EMERGENCY MEETING

148 11 4
                                        

Chapter 25

Pagkaalis ng Tito ni Naia, nagkatinginan ang mga boys.

Justin: Naynay, tito mo yun?

Naia: Yeah, kapatid ni Dad.. why?

Josh: Hinde kayo close?

Naia: Close kami. Sila ni dad ang hinde. Blacksheep kasi si Tito, so medyo may hinde sila pagkakaunawaan ni Dad. Kaya hinde na din kami masyadong nagkikita.. Pag may problema kasi yun sa akin lumalapit.. lalo na pag money matters, mataas din kasi ang pride, ayaw pang pakipagbati kay dad.

Josh: so may problema sya??

Naia: Yeah, may bagong project kasi sya.. nagback out daw kasi ang isang exec producer ng gagawin nilang movie.

Josh: Anong movie.. I don't know.. basta isang sikat na boygroup daw.

Nagkatinginan ang boys ng mamention ang boygroup.

Naia: Mag eempake na ako.. kasi babalik na kami sa condo..

Ken: Boi! Yung church wag mong kalimutan.

Naia: Oo na. Grabe ka naman, ganun na ba kahaba ang sungay ko?

Ken: Hinde pa naman.. kasi parati naman kitang hinihingi ng tawad sa dyos.

Naia: aba naman talaga boi! Parang may utang na loob na naman ako sayo neto.. sige na.. una na ako.

Pagkatalikod ni Naia, nag usap usap ang mga boys about sa project.

Josh: tayo kaya yung tinutukoy ng tito ni Naia?

Pablo: hinde naman siguro.. kasi may isang grupo pa naman silang ginagawan ng project..

Justin: Sana nga hinde yung sa atin..

Ken: Mauuna na ako, sasama akong maghahatid kay Hailey, Pau ikaw na bahala magsabi na una na ako..

Pablo: aba, at inutusan pa ako..namimihasa ka ah.

Natawa lang si Ken sa sinabi ni Pablo at umalis na ito..

Justin: kitakits bukas, uwi na din ako.. Stell sabay ka??

Stell: duh, may dala akong sasakyan.

Justin: ay, sige2x una na ako.

Josh: Mark, paano ba yan tol.. ano sa tingin mo?

Mark: Grabe ka... kakaparty lang natin kagabi.. at kailangan ko na din bumalik ng work.. parang ok na naman na si Naia.. kasi matigas na ulit ulo nya.

Josh: yeah, hayaan na lang natin syang mag enjoy.. nung pinagbawalan natin sya sa maraming bagay lalong nanghina eh.

Pablo: akyat na ako.. tulungan ko na si Naia.

Pagkaakyat ni Pablo, hinde pa ito nakakapasok sa kwarto at naririnig nya ng parang may inaaway ito sa cellfon pero bisaya ang salita.

Nagtagalog lang si Naia bago ito nagpaalam sa kausap.

Naia: Hinde sa wala akong tiwala..sa tingin mo maibabalik lahat yun? My God 10M is a lot ha.. ok2x may tiwala ako sayo.. sige bye na.

Saka na si Pablo pumasok,pagkatapos makipag usap ni Naia sa phone.

Pablo: Are you ok Nay?

Naia: Yeah, kanina ka pa dyan?

Pablo: hinde kakaakyat ko lang.. So anong oras tayo uuwi ng condo?

Naia: mamaya konti, papahinga ako.. nastress ako bigla..

Pablo: ano ba kasi yun?

Bago pa man masagot ni Naia ang tanong ni Pablo ay kumatok si Josh sa pinto.

Mahal Ko O Mahal AkoStories to obsess over. Discover now