Pablo's Fear

107 11 2
                                    

Chapter 28

Naia: Nase??

Nang marinig ni Pablo ang Boses ni Naia,napaluha si Pablo at agad neto nilapitan si Naia at niyakap..

Naia: anong nangyayari?? Bakit ganyan itsura mo?? Kanina napansin kong aalialigid mga alipores ni Suson..pinapasundan nyo ba ako?

Hinde sumasagot si Pablo kay Naia, nakayakap lang ito sa kanya at umiiyak..

Binuksan ni Joy ang pinto ng condo at ipinasok neto ang tulog ng si Hana, binalikan naman neto ang mga bitbit ni Naia na pinamili nila.

Naia: Pau, baka gusto mong pumasok na tayo.. baka may makakita sa atin dito.

Bumitaw si Pablo kay Naia at pumasok na sila..

Pagkapasok nila yumakap ulit si Pablo kay Naia.. Nagtataka naman si Naia sa kung anong nangyayari kay Pablo.

Naia: Pau, baka gusto mo akong kausapin.. hinde kita maintindihan..ano bang nangyayari sayo?? Bakit ka umiiyak at bakit ganyan itsura mo??

Nakatingin lang si Pablo kay Naia na wala parin itong sinasabi.. Napansin ni Naia na nakatingin si Joy sa kanila..kaya niyaya neto si Pablo na sa kwarto na lang mag usap..

Naia: Pwede ka ng magsalita..

Inabot ni Naia ang kamay ni Pablo.. nanginginig ang mga ito.

Naia: you are freaking me out Pau.. please talk.

Pablo: Akala ko kasi Iniwan mo na naman ako.

Naia: Huh?? Anong iniwan?? Hinde kita maintindihan.. ikaw nga umalis kanina diba?? Kasi galit ka sa akin.

Pablo: Kaya nga.. ganito din kasi yung nangyari dati, nag salita ako ng hinde maganda.. sinabihan kita ng selfish kanina.. tapos hinde ka sumagot.. then umalis ako.. pagbalik ko wala na kayo.. tawag ako ng tawag hinde ka sumasagot.. pati si Ken tumatawag sayo hinde mo rin sinasagot.. ganon din si Hana.. hinde rin sya sumasagot..walang nakakaalam kung nasaan ka.. bakit ba hinde ka sumasagot sa mga tawag ko??

Naia: I'm sorry, naiwan ko ang Cellfon ko.. yung kay Hana naiwan din nya..

Natutulala lang si Pablo at nakatingin kay Naia.. hinde neto alam anong sasabihin..nanunuyo ang lalamunan neto..

Naia: Dyan ka lang babalikan kita..

Lumabas si Naia at kumuha ng tubig at kumuha na rin ito ng facetowel at binasa..

Pagbalik neto ay pinainom neto ng tubig si Pablo at pinunasan ang mukha.. at likod neto.. tulad ng ginagawa ni Naia sa kanya dati kapag alam netong pagod si Pablo.

Naia: Nag haggard mo at mukha kang stress, kumalma ka muna.. saka na tayo mag usap.. btw nag take out ako ng food para sayo.. kaya ayusin mo na muna yang sarili mo at kumain kna.. sa itsura mo mukhang hinde ka pa kumain..

Nang matapos si Naia sa pagpunas kay Pablo ay hinalikan neto si Pablo sa pisngi..

Naia: ayan, malinis kna ulit.. hinde kna mukhanh ewan.. tara labas na tayo.. ipaghahanda na kita ng makakain mo..

Pablo: Hinde ka aalis?? Hinde mo ako iiwan?? Hinde ka galit don sa mga nasabi ko kanina??

Naia: Well, masakit naman talaga na sinabi mong selfish ako.. pero may karapatan ka namang magalit.. kasi dapat ako yung nasa meeting at hinde si Ken.. hinde lang naman ako nagtext sayo na lalakad kami kasi alam kong mainit na ulo mo kaya ka nga umalis diba??

Pablo: Hinde naman ako umalis kasi galit ako.. umalis ako kasi nahiya ako sa mga nasabi ko sayo.. nag iisip ako kung paano ko babawiin lahat yun.

Naia: Well, alam naman natin na hinde na mababawi yun.. kasi nasabi mo na.. and hinde mo naman sasabihin yun kung hinde ganon ang tingin mo sa akin or sa mga ginawa ko.. mag move on na lang tayo.. kasi alam kong alam mo na wala na akong energy para makipagtalo.. so lets spend our time together wisely.

Mahal Ko O Mahal AkoWhere stories live. Discover now