Chapter 21: Still Waiting

32 2 0
                                    

†††††

"Happy Birthday Zeria!"

"Maraming salamats Cath."

Yep, birthday ko na ngayon. September 20, 2019. Tama kayo ng pagkakabasa. It's been 3 years, 9 months, 20 days, 10 hours, 3 minutes and 39 seconds, but unfortunately, wala pa ring Aria Zelaine na nagpapakita sa amin. Garbe nga eh. Ang tagal na, pero hindi pa rin siya bumabalik. College na kami ngayon, pero wala pa rin siya. Ang saya niya masyado eh.

Hindi na kami magkasama ni Cathlyn ngayon sa iisang paaralan. Sa U.P Baguio siya, kaya nga do'n na din siya nakatira, Accountancy ang kinuha niyang course, bagay na bagay nga sa kanya yun dahil magaling talaga siya pagdating sa numbers. Habang ako naman, nag-stay ako dito sa Manila. Nag-aaral ako ngayon sa UST. Humss naman ang course ko. Di ko din alam kung bakit 'yon ang napili ko, napag-trip-an ko lang talaga. At siguro, do'n talaga ang forte ko kaya 'yon ang nagustuhan ko. Di ko din alam eh.

No'ng high school nga ay nagulat na lang kami ng mabalitaan naming nag-drop out pala si Zelaine. Nawalan na kami ng pag-asa no'n na babalik pa nga siya. Pero inalis kaagad namin ang isiping iyon at naghintay pa rin kami. We keep our Faith in GOD.

"Ano saan tayo mamaya? Kasama ba natin si Cindy?"

"Yep. Sinabihan ko na din siya. Kaya no problem na. I-text ko na lang sayo kung saan yung location na hinanda nila Mommy." Dapat nga talaga, wala na lang eh. Mas masayang tumambay na lang sa bahay. Though, malaki ang pasasalamat ko kay GOD kasi muli na namang nadagdagan ng panibagong taon ang buhay ko.

"Gano'n ba? Sige, sige. Baba ko na. Uy, hintayin niyo ko ah, malayo-layong biyahe 'to eh."

"Oo naman. Si Zelaine nga hinihintay ko pa rin eh, ikaw pa kaya."

"Sabagay. Pero ang tagal niya talaga 'no? Nag-enjoy na yata yun sa lugar na pinuntahan niya at nakalimutan na tayo eh."

"Babalik yun. For sure, babalik siya. May utang pa siya sa akin sa lahat ng importanteng okasyon na wala siya dito. Katulad ng pasko, new year, birthdays natin. Naku! Dapat may gift siya pag-uwi niya dito."

"Tama, tama. Akalain mo yun may magiging advantage pa pala yung pagkawala niya. Ang galing mo Zeria."

"Syempre, ako pa ba?"

"Sige na. End call ko na.. Nagkakalokohan na lang tayo dito eh."

Natawa naman ako sa sinabi nito. "Sige na Cath. Ingats ka ah. GOD Bless!"

"GOD Bless din. See you mamaya. Happy Birthday ulit."

"Sige, sige. Salamats."

Pagka-end call ni Cath ay naghanda na ako. I take a bath then I get myself dress with my usual outfit, which is jeans, t-shirt with a print stated 'Ignite' it was actually our anniversary shirt in our church, and I  pair it to my brown shoes. I also took my backpack.

Hindi pa ako pupunta sa mismong location. Trip ko munang maggala, magpahangin, since mukhang matatagalan pa si Cathlyn bago makarating dito sa Manila.

Si Cindy naman, paniguradong inaasikaso pa niya ang mga cute nitong kapatid. Sa tatlong taon naman na nagdaan ay walang pinagbago kay Cindy. Mabuti siyang ate at sobrang daming problema ang dumating sa buhay niya, pero nalagpasan naman namin yun ng sama-sama. Hiyang-hiya na nga 'yon sa amin dahil daw ang dami na naming naitulong sa kanya.

Sa tingin ko, 'yon ang pinagkaiba ni Zelaine kay Cindy. Si Cindy kasi kahit madaming problemang kinakaharap hindi siya naglaho, hindi siya nawala. Pero si Zelaine, bigla na lang naglaho ng hindi sinasabi ang dahilan.

"SHARE THE GOSPEL"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon