DATING GAME

237 20 0
                                    

Chapter 22

Bago pa makasagot si Naia, tinawag na sila ng Mama ni Pablo

Mama Grace: Pau, pumasok na kayo..

Kinuha ni Naia ang kamay ni Pablo at hinila na ito papasok ng party..

Nasa isang table ang grupo kasama si Naia.. nasa iisang table naman ang mga sb mommies kasama si Hana..

Mama Grace: Uy eto na ba yung Apo natin?? Ang ganda naman..

Tita Gemma: yes eto na.. gusto ko ngang amponin to eh..

Mommy Adlrene: Saan ba Nanay neto?
Tita Gemma: Yung date ni Ken ang Nanay

Tita mylene: kwento ni Stell tropa lang nila yun.. close lang ata pati si ken..

Mama Grace: pinagmasdan si Naia.. parang nakita ko na yung Nanay netong batang to.. nakita ko na sya somewhere.. sa picture ba or sa poster..

Tita Gemma: Baka sa news.. kasi nasa news yung maaksidente sya pati ang Papa ni Hana.

Mama Grace: Hhmm.. baka nga.. paano ba nila nakilala..

Tita Gemma: long story.. saka na natin pag usapan.. lets enjoy the party na lang..

Syempre d pwedeng hinde mag peperform ang mahalima.. naka limang kanta din sila..

Thanks giving Party lang ang ganap.. pasasalamat para success tour ng Mahalima.. tuloy tuloy work na sila after ng 1 week na pahinga..

Samantala, fake it untill you make it ang peg ni Naia towards Pablo..

Nung tumugtog ang wild tonight ni josh.. tumayo ito at kinuha si Naia para sumayaw.. sumama naman ito at nakiparty kay ssob.. maya maya sumunod na ang apat.. habang nagkakasiyahan sila.. umalis si Pablo at kinuha si Hana upang isama sa sayawan.. pasahan sila pag nangawit na ang isa..

Nakiparty na rin ang mga mommies ng sb at invited na mga A'tin.. pero d maiwasan ang picture picture at si Naia ang subject nila..

Nung nagpatugtug na ng mellow song ang DJ, nagsi upuan naman ang lahat ng  sumasayaw.. maliban kay Pablo na hinatak si Naia..

Pablo: wala na ako ibang paraan para makausap ka.. kaya kinasabwat ko na ang DJ..

Naia: marunong ka ng mag effort ngayon ah..para saan??

Pablo: madami akong tanong at madami tayong dapat pag usapan..

Medyo uneasy na si Naia sa tinutumbok ng topic ni Pablo.. titig na titig sila sa bawat isa..halos walang kumukurap.

Naia: meron pa ba tayong dapat pag usapan Pau?

Pablo: Zee naman..diba nangako tayo sa isat isat diba?walang bibitaw..

Naia: sino ba unang bumitaw?? Diba ikaw??  Pinilit ko intindihin ka.. nasa college pa lang tayo ginagawa ko na yun..inintindi ko yun na d mo ako maipakilala kasi mga bata pa tayo..pero ako lahat ng ginagawa mo ipinagmamalaki ko.grumaduate ka sabi mo ipapakilala mo ko kung nangyari yun..pero wala parin..ipinag malaki kita sa magulang ko, kahit d ganon kalaki ang sahod mo..sa mga contest na sinasalihan mo ako driver mo at alalay mo..hanggang sa nag audition ka..ipinakilala kita sa magulang ko kahit d ka pasikat..pero ako pinakilala mo ba ako sa pamilya mo?

Pablo: nakakailang ang stado ng buhay ng pamilya ko sa pamilya mo.. sino lang naman ako isang hamak na mang aawit.

Naia: Nung sumikat kna?? Napakilala mo ba ako?? Hinde parin.. ok lang sa akin na ideny mo ko sa madla..kahit napapagtawanan na ako ng mga kaibigan ko..ok lang sa akin para sa pangarap mo.. pero yung mas pinili mong bitawan ako yun ang d ko matanggap.. ngayon nandyan nanay mo.. kaya mo ba akong ipakilala sa kanila kung sino talaga ako??

Mahal Ko O Mahal AkoWhere stories live. Discover now