UNBLOCKED

120 12 21
                                    

Chapter 24

Niyaya ni Ken ang boys sa kitchen at pinakain nya ang mga ito..

Tahimik parin si Pablo habang kumain.. pansin ni Ken ang pananahimik neto kaya si Ken na ang nag umpisang kumausap rito.

Ken: Pau, ok ka lang pre??

Tanging pagtango ng ulo ang sagot neto.

Ken: pagkatapos mong kumain balikan mo si Be... ay si Naia sa kwarto.. mag usap kayo..

Josh: ken, ano ba meron sa church kanina??

Ken: Yung video na kumakalat?? After yun ng baptism ni Naia..kasi naikwento nya sa akin na wala syang church.. so niyaya ko sya if gusto nyang sa church ko na lang sya magsamba.. kaya ayun.. overwelmed lang sya kaya naiyak..masyado kasi kayong nagpapaniwala sa socmed agad.

Stell: eh yung post mo na pasingsing??pareho pa kayong nagpost ni Naia?

Ken: natuwa lang ako.. kasi naibigay ko yung singsing ng matiwasay na hinde ako nasesermonan kasi gumastos na naman ako.

Stell: hinde ka nagpropose??

Ken: matagal ko ng sinubukan magpropose, pinigilan ako ni Naia.. kaya hinde ko na tinuloy..

Stell: so walang proposal?? Walang engagement??

Ken: wala.. olats, busted, iyak..

Stell: eh dih may bata na namang masaya sa gedli dyan..

Ken: Ano pau?? Aakyat ka ba or ako aakyat at yayain si Naia na magpakasal??

Pablo: aakyat na..

Ken: goodluck pre, unblocked mo na ako loko!! Lakas magguniguni eh..

Kumatok si Pablo sa pinto..

Tok tok tok.

Alam na agad ni Naia na si Pablo ang kumakatok.. kaya nagbubunganga na eto habang nagbubukas ng pinto.

Naia: Siguraduhin mong may maganda kang paliwanag Nase.. kung hinde...

Pagbukas na pagbukas pa lang ng pinto ay hinalikan na agad ni Pablo si Naia..

Gustong magsalita ni Naia ngunit hinde neto magawa dahil hinde binibitawan ni pablo ang mukha neto at patuloy syang hinahalikan..kaya itinulak neto si Pablo..

Naia: Ano ba!!

Pablo: I'm sorry..

Naia: Sorry na naman?? Anong problema mo?? Bakit mo ginawa kay Ken yun?? Alam mo ba na iniisip ni ken yung mararamdaman mo this whole time... Awang awa ako Ken alam mo ba yun?? Magpaliwanag ka.

Pablo: Akala ko kasi tumitira sya ng patalikod..

Naia: patalikod?? Alam mo ba na ikaw dapat pipiliin ko?? Hinde mo ba naririnig mga sinasabi ko sayo bago kami umalis ni Ken? Hinde mo pa ba nagets yun??

Pablo: hinde mo alam.

Naia: Anong hinde mo alam?? Hinde mo alam na mas mahal kita kesa sa kanya?? Ano pang hinde mo alam?? Or ano lang ang alam mo?? Yan ang kaibahan nyong dalawa.. Si Ken kahit hinde ko sabihin alam nyang mas mahal kita.. kaya mas nag eeffort sya.. walang kasalan si Ken sayo Pau.. kung pinakilala mo ko sa kanila noon pa lang.. sana hinde magulo ang buhay natin ngayon..hinde sana nadadamay ang ibang tao sa problema natin.. dahil sa ginawa mo ngayon.. pinatunayan mo lang sa akin na hinde na tayo babalik sa dati.. na kahit ayusin pa natin to wala na eh.. sirang sira na tayo.. Ayoko na..

Pablo: Nay, please isang chance pa..

Naia: binigay ko na yung isang chance na yun remember?? Ayoko na Pau, pagod na pagod ako.. ayaw ko ng mahalin ka.. nakakapagod kang mahalin..

Mahal Ko O Mahal AkoWhere stories live. Discover now