I DID IT

96 11 17
                                    

Chapter 22

Ken: Shit!!!! Sabi ko na kasi eh.. tigas ng ulo.

Rinig na rinig ni Pablo sa kabilang linya ang tili ni Naia.

Nilagay ni ken ang cellfon sa bulsa at nawala sa isip neto na nasa kabilang linya si Pablo.

Ken: anyare??

Pinakita ni naia, ang nakakakapit sa leg neto..

" behhhhh!!! Masakit na!!" Patuloy na sigaw neto..

Ken: kalma muna.

"Sinong may baon na asin?" Tanong ni ken sa mga naglalaba..

Naglabas naman ng dalang asin ang mga ito.

Binudburan ng asin ang binti ni Naia na kinapitan ng linta.

Ken: Ayan, tigas ulo ka.. kala mo nagjojoke ako about sa mga linta.. tapos ngayon titilitili ka dyan.. so ano maglalaba ka pa dito??

Naia: ewan ko sayo Beh, bakit mo ba kasi ako iniiwan?? Kagabi iniwan mo ko mag isa sa kwarto, at sino na naman ba yung kausap mo sa phone?? Diba usapan walang cellfon pag nasa bakasyon??

Ken: Hala, wait.. si Pablo kausap ko kanina..

Hinugot ulit ni Ken ang cellfon, nakita netong nasa linya pa si Pablo..

Ken: ano kausapin mo ba si Pau??

Umiling si Naia..

Ken: Hello pre, sorry, ano nga ulit yun??

Pablo: nangungusta lang.. anyare kay Naia?? Bakit tumitili kanina??

Ken: Ayun, kinapitan ng linta.. ang tigas ng ulo.. pinakaba pa ako kanina.. pagkagising ko wala na sya.. pumunta pala ng ilog kasama pamangkin ko.

Pablo: bantayan mo yan.. baka saan saan pa mapunta yan.

Ken: ang hirap mag alaga ng isip bata.kagabi pinaghahampas ako ng nagising syang wala syang kasama sa kwarto.. iniwan ko kasi sya sa kwarto nya.. doon ako natulog sa kwarto ko.

Pablo: hahaha, goodluck pre.. sige na.. bye.

Ken: tinawanan pa ako..

Pablo: ginusto mo yan.. ipagdarasal ko na lang ang katinuan mo pre.

Ken: loko!! Sige bye na.. baka mabato na ako ni Naia.

Binalikan ni Naia ang mga bagong nakilala at nakipag kwentuhan sa mga ito..

Halata sa mga mukha nila na kinikilig sila kay Naia at Ken.

"Alam mo bang ikaw pa lang ang dinadala ni Ken dito?" Kwento ng isa.

Naia: Talaga ba??

"Sabi kasi ni ken iuuwi nya lang daw dito yung babaeng sigurado syang papakasalan nya" kwento naman ng isa.

Naia: close ba kayo ni Ken??

"Magkakamag anak lang kaming lahat dito" pagkumpirma ng isa.

Naia: kumusta naman si Ken?? I mean bilang sya.. hinde bilang sb19 ken

"Pilyo, sutil, pero mabait..bukas dadalhin ka nyan sa simbahan nila." sabi ng isang babae

Pagkatapos mag usap ni Ken at Pablo ay pinuntahan na neto si Naia at inaya ng umuwi..

Ken: dahan dahan sa paglalakad.. lampa ka pa naman.

Nang makarating sila ng bahay naupo si Ken at tinignan ang mga sugat neto sa paa at binti..

Naia: hala! Napano yan??

Ken: wala to.. kinabahan kasi ako kanina.. kaya napatakbo ako papuntang ilog.. d ko napansin yung mga dinaanan ko..

Mahal Ko O Mahal AkoWhere stories live. Discover now