MAMA GRACE

167 20 7
                                    

Chapter 18

Stell: Hoy!!! Diba wait!!

Naia: Anyare sayo?? Bakit ka nakatingin sa akin..

Stell: wala2x lasing lang ata ako nung nasa Siargao tayo..

Pablo: Anong meron sa siargao??

Stell: Yung bartender don,tinawag nyang Zee si Naia.. at tinawag mo ding Zee si Naia sa bahay nyo da cavite..

Naia: Yes, kasi nga diba Zenaia naman name ko..bakit ako lang ba nag iisang Zee sa mundo?? At lasing kana kaya kung ano2x na naiisip mo.

Stell: Sabagay.. Sige na Pau.. magkwento kana..

Naia: wag mo ng pilitin mag kwento yan.. d naman ako interesado eh...a

Stell: Hinde ako lasing huy.. nakainom lang.. kaya pa nga kita mahalin eh..

Naia: lasing kna nga.. nagjojoke ka na naman..

Pablo: stell, tara upo na tayo don..

Niyaya na ni pablo si stell na umupo.. naiwan naman si naia nakatayo at tinitignan sila stell at pablo..

Napansin naman ng Mama ni pablo si Naia na nakatingin sa dalawa..nilapitan niya si Naia..

Mama Grace: Nak, mukhang seryoso ka ah.. (tanong neto kay Naia)

Naia: nakakatuwa lang po tignan sina Pau at stell..ang close nilang dalawa..

Mama Grace: Oo.. sobrang close nilang dalawa, actually tatlo sila..pati na rin si Ken..

Naia: si felip po?? Sabi ni stell love hate relationship si felip at Pau..

Mama Grace: Normal naman yun.. lalo na at ang kulit ni Ken..

Naia: sabagay naman po.. makulit talaga yang si Felip..anyways po nag enjoy po ba kayo sa dinner?

Mama Grace: Oo naman.. ang bait ng parents mo.. niyaya nga kami ng mommy mo para magbakasyon sa davao eh..

Naia: Talaga po?? Thats nice..para naman makapagbakasyon kayo..

Mama Grace: Excited na ang ibang mommies eh..

Naia: Happy po ako at magkakasundo po kayo nila mommy.. may mga bago syang friends outside business circle.. feeling ko kasi masyado syang tutok sa mga business at wala talaga syang totoong social life..

Natawa si Mama grace sa sinabi ni Naia about sa mommy neto..

Mama Grace: kayo talagang mga kabataan puro kayo social life.. sa tingin mo ba kung hinde nagsumikap ang magulang mo may ganito ka karangyang buhay?? Kaya dapat thankful ka sa mom mo..

Naia: Sorry po.. d ko po kasi masyado naenjoy yung childhood ko sa sobrang higpit ni mom.. kaya muntik na ako nalihis ng landas.. pero ngayong may anak na din ako naiintindihan ko na po si mommy..

Mama grace: At least ngayon naiintindihan mo na.. lahat naman ng ginagawa naming mga magulang ay para sa inyong mga anak namin.. maswerte ka nga at sinuwerte mga magulang mo.. samantalang si Pablo, naawa ako dyan sa anak kong yan.. ang laki ng isinakripisyo nyan para sa family namin.. pati ata mag lovelife nakalimutan na..

Naia: Opo ma.. pati lovelife nya sinakripisyo nya para sa pangarap nya..

Mama Grace: naku, pati ako napapaemote sayo..
magpapaalam na din siguro kami nak at lumalalim na ang gabi..

Naia: Sige po, gusto nyo po tawagin ko si Pau??

Mama Grace: wag na at d rin sasabay sa amin yan.. nakamotor na naman eh..

Maya maya ay nagpaalam na ang mga mommies..

Naunang umalis sina stell na lasing na at inaalalayan na lang papuntang sasakyan..

Mahal Ko O Mahal AkoWhere stories live. Discover now