Chapter 15
Halatang gusto ni Pablo ang cheesecake na ginawa ni Zee.
Zee: Pau, hinde halata na mahilig ka sa cheesecake no?
Pablo: Sorry, favorite ko kasi to.
Zee: Sige kain ka lang..
Julia: Hoy zee, kumusta ang pagpapagamot mo dyan sa amnesia mo?
Zee: Ok naman, so far wala parin akong maalala. Pero minsan nanaginip ako. Which I doubt na part ng past ko. Napapanaginipan ko lang naman kapag niyaya mo kong manood ng video ng sb.
Julia: Anong napapanaginipan mo?
Zee: Si Ken, nakaupo sa bedside ko nung nasa coma pa ako. Pero ang weird, buntis daw ako. Then theres one night, binangungot ata ako. Naaksidente daw ako. May kasama akong lalaki then namatay sya.
Hinde umiimik si Pablo at nakikinig lang ito kay Zee.
Julia: Malay mo parte yun ng past mo..
Zee: Hinde naman siguro, paanong mapupunta si Suson hospital, ano ako jowa nya?
Julia: Alam mo, hinde masasagot yang tanong mo if hinde ka uuwi ng pilipinas.
Zee: Wait, alam ko na. Si Stell, hinde ba kagrupo nya si Ken? Or etong si Paulo. So sila na lang tatanungin ko if may idea sila about sa akin and ken, kasi hinde ko lang once napanaginipan eh.
Naubo si Pablo sa idea na naisip ni Zee.
Julia: Uhmmm. May sariling problema tong si Pablo, wag na natin syang idamay dito, and si Stell naman, wag na din nating istorbohin kasi diba ikakasal na sya kay Cassie. Baka lalo kayong mag away ni Cassie kapag tatawag ka kay Stell.
Zee: Sabagay..
Julia: For now, ang pag isipan mo kung dadalo ka ba ng kasal or hinde.
Zee: Alam mo, dadalo man ako o hinde. Wala din akong budget. Hinde na ako pinapadalhan ni Daddy, simula nong pinatayan ko sya ng tawag.
Julia: Ang tigas naman kasi ng ulo mo, sinabi ng wag kang iinom diba? Kasi hinde ka pa magaling. Pag naging pabaya ka ulit sa sarili mo mapapadali ang buhay mo. Sige ka hinde mo makikita yung prince charming mo.
Zee: Mas ok na nga sigurong mamatay na lang, kesa ganito, buhay nga ako, hinde ko naman kilala ang sarili ko.. ang bigat sa dibdib, yung nag iisip ka na may ibang tao kayang naghihintay sa akin? Or ganon ba ako kasama at wala man lang akong ibang kilalang pamilya.
Julia: Masyado ka kasing takot. Bakit hinde mo harapin ang daddy mo? Ang dami mong pwedeng itanong sa kanya. Actually sa sarili mo pa lang ang dami ng sagot eh, ayaw mo lang tignan.
Zee: anong ibig mong sabihin.
Julia: We'll talk some other time, but for now, since wala kang trabaho. Ikaw na muna maging tourguide netong si Paulo. Kung ok lang sayo.
Zee: Tour guide? Bakit?
Julia: Wala naman kasi syang alam dito.. wag kang mag alala babayaran ka nya. Diba pau?
Zee: Alam mo, mas masahol pa ako sa ulila. Wala na ngang maalala, walang jowa, wala pang pera. At higit sa lahat wala ba talagang nag mamahal sa akin at walang ibang naghanap?
Julia: hey, maraming nagmamahal sayo, hinde mo lang maalala kung sino sino sila.
Pablo: Tama si Julia, madaming nagmamahal sayo.
Tinignan ni Zee si Pablo.
Zee: nandyan ka pa pala.
Julia: Lasing kana ano?
YOU ARE READING
Mahal Ko O Mahal Ako
FanfictionFan fiction feat. Sb19 When you love, but your mind is in chaos.. how will you choose? Who will you choose?? Will you relive the past or you will accept sa present? If you were Naia? Can you love again or just play the game?