Chapater 20
Naia: Ang effort neto ha, kelan mo pa inumpisahan lahat to?? At kelan mo to plinano??
Hinde parin nagsasalita si Ken,at nakatingin lang ito sa kawalan..
Naia: hala sya, feeling ko talaga wala akong kasama. Nasaan na kaya si Manok? Yung bias ko, na stalker ko then naging bebe ko at yung long lost bff ko nung bata pa ako?
Ken: nandito lang sya, gumagawa ng paraan to heal. Kaya ikaw din..
Naia: ahhh.. pakiexplain nga po paano tayo magheheal sa ginagawa mo??
Ken: lets see..turo ni Master Nase to eh..
Naia: Si Pau?? Oh..bakit si Pau?
Ken: Kaming dalawa lang naman ang nagkakaintindihan pagdating sayo..
Naia: at least nagkakaintindihan kayo.
Ken: bakit ba kita kinakausap, hinde pa tayo tapos..maglunch muna tayo..tara na. Tulungan mo kong dalhin tong mga gamit..
Naia: Saan na naman tayo pupunta??
Ken: malamang sa may pagkain..
Naia: ang cute mo ngayon..ganyan ka pala pag kunwaring galit or nagtatampo?
Ken: Beh, wag kang ano dyan.. mas lalo ako naiinlove eh..at wag kang magulo.. nagdadrive ako..
Nakarating na sila sa isang native restaurant.. nakahanda na din ang kakainin nila..
Nang makita ni Naia ang mga nakahain na pagkain.. naiiyak na naman ito.. yun yung mga pagkain na inihanda ng magulang ni Ken.. at biglang tumugtog ang kantang "A THOUSAND YEARS"
Ken: upo na, kain na tayo..
Naia: Paano ako kakain neto?? Ni hinde ko malunok ang pagkain..
Ken: wag ka kasing umiyak..paano ka makakain pag umiiyak ka? Ang pangit mo pa namang umiyak..
Pinilit ni Naia na kumain, bawat subo neto at bumabalik ang mga nangyari sa bakasyon nila ni Ken.. Ang bahay. Ang ilog ang unggoy..at ang singsimg.. lalong lalo na ang damo..
Naia: May kulang sa pagkain..
Ken: ano?
Naia: yung damo..
Ken: Pako nga, damo ka ng damo eh..
Nang malapit na silang matapos ay nilabas na ang dessert at isa pang photo album na dala ng isang waiter..hinde naman talaga waiter, si Mav..
Naia: Pati ba naman ikaw??
Mav: You need this.. hugs??
Naia: Yes please..
Niyakap ni Mav si Naia.. pagkaalis ni Mav, ay binuklat na ni Naia ang album na may nakasulat na PAGTATAG.. unang picture, article sa isang news outlet sa internet about sa accident na nangyari sa araw na yun.. at sunod sunod na pictures ni Naia na nasa coma bed..mga pictures ni Ken na tulog habang na nasa tabi nya, kasama ang dad nya..at ang unang ultra sound ni Hana.
Hinde na napigilan ni Naia na yakapin si Ken..
Naia: I'm sorry, ayoko ko na..tama na..please..hinde ko na kaya..
Ken: hinde ko rin gustong gawin to,pero kailangan..
Niyakap ni Ken si Naia at dinikit ang noo neto sa noo ni Naia..
Ken: Dapat maovercome natin bawat memories na meron tayo..para makapagmove forward na tayo.. now eat your dessert..
Naia: Really, may dessert pa?
Naiiyak na natatawang sambit ni Naia..
YOU ARE READING
Mahal Ko O Mahal Ako
FanfictionFan fiction feat. Sb19 When you love, but your mind is in chaos.. how will you choose? Who will you choose?? Will you relive the past or you will accept sa present? If you were Naia? Can you love again or just play the game?