†††††Sa wakas natapos na din yung dalawang performance! Buong band na lang at tapos na ang inaalala namin.
Sobra naman ang pasasalamat namin sa Panginoon dahil napagtagumpayan nina Kaizell at Zeria yung performance nila.
Nawa'y maging successful din ang last performance namin..
"Okay, relax na lang muna kayo habang wala pa si Pres. Siguro naman maya-maya lang ay nandito na yun."
"We all hope too.." tugon Kate sa sinabi ni Vice.
We're actually hoping that Cathlyn will make it in time. It's exactly 30 minutes since Cathlyn left, but she's still not coming back.
Mukhang natagalan talaga ang meeting nila. Tungkol saan naman kaya yun para tumagal ng ganito?
Lumipas na ang limang minuto pero wala pa rin si Pres. Nasa'n na ba yun?
"Hay naman.. Sa'n na napunta yun si Pres?" Hindi na mapakali si Vice habang nakatingin sa wrist watch nito at palakad-lakad.
"Baka natagalan lang talaga yung meeting nila.."
"Pero hindi rin Kayross eh.. Masyadong mahaba na yung oras na nando'n si Pres. Sabi niya sa akin usually daw ay 30 minutes lang ang tinatagal ng meeting nila. Kaya, how come wala pa rin siya dito hanggang ngayon?" What things possibly happen to Pres? This is really unusual. Time concious yun eh, kaya hindi normal na late siya ngayon.
"What if there's something bad happened to Pres?"
"Huwag ka ngang mag-isip ng ganyan Kate!"
"Kasi ate, pwede naman na may nag-lock sa kanya sa isang room para hindi makapag-participate dito sa Battle of the Bands. Pwede rin naman na may nangyari na kailangang ayusin ng Student Council. There are a lot of possibility, you know.."
Hm.. Kate was right, but it's like a trial and error. If we consider all of it, what could be the best conclusion or rather answer?
"Okay, everyone.. Let's now proceed to our last category.. Be ready now performers.."
"Paktay na talaga.. Nasa'n na ba si Pres?" Kahit ako ay hindi na mapakali katulad ni Vice. Tsk. Ano na bang nangyari do'n?
Nagitla ako saking pag-iisip ng may tumapik sa balikat ko.
"Bakit Zeria?"
"Sa tingin ko kasi alam ko na kung bakit wala pa rin dito si Pres hanggang ngayon.."
"Talaga? So, anong nangyari? Is it something bad?"
"Hm.. Somehow?"
"Kung gano'n, ano naman yun? Para matulungan natin siya."
"Okay, okay.. Bilis dalhin mo pera mo, kakailanganin natin iyan."
Nagtaka naman ako, para saan namin gagamitin yung pera? "Bakit naman? Na-kidnap for ransom ba si Pres para magdala ako ng pera?"
At ang magaling na si Zeria, tinawanan lang ako. "Adik, syempre hindi! Basta dalhin mo na lang."
Kinuha ko na yung wallet ko at binulsa. "Para saan ba kasi talaga 'to?"
"You will find out, soon.."
Nagpaalam kami kina Vice at sinabing hahanapin namin si Pres, which is true. Pero sabi nga ni Zeria, alam niya daw kung nasan si Pres.
"Oh, ano na? Where to?" Pa-suspense pa kasi 'to si Zeria ayaw na lang sabihin para hindi na ako nababagabag.
"Just follow me Zelaine and you will see.." Nakangisi pang sabi nito. Ang dami talagang alam ng babaeng 'to. Hay...
BINABASA MO ANG
"SHARE THE GOSPEL"
SpiritualIto ay kwento ng isang kabataang binago ng pagmamahal ng Panginoon. Pagmamahal na nagsilbing liwanag sa madilim niyang nakaraan na puno ng masasama niyang gawa. Sa isang iglap ang lahat ng ito'y pinagsisihan niya at nanalig sa Panginoon. Lahat ng ka...