Chapter 20: Christmas

25 2 0
                                    

†††††

"Namamasko po! Namamasko po! Namamasko po!" Paulit-ulit na sigaw ng mga batang nasa tapat ng bahay namin.

Garbe nga eh. Hindi makapaghintay.

"Saglit lang po!" Ganting sigaw ko, sabay kuha ng mga kendi na ni-repack ko kagabi, wala kasi akong magawa eh kaya tinulungan kong mag-repack sila yaya hanggang antukin ako. Kumuha din ako ng one hundred do'n. Lagi kasing may iniiwan sina Mommy dito na tig-iisang daan para daw mabigyan yung mga batang madalas namamasko dito sa bahay.

Lumabas ako sa bahay at inabot sa mga bata yung kendi, tig-iisang balot sila pati tig-iisang daan, tatlo sila kaya naka-three hundred kaagad. Buti na lang galante ako ngayon.

"Thank you, thank you! Ang babait ninyo, thank you! Merry Christmas po!"

Ngumiti naman ako. "Merry Christmas din! Ingat kayo! GOD BLESS!"

Nang makaalis ang mga bata ay napabuntong-hininga na lang ako at pumasok na ulit sa loob.

Wala akong kasama dito kundi sila yaya lang. Yung parents ko nasa States, kahit pasko ay may inaasikaso pa rin sila. At as usual, hindi na naman kami magkakasama ngayong pasko. Sanay na naman ako at tinatawagan naman nila ako para batiin ng Merry Christmas kaya okay na din. Masaya na akong malaman na hindi nila ako nakalimutan. Nagpadala nga rin sila ng regalo at nag-sorry ulit dahil nga wala sila dito. Lagi namang gano'n ang scenario naming pamilya. Pero mas magiging masaya sana kung nandito sila, kung present sila sa special na araw na ito.

It's His birthday!

We must celebrate not because of the gift we might recieve. Not because of the money from our Ninong and Ninang but because it's His birthday. That's the main reason of this day. Christ is the main definition of Christmas. So, we must not forget to give thanks to Him. We must not forget Him in Christmas.

Let us rejoice and be glad in it!

†††††

Naka-upo lang ako dito sa sala habang kumakain ng potato chips at nakatutok ang mga mata ko sa T.V. Inuulit ko kasi yung GOD's Not Dead. Favorite ko kasi ito eh. Ang ganda kasi. Super! Try niyo, para ma-feel niyo yung feelings na nararamdaman ko ngayon..

Biglang nag-ring yung cellphone ko kaya naman pinause ko muna yung pinapanood ko. Si Cathlyn lang pala, ano kayang kailangan nito?

"Yo! Cath bakit ka napatawag?"

"Uy, Zeria! Gala tayo! Huwag kang magpaka-loner ngayong pasko. Lumabas ka naman diyan sa lungga mo!"

Inilayo ko naman yung cellphone sa tenga ko. "Pwede ba, Cath. Huwag kang sumigaw. Garbe ka, akala mo ba hindi kita naririnig? Masisira ng wala sa oras yung eardrums ko sayo eh."

At tinawanan lang ako nito. "Sorry na! Na-excite lang. So, ano? Tara na?"

"Pwedeng mamaya na? Tinatapos ko pa yung GOD's Not Dead eh."

"Gano'n? Punta na lang ako diyan. Para hindi ka mag-isa. Patapos na ba yung movie?"

"Medyo, medyo pa lang naman. Bilisan mo na lang para maabutan mo yung ending."

"Ah, gano'n ba? Kung gano'n pagbuksan mo na ako ng gate para makapanood na ako. Kanina pa ako nakatayo dito, actually."

"Nye? Bakit di mo sinabi kaagad? Hays.." Tumayo na ako at lumabas, binaba ko na din yung tawag. Binuksan ko yung gate at nando'n na nga siya. "Kanina ka pa diyan?"

"Kadadating ko lang din. No'ng tinawagan kita on the way na ako no'n. Lakad mode nga lang ako kasi wala yung driver namin. Kapagod ah."

"Iyan lakad pa more. Pasok na."

"SHARE THE GOSPEL"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon