Chapter 9: The Plan

61 2 0
                                    

*****************

"Hay! Natapos din. Thank You LORD!" sabay sabay na sabi naming tatlo.

"Grabe nakakapagod, hindi ko akalain na madaming pupunta dito sa booth natin.." sabi ni Zeria na nakasubsob sa table.

"Famous kasi tayo.. Kalat na kalat sa buong campus ang kagandahan natin. Tingnan niyo naman ang laking tulong.. Haha.." sabi ni Cathlyn.

"Oo na lang Pres.." sabay na sabi namin ni Zeria.

"Nagsasabi lang ako ng katotohanan guys."

"Oo na nga lang Pres."

"Hay naku, masyado kayong serious." Nakapangalumbabang sabi ni Cathlyn.

"Pagod lang Pres. Sakit nga ng lalamunan ko sa kakasalita maghapon eh." sabi ko.

"Tama! Tapos ikaw Pres, napaka-hyper mo pa rin. Ano bang kinain mo at ganyan ka kasaya." sabi naman ni Zeria.

"Gano'n talaga ang buhay, dapat laging happy!"

"Pero totoo, gutom na ako.. Nakakagutom pala ang maghapong pagbibigay ng advice." sabi ni Zeria.

"Lahat naman tayo gutom na. Lalo pa't walang tigil ang bunganga natin sa kakasalita." sabi ni Pres.

"Okay lang 'yon guys at least sa pamamagitan ng pagbibigay natin ng advices nakakatulong tayo sa iba, diba. Sa isang simpleng ginawa natin para sa kanila malaking tulong na iyon. At hindi lang iyon, kasi dahil din dito sa booth natin nagkaroon tayo ng chance na i-share sa iba ang Word Of GOD. Napakalaking privilege na niyon sa atin. So, deffinitely hindi lang yung mga naging customer natin ang nakinabang dito sa booth, gayundin tayong nagbibigay ng tulong sa kanila. The mere fact na na-share natin ang Gospel sa iba ay napakalaking karangalan na, hindi lang para sa atin kundi para rin kay GOD. " Mahabang paliwanag ko.

"Sabagay, tama ka naman Zelaine."

"Guys, naisip ko lang.. Halos lahat ng binigyan natin ng advice madalas tungkol sa love ang problema. Grabeng virus talaga ang naidudulot ng love sa mga kabataan." ---- Cathlyn.

"Kaya nga eh.. Hanap sila ng hanap ng love sa mga taong nakakasalamuha nila samantalang nandyan naman si GOD kayang-kaya silang mahalin ng higit pa sa naiisip nilang pagmamahal." sabi ko naman.

"Tama!"

"Kain na tayo.. Gutom na din ako eh.." sabi ko.

Patayo pa lang kami ng pumasok na naman si Kate.

"Guys, mamaya na kayo kumain.. May pahabol pa eh.. Last customer na 'to."

"Ha? Akala ko last na yung kanina." sabi ni Zeria na napakamot pa sa ulo.

"Last na talaga 'to promise! Kailang-kailangan niya daw ng advice ngayon eh, kaya please.. Ito na lang talaga tapos pwede na kayong kumain.."

"Hay.. Oo na, sige na, go! Gora! Papasukin niyo na." Balisang-balisang sabi ni Zeria.

"Yes! Thanks guys!" sabi nito at um-exit na.

Napasubsob naman ako sa table at pumikit. I thought tapos na itong pag-a-advise namin, gutom na rin ako eh. Pero, masaya pa rin kasi magkakaroon ulit ako ng pagkakataong maibahagi ang Word of GOD sa iba. Nakakapagod man, para sa akin espesyal pa rin ang araw na ito, dahil binigyan kami ng chance ni GOD na maipagmalaki ang kadakilaan Niya sa iba at hindi lang sa mga classmates namin.

"SHARE THE GOSPEL"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon