Chapter 16: Debate

41 3 0
                                    

†††††

Napapahikab na lang ako habang nakikinig sa teacher namin sa Araling Panlipunan. Nakakaantok kasi talaga.

Anyway, it's been two weeks after that Battle of the Bands. And just like we expected, we did'nt win. Well, at least we did our best.

Simula pa lang naman alam na namin na gano'n ang magiging resulta. Secular song kasi talaga ang required na kantahin pero dahil wala akong balak kumanta ng hindi para sa Kanya nevermind na lang.

Okay lang sa akin ang matalo basta ba ang Panginoon ang pinararangalan ko.

At nga pala, nagawa na din namin yung plan namin about sa mga kabataang masyadong nagpapadala sa kanilang bugso ng damdamin. Dalawang beses na nga eh. Last, last friday at no'ng last week lang. Naging okay naman ang resulta kasi wala namang choice ang mga estudyante kung 'di makinig dahil lahat ng pwede nilang daanan palabas ng school ay may mga guard na naka-assign. Ang galing ni Pres eh. Alam naman naming may natutunan sila.

Ngayong friday ulit. Pero sabi ni Zeria iimbitahan daw niya yung Preacher sa church nila eh. Kaya paniguradong magiging masaya sa friday.

Umalis si Ma'am ng hindi ko namamalayan. Ang masaklap pa wala akong naintindihan sa lecture ni Ma'am.

Ewan ko ba.. Siguro kaya ako inaantok dahil umuulan ngayon.

Gano'n kasi ako eh.. Everytime na umuulan lagi akong inaantok. Malamig kasi kapag umuulan, eh yun pa naman ang weakness ko. Tuwing nakakaramdam ako ng lamig inaantok ako. Kaya nga kapag may ginagawa akong projects or kahit assignment hindi ako nagbubukas ng aircon kasi paniguradong makakatulog ako at hindi ko maggawa ang dapat kong gawin.

Anyway, ang lakas ng ulan ngayon. Wala naman akong napanood sa balita na may bagyo pero parang binabagyo na kami sa lakas ng buhos ng ulan at hampas ng hangin. Parang galit na galit ang panahon ngayon.

"Uy, Zelaine. Ano pang tinutunganga mo diyan? Tara na.. Kanina pa tapos yung klase eh."

"Ahh.. Okay, okay.. Wait nasa'n ba si Pres?"

"Umalis na kanina pa.. May meeting daw sila eh pero sabi niya puntahan daw natin siya after class at ngayon na yun.. Kaya tara na.."

"Oh? Bakit hindi ko alam iyan?" Nilagay ko na ang mga kagamitan kong nasa desk sa loob ng bag, saka ko ito sinukbit.

"Paano ba naman, eh maghapon kang lutang.. Lutang Mode lang Zelaine?"

"Ahh, yun ba? Tingnan mo naman kasi ang lakas ng ulan! Malamig kaya nakakantok." Naglakad na kami papuntang Student Council Office. Medyo malayo yun mula dito sa room namin.

"Nye? Ang saya nga kapag umuulan eh. Laging ang daming tumatakbo sa utak ko. Energetic ako kapag umuulan eh."

"Iyan ang pinagkaiba natin." Napahikab na naman ako. "Hay, kakaantok talaga.."

"Eh di lagi ka palang aantok-antok tuwing umuulan? Naku, malala na iyan. Hindi ka makakapag-aral ng maayos niyan 'no.."

"Oks lang naman.. Na-ha-handle ko naman. Saka nandyan naman kayo ni Cathlyn eh. Alam ko namang kayang-kaya niyo akong i-tutor kung sakali.."

"Hay, ewan ko sayo, Zelaine.."

Tinawanan ko lang ito. Sanay na naman si Zeria sa akin kaya, ayos lang.

Nakarating na din kami sa may Student Council Office. Nakasarado yung pinto tapos sobrang tahimik. Para ngang walang tao sa loob dahil walang maririnig na ingay. Ang dilim pa ng loob. Kung titingnan magmumukha 'tong haunted house eh.

"Ang dilim naman dito."

Napakapit sa braso ko si Zeria. "A-ayokong pumasok diyan Zelaine. B-baka ma-deads ako ng maaga."

"SHARE THE GOSPEL"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon