SIGNING OFF

183 12 11
                                        

Chapter 9

"HELLO A'TIN!!!! NAMISS NYO BA KAMI?" Energetic na sigaw ng nakangiting si Stell pagkatapos ng intro song nila sa anniversarry concert nila

Josh: ilang taon na nga ba Stell?

Pablo: huy josh, linya ko yan ah.

"Hahahaha" nagtawanan ang mga fans sa kulitan nila sa stage.. Ilang taon na nga ba? Ilang taon na nga ba nilang ginagawa na magpasaya ng A'tin?

Justin: nag uumpisa pa lang ang gabi, pero gusto ko ng magpasalamat sa lahat, ilang taon na ba tayong magkakasama at nagkikitakita

Pablo: hmm.. hinde ko na maalala, hinde naman kasi importante eh. Ang importante ay nandito parin tayo. Solid!!!

Halos nagbigay na ang apat ng mga spill nila maliban kay Ken na pakaway kaway lang sa mga fans at pansin ito ni Pablo

Pablo: Ikaw ken, anong masasabi mo? Kanina ka pa kaway ng kaway dyan eh

Ken: huh? A-ako?? Ahhh. Ang masasabi ko lang ay, wala na akong masabi.. kasi speechless ako sa pagmamahal nila sa atin.

Stell: ahhh, ayun naman pala.. A'TIN HANDA na ba kayo sa iaang MAINIT! MASAYA AT DAMBALASIK NA KANTAHAN AT SAYAWAN??!!

"YEEEEEEEESSSS" Sabay sabay na sagot ng mga Fans

"Umpisahan na ba natin?" Tanong ni Justin

"Tara" sagot naman ni stell

Nag umpisa na ang concert between perfomance may kulitan ang boys with the fans.. ngunit sa lima halata ang pagiging tahimik ni Ken..

"Wait!! Hiningal ako don, ganito na ba talaga kung nagkakaedad na?" Sambit ni Josh pagkatapos nilang ihataw ang sikat na sikat nilang kantang GENTO

"Hinde ko naman ramdam, tinatablan ka na pala ng katandaan Josh? Akala ko ba bampira ka?" Makulit na sagot naman ni Justin

"Medyo sumasakit na nga balakang ko" sagot naman ni Pablo

"Sus, dapat nga ikaw ang pinakamatibay sa amin Pau, araw gabi ka ba namang naghehele" pabirong sagot ni Stell

Napangiti si Pablo na mukhang proud na proud sa ginagawa nya

"Speaking of hinihele, Hello my Princess" sabay turo kay Hana na nanood kasama ng mga mommies nila

Nagflying kiss naman si Hana papunta kay Pablo at sa apat netong daddies.. at masayang pinapanood sila.

Stell: princess! I saw you dancing gento kanina. We love you so much..

Nagheart sign naman si Hana sagot neto kay Stell.

"Teka, teka!! May nakakalimutan ata tayo." Pagputol ni justin sa sinasabi ni Stell

Josh: Ano naman?

Justin: yung mga houses natin, hinde na natin sila nakukumusta..

Stell: Oo nga noh? So sinong mag uumpisa?

Justin: doon tayo sa tumatanda na.

Josh: trip mo talaga ako ha..Sige na, ako na..

Itinaas ni Josh ang kamay at sumenyas na tahimik muna.. Nanahimik ang buong Arena..

"MGA BBQs, MGA TAGA IHAWAN!!! FANGS OUT!!!!" malakas na sigaw ni Josh

Nagsitayuan ang mga BBQs at Naghiyawan.

"TEKA TEKA!! hinde papatalo ang mga pinakamagaling mag joke, ang mga pinaka cute? MGA TAGA MAISAN MAGSILABAS KAYO!! dumadagundong na boses ni Justin. At agad namang tumalima ang mga taga maisan at naghiyawan

Mahal Ko O Mahal AkoWhere stories live. Discover now