*********************
Namumungay ang mga mata ko ng pumasok sa school. Sobrang inaantok ako ngayon. Gumawa kasi ako ng mga project namin at natapos ako ng 4:30am na, sa'n ka pa! Hindi ko na dinala ang big bike ko kasi baka makatulog ako sa byahe madisgrasya pa kami ni Ackrin. Nagpahatid na lang kami kay Mang Edwin.
"Ate Aya... Baka po makatulog po kayo dito sa daan." sabi ni Ackrin na hawak-hawak ang kamay ko.
"Ha?" may pagka-groggy ko pang sabi.
"Ate Aya.... Tulog po muna kayo do'n po sa may bench." nag-aalalang sabi nito.
"Ah... No, no.. Okay lang ako A. Basta isipin mo na lang yung performance niyo mamaya. Dapat galingan mo, manonood ako, promise!" Itinaas ko pa ang kanang kamay ko.
"Baka po hindi kayo makapa-nood. Hindi po ako shashayaw 'pag wala ka po."
"Darating ako, papanoorin kita A. Ate mo kaya ako, kaya susuportahan kita. Pupunta ako do'n A, maniwala ka sakin. Ikaw pa ba kakalimutan ko?"
Ngumiti naman ito. "Sige po Ate. Promise po iyan ha!"
"Syempre naman!"
"Hintayin ko po kayo do'n! Bye po!" Tumakbo na ito papunta sa Elementary Building.
Isang buwan na ang lumipas nang tulungan ko si Cindy. At hanggang ngayon hindi ko pa siya nakakausap ni nakita man lang. Naisip ko na lang na baka masyado siyang focus sa pagta-trabaho at pag-aaral.
Intramurals ngayon dito sa school, November 12. Bawat Building may perfomances, Elementary, High School at College. May mga Booth din. Mayroong Booth ang section namin pero hindi ko alam kung ano ang ginawa ng mga classmates ko. Sa pagkaka-alam ko may performance din kami, pero ewan ko rin kung may kakanta ba o sasayaw sa section namin. Hindi mawawala ang cheerleading, syempre hindi na kasali dito ang mga Elementary Student. Walang klase ngayon pero magsa-submit ako ng mga projects para wala na akong aatupagin. Thank GOD kasi natapos ko yung mga projects namin.
Humihikab-hikab pa ako habang naglalakad sa hallway. Kinakaladkad ko na nga yung project na pinag-hirapan ko kagabi dahil sa sobrang antok eh.
8:30am na kaya malamang bukas na ang ilang Booth dito sa school. Malapit na ako sa room. Nagulat naman ako ng biglang lumapit sa akin ang dalawang classmate namin at hinawakan ako sa braso. Nataranta ako syempre at biglang nawala ang antok ko, baka mamaya ipa-salvage ako ng mga ito.. Pero wala naman akong natatandaan na may atraso ako sa mga ito ah.. Nagbagong-buhay na ko.. LORD anong meron?
"T-teka, anong ginagawa niyo... Hoy! Sa'n niyo ko dadalhin?" Hinila ako ng mga ito papunta sa classroom. Hindi ko alam kung anong mafi-feel ko dito.. Pero, isa lang ang nasa isip ko... Mukhang hindi ko magugustuhan ito.
"Aria, kailangan ka ng Booth natin. Isa ka sa importanteng character."
"Ha? Ano bang sinasabi niyo? Anong character? Play ba ang gagawin natin? Ano 'to beauty and the beast, snow white, at cinderella lang ang 'peg?"
"No.. Just wait and see for yourself."
Pagdating namin sa tapat ng room, napakalaking Banner ang bumulaga sa akin..
"Ano 'to? Trio Advise Master! At talagang may picture pa namin tatlo nila Zeria at Cathlyn. Sinong mataba ang utak na naka-isip nito?" bulalas ko.
"Edi si V. Pres." sabi ng mga ito at muli akong hinila papasok sa room. Nakita ko sina Zeria at Cathlyn na pilit na gustong umalis pero nakabantay sa dalawa ang apat pa naming classmate, yung iba naman ay nagde-decorate pa ng room.
Sapilitan akong pinaupo sa gitnang upuan sa pagitan nina Zeria at Cathlyn.
"Bakit kasi kami pa ang napili niyo para dito sa Booth na 'to? Meron namang iba pa dyan na kayang mag-advice eh." sabi ni Zeria na nakabusangot ang mukha.
BINABASA MO ANG
"SHARE THE GOSPEL"
SpiritualIto ay kwento ng isang kabataang binago ng pagmamahal ng Panginoon. Pagmamahal na nagsilbing liwanag sa madilim niyang nakaraan na puno ng masasama niyang gawa. Sa isang iglap ang lahat ng ito'y pinagsisihan niya at nanalig sa Panginoon. Lahat ng ka...