†††††
« Zeria's POV »
Bakit parang natagalan yata si Zelaine? Kanina pa siya nagpa-alam ah.
Nagsisimula na yung preaching ni kuya Janrolf. Ang cool talaga nito. Kinulang lang talaga sa height eh. Mas matangkad pa ako sa kanya, mga one inch siguro.
"Z-Zeria.."
Nilingon ko naman yung tumawag sa akin. "Uy, Zelaine, umupo ka na dito. Nagsisimula na oh."
Bakit parang exhausted si Zelaine? Parang may inaalala din siya. Kanina lang ang sigla-sigla niya ah. Ano bang nangyari?
"Z-Zeria.. I-I need to go. Important matter. I-I'm sorry." Kinuha nito ang bag nito at tumakbo palayo.
"Teka lang Zelaine!" Pero tuluyan na itong nakalayo. Hindi ko man lang natanong kung anong problema niya.
Hayae na nga. May monday pa naman eh. Kakausapin ko na lang siya.
"Anong nangyari do'n?"
Nagkibit-balikat ako. "Di ko din alam eh. Pero siguro naman makakausap pa natin siya. For now, makinig muna tayo."
Nakapagtataka talaga yung kinilos ni Zelaine. Ano kayang nangyari? Family problem?
Ay, basta. Mamaya ko na lang iisipin yun.
Kinuha ko yung camera ko. Lagi akong may dala nito eh para ma-capture ko yung mga lugar na pinupuntahan ko at tuwing may special moments na nangyayari, para remembrance.
Gagamitin ko ito ngayon para ma-record ang kaganapan ngayon para mapanood ko kay Zelaine. Excited kasi siyang mapakinggan yung Gospel ngayon eh, pero mukhang may nangyaring unexpected kaya wala siya dito ngayon.
Binuksan ko na yung cam ko at kinunan na ng video ang preaching ni kuya Janrolf.
"Masasabi na ba nating tunay na Worship ang pagkanta ng mga Christian Songs? Worship na ba kapag kumakanta ka, sumasayaw sa saliw ng musika? Well, Worship naman kung tawagin yun pero hindi lang sa pagkanta umiikot ang Worshipping. Mas palawakin pa natin ang salitang Worship. Dahil hindi lang naman talaga ito isang simpleng salita lang kasi may itinatago itong malalim na kahulugan. Hindi lang ito basta sa pagkanta lang umiiral, napakalawak ng salitang ito.
"Merong tatlong form kung paano mag-Worship. First is Verbal. Verbal as in nagsasalita tayo. We're using our voice. And Verbal believe it or not, is the lowest form of Worship. Iyan.. Marami siguro dito ang nag-aakalang Verbal ang highest form kasi napakadali nga namang kumonekta sa isang tao by just opening your mouth and say a word, pero nagkakamali po kayo. Verbal ang nasa pinakamababa dahil sa kadahilanang, hindi naman lahat ng sinasabi at sinasang-ayunan natin ay ginagawa natin. Kagaya na lamang do'n sa Matthew 21:28-30, A Story about Two Sons.
Jesus said,
I will tell you a story about a man who had two sons. Then you can tell me what you think. The father went to the older son and said, "Go work in the vineyard today!" His son told him that he would not do it, but later he change his mind and went. The man then told his younger son to go work in the vineyard. The boy said he would but he didn't go."Sa tingin niyo, sino ang tunay na sumunod sa sinabi ng tatay niya?"
Sabay-sabay naman kaming sumagot, na yung older son yung totoong sumunod.
"That's right. See, sinabi niya no'ng una na ayaw niya, na hindi siya susunod pero sa bandang huli sumunod siya sa utos ng tatay niya. Habang yung nakababata naman niyang kapatid na nagsabing pupunta siya ang hindi naman sumunod. Kaya sinasabing lowest ang Verbal dahil marami sa atin dito ang puro salita lang pero hindi naman magawa. Magaling lang sa salita pero hindi naman ginagawa. Nasaan na napunta ang essence ng pagsunod kung hindi naman ito umiiral tuwing sinasabi nating gagawin natin ang isang bagay but in fact ay hindi naman talaga?
BINABASA MO ANG
"SHARE THE GOSPEL"
SpiritualIto ay kwento ng isang kabataang binago ng pagmamahal ng Panginoon. Pagmamahal na nagsilbing liwanag sa madilim niyang nakaraan na puno ng masasama niyang gawa. Sa isang iglap ang lahat ng ito'y pinagsisihan niya at nanalig sa Panginoon. Lahat ng ka...