†††††
Woosh! It's friday!
Mag-weekend na ulit! Friday talaga pinakagusto kong araw tuwing weekdays kapag may pasok eh. Kasi ibig sabihin walang pasok kinabukasan. Tulog mode lang ako. Ang saya!
At bukod do'n may Program ulit kami ngayon. Sigurado talagang magiging exciting ang program ngayon. Lalo pa't mukhang nakumbinsi ni Zeria na pumunta dito sa school yung preacher nila.
Yes! Magiging masaya 'to for sure!
"Hoy, Aria. Bakit kanina ka pa nakangiti diyan? May nakikita ka bang hindi namin nakikita?" Pasilip-silip pa si Pres sa kung saan ako nakatingin. Parang may makikita naman siya do'ng tao, eh puro damo lang naman yung nando'n.
"Sira.. Wala kang makikita diyan kundi mga kadamuhan ng school. Tanging ako lang yung nakakakita ng mga bagay na hindi nakikita ng inyong mga mata."
"Naku, naku.. Hindi ka na naman ba nakainom ng gamot mo Zelaine. Dapat hindi mo kinakalimutan yun, lalo pa't baka mas lumala ka." Inilagay nito ang bag sa may upuan nito. Kararating lang ni Zeria. Laging gantong oras naman kung dumating 'to. 10 minutes before time. Astig nga eh, consistent.
"Oh, nandyan ka na pala Miss Consistent. Talagang career na career mo ang pagpasok 10 minutes bago mag-time ah."
"Syempre naman.. Saka hindi naman ako late kaya okay lang. Walang tatalo sa akin sa pagiging consistent 'no."
"Diyan na tayo magkakatalo. Consistent din kasi na maaga pumasok si Pres. One hour bago magsimula ang class nandito na iyan eh. Bato bato pick na lang kayo para fair."
Napatingin sa akin yung dalawa. May ginawa ba akong mali? May sinabi ba akong hindi tama?
"Bakit ganyan kayo makatingin?"
"Paano mo nalaman na one hour before class ako kung pumasok kung wala ka pa naman dito ng gano'ng oras?"
Yun lang pala akala ko kung ano na. "Alam mo kasi Pres, close kami ni Kuya Manong Guard kaya alam ko. Sa kanya din kasi ako nagtatanong kung nakauwi na ba kayo tuwing iniiwan niyo ako, para makasiguro kung nandito pa ba kayo o nag-dissappear na kayong dalawa together with the wind. Oh di ba, concern akong kaibigan. Samantalang kayo iniiwan niyo akong mag-isa. Ganyanan tayo eh."
"Ang tagal mo kaya. And for your information, Miss Aria Zelaine Zapphire, ikaw kaya ang nagsasabi sa aming mauna ng umuwi tuwing lumulutang ang utak mo somewhere. Wala kaming kasalanan 'no."
"Oh, eh di oo na, ako na. Chillax ka lang Zeria. High blood masyado ah. Nakailang letchon ka kagabi?"
"Oy, anong tingin mo sa akin malakas kumain? Grabe lang ah.."
"Joke lang yun syempre!" Peace sign..
"Nga pala Zeria, makakapunta ba yung preacher?" tanong ni Pres
"Yep. Sure na yun. Nakumbinsi ko eh. Buti na lang close kami no'n."
"Nice, nice. Gusto ko ng makapakinig ng preaching. Ang tagal matapos ng klase eh."
"Hindi pa nga nag-uumpisa Zelaine eh. Mag-chillax ka nga diyan. Darating din tayo do'n."
"Ang tagal. Ah, basta Pres, ikaw ng bahala sa mga guard na magbabantay sa gate ah. Dapat secured para walang makawala. Para lahat sila makapakinig. Mukhang interesting pa naman ang topic ngayon. Nag-invite pa si Zeria. Kaya dapat hindi masayang yung effort no'ng preacher pati na rin ni Zeria."
"Yeah, yeah.. Tama, tama."
"Rest assured guys. Easy lang yun. Ako ng bahala."
Sakto namang pumasok si Ma'am kaya napatahimik kami, at binati si Ma'am.
BINABASA MO ANG
"SHARE THE GOSPEL"
SpiritualIto ay kwento ng isang kabataang binago ng pagmamahal ng Panginoon. Pagmamahal na nagsilbing liwanag sa madilim niyang nakaraan na puno ng masasama niyang gawa. Sa isang iglap ang lahat ng ito'y pinagsisihan niya at nanalig sa Panginoon. Lahat ng ka...