†††††
One hour before the Battle of the Bands..
Lahat kami kabado.. Sino ba namang hindi kakabahan kung wala kaming practice.. Yung one hour na lumipas nag-usap-usap lang kami kung ano yung alam naming tugtugin at kantahin.. At buti na lang nagka-sundo-sundo kami sa iisang kanta.. Kaya naman namin 'to.. The mere fact that GOD is with us is more than enough for us to overcome this trial..
"Okay guys! Kaya natin 'to! Tiwala lang okay.." Pag-e-encourage samin ni Pres. na sobra naman naming na-a-appreciate..
Alam ko namang lahat kami nabigla do'n sa binalita nila Kate.. Lalo na no'ng kami pa yung napiling mag-perform.. Di namin inaasahan pero, kaya iyan! Magagawa namin 'to for sure..
"Kinakabahan ako.. Nanginginig na yung tuhod.. Maiihi pa yata ako.." sabi ni Kerone kay Kayross na pa-easy-easy lang habang pinagpapalo yung drumstick ni Kaizell..
"Naku ilabas mo na iyan ngayon palang.. Baka mamaya do'n ka pa magkalat 'no.." sabi naman ni Kayross..
"Hay, sige na nga.. Ayokong mapahiya tayo mamaya.. Alis muna ako ah, be right back!" Dali-dali na itong umalis, mukhang naiihi na nga talaga ito dahil sa kaba..
"Pwede pa-share? Kailangan kong mag-relax eh.. Parang aatakihin na ako sa puso dahil sa kaba eh.. Pwede ba? Music kasi ang nakakapag-relax sa akin eh.."
"Oh, sure! Here," Sabay bigay ni Zeria ng isang earphone niya kay Kaizell..
"Salamat.." Agad namang inilagay ni Kaizell yung earphone sa tenga niya.. "Wow, this is my favorite Christian song!"
"Really? Parehas pala tayo.. Ang ganda kasi ng pagkakanta lalong-lalo na yung meaning.."
"Yep.. It's cool!"
Sigurado akong 'Lead Me To The Cross' yung pinapakinggan nila.. 'Yun kasi yung pinaka-favorite Christian song ni Zeria pero marami talaga siyang pinapakinggan na kanta at lahat ng 'yun puro Christian song..
"Wew.. Sa wakas kumalma na ang kalooban ko.. Ice cream lang pala ang katapat.." Kakapasok palang ni Kerone at may kinakain itong isang galong ice cream, konti palang yung bawas no'n, halatang kakabili palang niya..
"Wow ice cream! Rocky Road flavor pa! Henge!" Hay, grabe talaga yung addiction nitong si Cathlyn sa ice cream lalong-lalo na yung Rocky Road flavor katulad nga ng kinakain ni Kerone ngayon..
"Sige lang.. Share tayo.. Ito oh," Inabot nito yung isa pang kutsara.. "Don't worry, hindi ko pa 'yan nagagamit.."
"Yez! Salamat! Favorite flavor ko 'to eh.." Kumuha ito ng ice cream at diretso subo.. "Ang sarap talaga, grabe!"
"Favorite mo din 'to Cathlyn? Parehas pala kung gano'n.. Sarap 'no?" Tumango lang si Pres. kasi hindi na ito makapagsalita dahil puno ng ice cream ang bibig.. Grabe lang, kakakain lang namin ng ice cream kanina, tapos kumakain na naman siya ngayon.. Unbelievable..
Kinuha ko yung gitara ko, pinadala ko pa 'to kay Mang Edwin kasi nga biglaan.. Buti na lang nakarating kaagad.. Isang buwan ko na din hindi nagagamit 'to dahil masyado akong naging abala sa pag-aaral.. Nakaka-miss din palang tumugtog, lalo pa't para sa Kanya ko inaalay lahat ng tinutugtog ko..
Sinimulan ko munang i-tono yung gitara ko.. Niluluwagan ko kasi yung string ng gitara ko kapag katatapos ko lang tumugtog o kung hindi ko ginagamit.. Na-be-bend kasi yung gitara kapag hindi niluluwagan yung string kaya mahirap na kapag nag-chords..
Mabuti na lang at maayos pa ang mga strings nito at hindi pa nangangalawang.. Dahil kung nagkagano'n nga magkakaroon na naman kami ng problema.. Salamat talaga kay Lord..
BINABASA MO ANG
"SHARE THE GOSPEL"
SpiritualIto ay kwento ng isang kabataang binago ng pagmamahal ng Panginoon. Pagmamahal na nagsilbing liwanag sa madilim niyang nakaraan na puno ng masasama niyang gawa. Sa isang iglap ang lahat ng ito'y pinagsisihan niya at nanalig sa Panginoon. Lahat ng ka...