*****************
Naka-upo ako sa swing dito sa park ng subdivision namin habang kumakain ng ice cream. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok at hayahay ang buhay!
Sobrang na-bored na kasi ako sa bahay kaya naglakad-lakad na muna ako, tapos may nakita akong ice cream parlor kaya bumili ako ng isang galong ice cream. Mahilig kasi ako sa ice cream eh...
Nagmumuni-muni ako kasama ang aking Rocky Road ice cream, nang may maramdaman akong umupo sa katabi kong swing. Hindi ko na lang ito pinansin at ipinagpatuloy ang pagkain ng ice cream. Medyo nakayuko ako at natatakpan ang aking mukha ng mahaba kong buhok.
Ilang saglit pa ay narinig kong sumisinghot-singhot ang katabi ko. No'ng una akala ko sinisipon lang ito, ngunit napagtanto ko na mali pala ang aking akala ng napalitan ito ng isang malakas na hagulhol........... ng isang bata.
Dahan-dahan ko itong nilingon. Nakatakip ang dalawang palad nito sa mukha nito habang patuloy sa pag-iyak. Nag-alala naman ako, baka kasi inakala ng bata na ako sa Sadako.
"Naku, bata... Natakot ba kita? Ha? Sorry, hindi ako si Sadako. Hindi ako marunong ng mga acrobatic moves ni Sadako. Hindi ako lumalabas sa T.V. o sa balon ng gumagapang at lalong hindi kami magkamukha. Magkasing-haba kami ng buhok, oo. Pero sa ganda kong ito mapagkakamalan mo kong si Sadako? How come? Joke lang kuya huwag mong seryosohin... Hehe..." Feeling ko para lang akong adik dito. "At isa pa bata, hindi totoo si Sadako, si GOD lang ang totoo na hindi natin nakikita." Paliwanag ko dito.
"Di naman po ako takot kay Shadako eh!" may pagka-bulol pang sabi nito na hanggang ngayon ay nakatakip pa rin ang palad sa mukha.
"Eh bakit ka umiiyak?"
"K-kasi po.... Nanay.... Iwan po kami.... Patay na po Nanay eh!" Mas lumakas pa ang pag-iyak nito.
Parang dinurog naman ang puso sa narinig. Lumapit ako doon sa bata at ibinigay ang nangangalahati na ang bawas na ice cream.
"Kainin mo ito pampakalma." May lungkot sa aking tinig ng binigkas ko ang katagang ito.
Inalis ng bata ang pagkakatakip ng palad sa mukha nito at inabot ang ice cream. "Tenk yu po." sabi nito at nilantakan na yung ice cream.
Wait, I think this kid look familiar. Para makasiguro sa aking hinala, umupo ako sa harap nito at tiningnan ito ng maigi. Teka, si ano to ah....
"Ackrin?" sambit ko.
Napatingin naman sa akin ito at mukhang nagulat din ng makita ako, (isang taon na kasi ang lumipas ng unang pagkakakilala namin) pero nang tuluyan ng rumehistro dito kung sino ako ay agad nitong binitiwan ang ice cream at niyakap ako ng mahigpit.
"Ate Aya!" Napaiyak muli ito.
"Shhh.... Tahan na Ackrin." Pag-aalo ko dito.
"Ate wala na po Nanay. Ate mag-isa lang po ako."
"Nasan na yung mga kapatid mo?"
"Kuha po ng Tatay nila."
"Ha? Tatay nila? Hindi mo ba iyon Tatay?"
"Hindi po. Patay na rin po si Tatay eh. Tagal na."
Ngayon naiintindihan ko na. Kapatid lang pala nito sa sa ina yung mga inaalagaan nito one year ago. Nakakabilib din si Ackrin may malasakit talaga siya sa mga kapatid niya kahit hindi niya ito kapatid ng buo. Ngayon na lang ulit kami nagkita at sakto pang may pinagdadaanan siya, ulila na siya. Nakakalungkot, but I still believe that everything happens for a reason and only GOD knows what's the reason is.
BINABASA MO ANG
"SHARE THE GOSPEL"
SpiritualIto ay kwento ng isang kabataang binago ng pagmamahal ng Panginoon. Pagmamahal na nagsilbing liwanag sa madilim niyang nakaraan na puno ng masasama niyang gawa. Sa isang iglap ang lahat ng ito'y pinagsisihan niya at nanalig sa Panginoon. Lahat ng ka...