******************
"So, paano ba iyan? Panalo ako." sabi ko sa dalawa. Katatapos lang ng laban namin at gaya ng inaasahan, nanalo ako. Sabi ko na nga ba tutulungan ako ni GOD. Thank you LORD!
"Yeah.... Thank you at least na-enlighten kami dahil sa mga sinabi mo. At nanalo ka pa sa laban natin, so, naniniwala na kami sa mga sinabi mo." sabi no'ng nanuntok.
"Huwag ka mag-alala hindi namin sasayangin ang buhay namin dahil sa mga walang kwentang bagay. Sisiguraduhin naming mas magiging makabuluhan na ang buhay namin. At mabubuhay kami ayon sa mga bagay na nakalulugod sa Panginoon mo." sabi no'ng isa.
"Panginoon natin..." pagta-tama ko.
"Tama! Panginoon natin!" nakangiting sabi nito at tumango-tango naman ang mga kasama nito.
"So, una na ko. GOD BLESS!" sabi ko at tumalikod na sa mga ito.
"Teka lang!"
"Bakit?" sabi ko.
"Anong pangalan mo?" sabi nito.
"Aria Zelaine....but you can call me Aria."
"Thank you Aria!" sabay na sabi ng mga ito.
"Walang anuman!" sabi ko at tumalikod na ulit.
"Teka lang, Ate!" This time si kuya bantay yung tumawag sa akin. Liningon ko naman ito.
"Bakit?" tanong ko na nagtataka.
"Bayad niyo po, nakalimutan niyo po eh."
Nahiya naman ako do'n. Aalis na ako hindi pa pala ako bayad. Buti na lang LORD at ginamit Niyo si kuya bantay para ipaalala sa akin, thank you po!
"G-ganoon po ba. Sorry nakalimutan ko." sabi ko at kumuha kaagad ng isang daan sa wallet at iniabot kay kuya bantay. "Ito po oh. Keep the change na po." sabi ko, nginitian ko naman yung mga DOTA players, yung iba bang naglalaro doon pati na rin kay kuya bantay at dali-daling tumalikod. "GOD BLESS you all!" sigaw ko at tuluyan ng lumabas.
Dumeretso na ako sa big bike ko at pinatakbo ito. Muntik na akong magka-utang, ayoko pa naman ang nagkaka-utang... Nakakalimutan ko kasing bayaran eh. Buti na lang talaga LORD nandyan Kayo. I LOVE YOU po!
Malapit na sa ako sa subdivision nang maisipan kong pumunta sa Simbahan. Di tulad ng dati, hindi na ito mukhang lumang-lumang tingnan. Mas maliwalas na ito sa paningin at bagong pintura ang mga pader. Buhay na buhay na ito at marami na ring nagsisimba. Ako mismo ang nag-sponsor para sa pagpapagawa at pagsasa-ayos nitong Simbahan. Ang nakakalungkot lang, marami lang ang nagsisimba dito dahil sa maganda na ito at hindi para kay GOD.
Hindi ko naman sinasabing lahat ng nagsisimba dito ay gano'n. Pero parang karamihan sa kanila gano'n. Minsan naman ginagawa nilang excuse ang pagsisimba para lang i-meet ang boyfriend/girlfriend nila. In other word, mas "priority" nila ang lovelife nila kaysa kay GOD na forever nila.
At ito pa kapag nasa Simbahan imbes na makinig sa sermon ng pari mas uunahin pa ang paggamit ng cellphone. Nakikipag-text sa kaibigan, lovelife nila at kung sino-sino pa. Sasabihin pa nila sa Gm, 'Here @ church, nagbabawas ng kasalanan. :).." Nakakapag-bawas nga ba? Paano mangyayari 'yon kung hindi naman siya nakikinig sa sermon? Paano siya makakapagbawas ng kasalanan kung mas dinadagdagan naman niya ang kasalanan niya?
Sa paggawa ng mga ganitong bagay parang binabastos natin ang tahanan ng Panginoon dito sa Earth. Dapat nating galangin ang Simbahan lalong lalo na ang presensya ng Panginoon. Oo, nagsisimba ka nga, pero may natutunan ka ba? May nakuha ka bang aral? Mas nakilala mo ba ang Panginoon?
BINABASA MO ANG
"SHARE THE GOSPEL"
SpiritualIto ay kwento ng isang kabataang binago ng pagmamahal ng Panginoon. Pagmamahal na nagsilbing liwanag sa madilim niyang nakaraan na puno ng masasama niyang gawa. Sa isang iglap ang lahat ng ito'y pinagsisihan niya at nanalig sa Panginoon. Lahat ng ka...