UNPLANNED

102 10 15
                                    

Chapter 2

Hinde makapaniwala si Stell sa mga sinabi ni Naia sa kanya, kaya hinde rin ito makatulog..

"Alam ko naman na lahat ng sinabi ni Naia, pero iba parin pala sa pakiramdam yung sa kanya mismo nanggaling" bulong neto sa sarili.

Samantalang si Naia tulog na ito ng pumasok si Pablo sa kwarto.

Yumakap si Pablo dito at humalik..
"I love you Nay"

Habang nakahiga si Pablo ay nag iisip na ito ng gagawin nila sa weekends..

Kinabukasan maagang bumangon si Stell dahil hinde naman ito nakatulog at naisip na lang netong magluto.

Nang makaamoy naman si Ken ng nilulutong pagkain, bumangon ito agad sa pag aakalang si Naia ang nagluluto.

Napangiti naman si Stell ng makita neto si Ken.

Stell: Pre ang aga mo ah.

Ken: uy stell, ikaw pala yan..akala ko si..

Stell: Naia? Nako hinde ba dapat mag umipisa na nating sanayin mga sarili natin?

Ken: Wag ka ngang magsalita ng ganyan..hinde ko nga iniisip yan eh.

Stell: Sana hinde ko na lang nalaman.. feeling ko magkakasakit din ako eh.. hinde nga ako nakatulog.

Ken: Ano na lang ako..

Stell: Oo nga ken, anong pakiramdam mo nung una mong nalaman?

Ken: sobrang masakit. Yung tipong lahat mamawala sayo ng hinde mo man lang namalayan.. yung kailangan mo syang pakawalan ng hinde mo naman sya pag aari..

Stell: pero pre yung sakripisyo mo eh, sinuko mo lang ng ganon?

Ken: May rason ako stell kung bakit ko ginawa yun. Naiisip ko kasi na matagal ng hinihintay ni Naia si Pau. Sobrang mahal nya si Pau, ganon din naman si Pau. And si Hana..

Stell: inisip mo ibang tao.. pero hinde mo man lang naisip sarili mo.

Ken: Ganon ko sya kamahal. Kaya kong maging masaya para sa kanya.. masaya ako kung saan masaya sya.

Stell: magjowa kana lang.

Ken: Let see, not closing doors naman..pero matatagalan pa siguro.. alam kong kailangan nya pa ako ngayon.

Stell: ako din kailangan kita ngayon.. kailangan mo kong tulungan dito magluto.

Ken: Sige.. magluto ka ng tuyo.. paborito nya yun.. ano pa bang itutulong ko? Ang dami mo ng niluto.

Stell: Baka lang may maisip ka pang pagkain.

Ken: Wala na, isa lang naman ang wala dyan sa mga niluluto ni Naia..yung paborito ko.

Stell: pancake?

Ken: Oo..Pancake..

Stell: eh di igagawa kita. Problema ba yun.

Ken: Salamat Stell..

Stell: Don't worry, i got you.. Sige na, para may pakinabang ka naman ihanda mo na ang table.

Inihanda na ni Ken ang table at ang mga pagkaing natulo ni Stell.

Ilang minuto lang ay lumabas na si Josh at Justin, kasunod naman si Pablo at hana.

Stell: Saan si Naia??

Pablo: Tulog pa eh.

Stell: Gisingin mo na kaya. Ikaw masyado kang kampante.

Pablo: hayaan na muna nating magapahinga.

Stell: paano kung hinde na gumising yun?

Pablo: pinagsasabi mo dyan??

Mahal Ko O Mahal AkoWhere stories live. Discover now