, bigla-bigla na lang nawawala."

"SHARE THE GOSPEL"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon