Chapter 11: Support! Support!

49 2 0
                                    

Palakad-lakad kami sa hallway habang abalang-abala sa panonood ng GOD's NOT Dead sa Ipad ko.

Sobrang favorite ko 'tong movie na 'to kasi ang astig no'ng bida. Ang tatag ng pananampalataya niya kay GOD. Nakaka-overwhelm na may mga taong naka-isip na gumawa ng ganitong pelikula na tungkol kay GOD.

"Ang ganda diba. Dapat ganyan ang Faith natin kay GOD, walang kupas!" sabi ko habang nililigpit ang Ipad ko. Tapos na kasi naming panoodin eh.

"Tama! Na kahit anomang maging hindrances sa daan natin patungo sa Kanya ay patuloy pa rin tayo sa pagiging matatag at sa pag-abot sa kamay niyang hinihintay ang pagdating natin." sabi ni Cathlyn..

"Kahit sabihin pa ng iba na walang DIYOS ay nananatili pa din tayong devoted sa Kanya at hindi dapat natin paniwalaan ang sinasabi ng iba dahil isa lang ang pinaniniwalaan natin at iyon ay walang iba kung 'di si GOD." Zeria..

"Dahil ang boses lang dapat ni GOD ang dapat nating pakinggan. Ang boses Niyang punong-puno ng Wisdom at pagmamahal. Ang boses Niyang ang tanging hangarin ay ang maitanim sa ating puso't isipan ang Kanyang kalhualhatian at kabutihan upang mailayo tayo sa kasamaan." dagdag ko pa..

"Noted!" sabi ni Cindy na may hawak na tickler at ballpen.

"Wow ha! Talagang sinulat mo pa.. Lupet mo teh! Iba ka!" sabi ni Cathlyn na binabasa ang mga isinulat ni Cindy sa tickler nito.

"Syempre naman! Para 'di ko makalimutan."

"Kahit naman hindi mo na isulat basta ba taos puso mong naintindihan ang mga sinabi namin, hindi na iyon maalis sa kalooban mo." sabi ni Zeria.

"Yup! Parang kapag nag-di-discuss ang teacher niyo, kapag nakikinig ka talaga at iniintindi mo ang sinasabi nila kahit hindi mo na i-take down notes ang sinasabi nila maaalala mo iyon at mananatili sa isipan mo." sabi ko.

"Okay.. Sabi niyo eh!" sabi nito at kinuha ang tickler kay Cathlyn bago inilagay sa bag.

"GOOD..." sabi naming tatlo..

Patuloy kami sa paglalakad.. Pagdaan namin sa Computer Room ay napatigil kami dahil may narinig kaming umiiyak na nagmumula sa loob ng Computer Room. Agad na nagtago sa likuran ko si Cindy na nanginginig na sa takot.

"M - m - may m - multo.." sabi nito at mukhang takot na takot nga ito..

"Cindy, hindi ka dapat naniniwala sa multo. Hindi sila totoo, kathang isip lang iyon. Para kasi sa akin si GOD lang ang totoo na hindi natin nakikita at ito lang ang paniniwalaan ko." sabi ni Zeria.

"At Cindy dapat hindi ka natatakot, kasama mo kami at kasama natin Siya. There's nothing to worry about." Cathlyn..

"Tama! Kaya tara na't pasukin natin ang Computer Room para makasigurado.." sabi ko naman..

"P - p - papasok tayo?" nanginginig na sabi no'ng tatlo.

"Oo, papasok tayo.. May problema ba do'n?"

"B - bakit kailangan pa nating pumasok diyan. Pwede namang huwag na diba? Yung tipong napadaan lang talaga tayo.." sabi ni Cathlyn..

"SHARE THE GOSPEL"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon