Chapter 2: (Flashback Overload 2)

222 9 4
                                    

Naglalakad na ako sa kung saan-saan lang. Tinakasan ko yung driver namin. Si Zeria naman sinundo na nung driver nila. Zeria na tawag ko sa kanya, kasi.... trip ko lang. Masama bang magbago?

Kanina, pagkatapos kaming batuhin ng itlog nung mga babae tumakbo ang mga ito. Tinapon na namin ung mga payong, ang lansa eh. Hindi pa doon nagtatapos ang journey namin.

Malapit na kami sa gate ng may humarang ulit sa amin, pero, this time puro lalaki may mga dala silang bola ng tennis. Syempre tumakbo kami, ayaw naman naming magkapasa, hinabol nila kami at pinagbabato pero, hindi sila makatama, Dodger kami eh. Haha..

Pero hindi ako magpapatalo sa kanila no. Nung naubos na yung tennis ball nila, pumunta kami sa puno ng mangga at pumitas ng bunga yung tipong hinog na hinog para kapag tumama sa kanila instant mantsa. Pinahawak ko iyon lahat kay Zeria at binalikan namin yung mga lalaki. Ang ending kami naman yung humahabol sa kanila. Ako yung taga-bato si Zeria yung taga-bigay ng mangga. Yung isa headshot, sapul na sapul eh. Solid! Yung isa pa ang pinaka-nakakatawa. Sakto sa bibig, nabalatan pa nga yung mangga eh. Haha! Nakanganga kasi habang tumatakbo.... eh subshooter ako ayun sakto sa bibig niya. Haha! Tawa kami ng tawa ni Zeria eh. Halos maglupasay na kami sa kakatawa.

Pagkatapos nun dumeretso na kami sa gate at nagkanya-kanyang uwi. So.... kasalukuyan pa rin akong naglalakad sa kung saan-saan. Ayoko pang umuwi wala naman akong ginagawa doon eh.

Sa aking paglalakad ay napunta ako sa dati kong school at naglalabasan na yung mga estudyante. Nakita ko yung mga pinag-tripan ko dati at sa kasamaang palad ay nakita rin nila ako.

"Si Aria yun, diba? Malaki kasalanan niyan sa akin eh."

"Sa akin din eh."

"Akala niyo sa inyo lang. Halos lahat ng estudyante dito pinagti-tripan niyan!"

"Tara gantihan natin..."

"Sige ba..."

Naku, paktay... No choice... "Takbo!" sabi ko at kumaripas ng takbo.

Hinabol ako nung mga napag-tripan ko. Grabe ang dami nila. Kung saang pasikot-sikot ako dumaan hanggang maligaw ko sila nang tuluyan.

"Ha! Ha! Ha!.... Huu! Kapagod!" Nakapa-mewang pa ako habang hinahabol ang hininga.

Hindi ko namalayang nasa tapat pala ako ng simbahan. Pumasok ako doon at umupo. Walang misa ngayon, Monday kasi. Sa sobrang pagod, nakatulog ako doon.

Nagising ako nang maramdaman ko ang marahang pagtapik sa balikat ko. Nang idilat ko ang mata ko, isang madre na nakangiti sa akin ang nakita ko.

"Ay, sorry po kung naka-tulog ako dito." sabi ko, sabay tayo.

"Okay lang. Mukha pagod ka hija. Ginising lang kita kasi isasara na ang simbahan."

"Ahhh... Ganoon po ba.." Naglabas ako ng limang libong piso sa pitaka ko at inabot kay sister. "Ito po oh. Pasensya na po sa abala."

"Ay, hindi na... Itago mo na lang iyan."

"Bigay ko po ito para sa simbahan. Napansin ko po kasing medyo bakbak at luma na ang pintura ng simbahan. Tanggapin niyo na po. Para po gumanda ulit itong simbahan. Sana po makatulong."

"Maraming salamat dito. Malaking tulong ito para sa simbahan."

"Walang anuman po.. Alis na po ako."

"Pagpalain ka.. Mag-ingat ka hija."

Lumabas na ako sa simbahan. Madilim na. Naglakad na ulit ako. Malapit ang simbahang ito sa village namin.

"SHARE THE GOSPEL"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon