Chapter 8
Hinde napigilan ni Mark ang pagsama ni Naia sa pamimili ng gamit ng bata.
Dahil nag aalala din si Mark, ay nagpasya na itong sumama. Inaalala neto na baka dumugin ng fans ang apat at baka mapabayaan si Naia.
Nang makarating sila sa Mall, si Mark na din ang nagtulak ng wheelchair ni Naia..nakasunod naman sa kanya ang apat.
Hinde nga nagkamali si Mark ng hinala, hinde nakaligtas ang sila Pablo,Stell,Josh at Justin sa mga mata ng mga fans.
Inilayo na ni Mark si Naia at iniwan nila ang apat, nauna na silang pumasok sa depertment store at nagtingin tingin ng mga gamit.
Pagkatapos nagpapicture ng boys sa fans ay hinde na nila makita sila Mark at Naia.
Nagpapanic na si Pablo na baka itinakas na ni Mark si Naia.
Justin: Kalma lang Pau, tawagan ko si Mark.
Calling Monkey....
Mark: Ano jah?
Justin: Saan kayo?
Mark: Nasa infant section ng dept. Store.
Justin: Ok, papunta na kami dyan..
Pablo: Nasaan sila jah?
Justin: Nasa department store na daw..
Josh: Pau, kalma..
Stell: parang magkakaheart attack na itsura mo Pau. Relax ka lang dyan.
Pablo: Natatakot lang ako, baka gawin nila sa akin yung ginawa nila kay Ken dati.
Stell: sa tingin mo ba hinde papalag si Naia pag ilayo sya sayo? Nasa coma lang si Naia noon kaya nailayo nila kay Ken.
Nagmamadali nilang pinuntahan si Naia.
Naglabas na lang si Justin ng facemask at ibinigay kina Josh,Pablo at Stell upang hinde sila masyadong makilala.
Sa laki ng mall nahihirapan silang mahanap ang infant section hanggang sa ipinag tanong na nila ito
Balisa na rin si Naia na nag hihintay sa kanila.
Napangiti lang ito ng makitang paparating na si Pablo.
Agad yumakap si Pablo kay Naia ng makita ito.
Mark: Buti na lang at sumama ako, kung hinde baka kung ano na nangyari kay Naia kanina ng dinumog kayo ng fans.
Pablo: Sorry pre, nakalimutan namin mag face mask.
Josh: Umpisahan na nating mamili..
Justin: buti pa maghiwahiwalay tayo guys, ako sa stroller, si josh sa crib, si stell sa mga baby bottles and si Pablo, Mark and Naia sa baby clothes.
Josh: mabuti pa nga, para mabilis.
Stell: saan tayo magkikita kita?
Pablo: magtawagan na lang tayo pag tapos na
Sumang ayon naman sila sa plano at naghiwahiwalay na sila.
Naia: pwede ba akong maglakad lakad? Ang sakit na ng balakang ko kakaupo eh.
Mark: pwede naman. Pero saglit lang, stretch mo lang mga buto buto mo.
Nakaalalay si Pablo kay Naia habang papatayo na ito ng wheelchair.
Mark: ako na magtutulak ng wheelchair Pau.. ikaw na umalalay dyan kay Naia.
Hawak hawak ni Pablo ang kamay ni Naia habang nag hahanap sila ng mga gamit pambata.
YOU ARE READING
Mahal Ko O Mahal Ako
FanfictionFan fiction feat. Sb19 When you love, but your mind is in chaos.. how will you choose? Who will you choose?? Will you relive the past or you will accept sa present? If you were Naia? Can you love again or just play the game?