Pagkatapos no'n tumakbo ako papunta kina Mommy at Daddy para mag-sorry. Nag-sorry rin sila at sinabing hindi na daw sila aalis at kung aalis naman daw sila, tatawagan na lang daw nila ako o Skype.
Kahit ngayon patuloy pa rin akong nagbabago. Humingi ako ng sorry sa lahat ng napag-tripan ko buti na lang pinatawad nila ako at sinabing, sorry ko lang daw ang hinihintay nila para mapatawad nila ako. Gumaan ang pakiramdam ko nang makahingi ako ng tawad sa mga nagawa kong kalokohan. Thankful ako kay GOD dahil nagpakilala siya sa akin at binigyan ako ng chance para maitama ang mga pagkakamali ko.
"Zelaine tapos na ang Devotion time." sabi ni Zeria.
"Hmm... Sino magse-share?" tanong ko.
"Wala pa yata. Tanong mo kaya sila."
Tinanong ko ang mga classmate namin pero walang nag-volunteer.
"Ikaw na lang Aria..." sabi ni Pres.
"Hindi pa ba kayo nagsa-sawa sa pagmumukha ko every week nagse-share ako. Ayaw niyo ba talaga?"
"Malamang nahihiya pa rin iyang mga iyan. Kaka-share ko lang din kahapon eh. Dapat lahat tayo makapag-share." sabi ni Pres.
Tumayo ako at pumunta sa harap. "Ahm.... ako na naman ang nasa harap niyo pero saglit lang ito kasi hihikayatin ko kayong mag-share. Alam niyo kasi ang pagse-share ng Gospel ni GOD ay hindi dapat natin ikahiya. Dapat pa nga ang Gospel ang magsilbing lakas natin upang ibahagi sa iba ang Mabuting Balita, ang Gospel. Oo, kilala na nating lahat si GOD, si JESUS CHRIST, pero mas madadagdagan ang kaalaman natin tungkol sa Kanya kung lahat tayo ay magiging daan para bahaginan ang isa't-isa ng aral mula sa Kanya. Paano malalaman ng iba ang kadakilaan ng Panginoon kung dito pa lang sa classroom natin, at take note kilala natin ang isa't-isa pero hindi tayo makapag-share ng Gospel Niya. Hindi makikilala ng ating kapwa ang Panginoon kung mas paghaharian tayo pagkahiya kaysa ng Holy Spirit ni GOD.
"So, guys hindi natin kailangang i-please ang iba mas maganda kung si GOD ang ipi-please natin. And by sharing the Gospel we can make GOD happy and proud of us. Ang gaan sa pakiramdam kapag nagse-share ng Gospel so don't miss the chance to share it others.
"Huwag kayong maging taga-pakinig lang, maghatid din kayo ng Mabuting Balita. Hindi ba kayo nagsasawa kaming tatlo lang ang nagse-share... ako, si Zeria at si Pres. Huwag kayong mahiya, Word of GOD ang ise-share niyo. Sasamahan Niya naman kayo eh. Hindi Niya hahayaang wala kayong masabi tungkol sa kabutihan at kadakilaan Niya. Mag-share kayo, mag-share kayo ng mga bagay na nalalaman niyo tungkol sa Kanya, makikinig kami at nakikinig Siya at todo suporta sa inyo, sa atin.
"Guys next time kayo naman ha... dapat bawat isa sa atin makapag-share para hindi paulit-ulit at lahat mabigyan ng chance na makapag-salita para sa Kanya o tungkol sa Kanya."
"Okay!"
"Sa Monday ha... dapat wala nang mahihiya. Si GOD ang pini-praise natin kaya huwag natin Siyang ikahiya. Ipagmalaki natin ang kadakilaan Niya!"
"Okay!"
Nag-thank you sila sa akin dahil sa pagpapalakas ko daw ng loob nila, sinabi ko naman sa kanila, "GOD BLESS". Pagkatapos no'n bumalik na din ako sa upuan ko.
BINABASA MO ANG
"SHARE THE GOSPEL"
SpiritualIto ay kwento ng isang kabataang binago ng pagmamahal ng Panginoon. Pagmamahal na nagsilbing liwanag sa madilim niyang nakaraan na puno ng masasama niyang gawa. Sa isang iglap ang lahat ng ito'y pinagsisihan niya at nanalig sa Panginoon. Lahat ng ka...