*************************
Nandito pa rin kami sa cafeteria. Wala lang tambay lang kami dito habang lumalafang ng mga chichirya. Hindi na nga kami natigil sa pagkain eh, pati si Cindy nakikain na rin sa amin.
Masarap kasing kumain lalo na kung kasama mo ang mga taong importante sa buhay mo. Parang relationship natin kay GOD! Masarap mabuhay kung kasama mo Siya, punong-puno ng kulay ang buhay mo, puro happiness, joy and love ang mararamdaman mo, puro good vibes at wala kang mararanasang stress, kasi alam mong kapag kasama mo Siya alam na this! His in control! Pero kapag walang GOD sa buhay mo walang kulay ang mundo mo, puro fear, anger at paghihiganti ang mararamdaman mo. Stress overload dahil hindi ka humihingi ng tulong sa Kanya, laging nakadepende ka lang sa sarili mo kung paano mo lulutasin ang problema mo. At maling-mali iyon dahil hindi ka nag-iisa sa pagharap ng mga challenges mo sa buhay. Lagi nating tatandaan na kasama natin ang Panginoon, na hindi tayo nag-iisa dahil lagi Siyang nandyan upang tulungan tayo.
Bumalik sa realidad ang pag-iisip ko ng may bumato sa akin ng potato chips. Hindi lang batong pabiro, malakas talaga... Sakit eh..
"Aray naman!"
"Eh kasi naman Aria parang hindi ka namin kasama. Nagtatawanan kami dito tapos ikaw naman parang nasa ibang planeta. Para kang nasa sarili mong mundo. Masyado kang tulaley.."
"Oo nga Zelaine, masyadong malalim yung iniisip mo. Habang nagkakatuwaan kami dito, ikaw naman walang reaksyon. May problema ka ba?"
"Wala, wala.... Oks lang ako. There's nothing to worry about. May naisip lang ako.."
"Are you sure? Baka inaantok ka na naman.." sabi ni Cathlyn.
"Hindi, hindi na ko inaantok. I'm okay, don't worry too much guys.." Nakangiti kong sabi.
"Okay, sabi mo eh.."
Napangisi naman ako. Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag may nag-aalala para sa'yo, yung tipong ayaw ka nilang masaktan. I'm really thankful to GOD that He gave me friends that really caring and loving, good influence pa. He really knows what's best for me, for us..
"Thanks sa pag-aalala!"
"Walang anuman!"
Pinagpatuloy na namin ulit ang na-udlot naming pagkain.
Paalis na dapat kami sa cafeteria ng may lumapit sa aming babaeng estudyante na mukhang problemadong-problemado.
"Kayo po ba yung Trio Advice Master?" tanong nito.
"Kami nga.. Bakit?" sabi ni Pres.
"Pwede pa po bang humingi ng advice?"
Umupo ulit kami at pina-upo din namin yung babae.
"Sige lang!" sabay na sabi naming tatlo.
"T - talaga po?"
"Oo naman! Full charge na ulit kami eh. Pwedeng-pwede na ulit kaming magbigay ng advice." sabi naman ni Pres.
"At para sa amin, napakasaya sa pakiramdam ang makatulong sa iba. Lalong-lalo na kung maibabahagi namin ang Word of GOD sa'yo." sabi ko.
BINABASA MO ANG
"SHARE THE GOSPEL"
SpiritualIto ay kwento ng isang kabataang binago ng pagmamahal ng Panginoon. Pagmamahal na nagsilbing liwanag sa madilim niyang nakaraan na puno ng masasama niyang gawa. Sa isang iglap ang lahat ng ito'y pinagsisihan niya at nanalig sa Panginoon. Lahat ng ka...