Chapter 10: Jake

93 6 5
                                    

Red's Point of View:

"What do you think are you doing?"

"I'm sorry. It was an accident. Hindi ko namalayan na nahulog ipod ko."

"Give me your ipod," utos nito.

"But Lo—"

"I said give it to me," ma-awtoridad nitong sabi. Damn it! Kinuha na nga sasakyan ko, pati ba naman itong ipod shuffle ko?!

"Oh, sa'yo na yan, isaksak mo sa baga mo!" pero joke lang. 'Di ko talaga 'yon sinabi ng harap harapan, nasa utak ko lang. Mahinahon kong ibinigay ang ipod at padabog na umalis sa kanyang office.


Jelly Fitch Calling...


(Dude! San ka na? 'Yong first kiss mo na ang nagpeperform oh. Malapit na siya matapos.)


Binaba ko agad ang call at nagmamadaling tumakbo papunta sa auditorium. Shit! Muntik kong makalimutan na may masamang plano pala ang mga babaeng nagkakagusto sa akin kay Maureen.

Nagsipalakpakan na ang mga tao at tumayo na si Maureen para magbow nang biglang may yumakap sakanyang nakajacket kasabay nun ang pagbagsak ng pulang likido sa kanilang dalawa. Ano 'to? Animals music video?


"Wooo," reaksiyon ng mga estudyante.


Dali-dali akong tumakbo papunta kaso hindi ko na sila naabutan. Hinila palabas sa likod ng gym si Maureen nung lalakeng nakajacket. Susundan ko sana kaso bigla akong hinila nina Ry at Jel.

"Grabe bro! Ganyan na talaga katindi ang inis mo sa babaeng 'yun at kailangan mo pa siyang buhusan ng dugo?" tanong ni Jel habang nagso-slow clap.

"Gago. Wala akong kinalaman dun."

"Weh?" sabay nilang sabi. Ganun na ba talaga kasama ang tingin ng mga neto sa akin? Batukan ko kaya sila one by one.

"Wala nga," inis kong sabi, "Maiwan ko na nga muna kayo. Mga sirang ulo."


Palabas na ako ng gym nang bigla na naman akong harangin ng dalawa ko pang kabarkada. Yung mga man of few words naman ngayon.


"Dude," hawak ni Vien sa braso ko.

"Oh, bakit?"

"Ikaw?" tanong niya.

"Huh? Anong ako?"

"Ikaw ba?" gago ah. Bakit ba kasi ganito katipid magsalita ang taong 'to? Hindi ko tuloy siya ma-gets.

"Kumpletuhin mo ang statement."

Tinanguan ni Vien si Cham, "What she meant is that ikaw ba raw ang may gawa nun kay Maureen? Ano ba dude. 'Di mo gets agad? Ganun ka na ba talaga ka-slow?" mabuti na lang at andito si Cham. Ang tanging interpreter ng mahiwagang baul. Minsan lang din 'to magsalita pero atleast direct to the point unlike kay Vien.

Aba magaling! Ako pa ang slow at 'di madaling maka-gets ngayon. Eh kahit ata normal na tao hindi yun mage-gets agad eh.


"Ganun na ba talaga kasama ang tingin nyo sa akin? Bahala na nga kayo. Basta, malinis ang konsensiya ko dito," giit ko sabay alis.


Malapit na ako sa exit door ng gym nung bigla na naman akong tawagin ng mga babaeng nagkakagusto sa akin. 'Yong mga totoong suspect sa nangyari kanina


"Red, where are you going?" —girl 1

"Are you following her?" —girl 2

"Kayo na ba?" —girl 3


Mahaba-habang usapan pa 'to. Kailangan ng San Mig Light. Wala ata talagang plano si Lord na palabasain ako dito sa gym.









Maureen's Point of View:


"Okay ka lang?" tanong ng taong nakajacket, hindi ko pa rin siya kilala dahil nakapidpid pa rin ang mukha ko sa dibdib niya. Ang bango niya, in fairness.

Humiwalay ako sa yakap niya, "Oo, teka, anong nangyari dito?" Puno ng pulang likido ang paligid. Hindi ko pa rin siya nakikilala dahil nakahood siya at di ko maaninag ang loob nito.

"Mamaya ko na sasabihin, baba muna tayo dito sa stage," sabi niya sabay hila sa akin palabas ng gym.

"Uy teka! San mo ako dadalhin?!" bawi ko sa kamay kong hawak-hawak niya kanina pa. Crush siguro ako neto. Kung makatsansing si koya, wagas! "Kala ko ba bababa lang tayo ng stage?"

"Wag ka matakot sa akin," sabi niya sabay baba ng hood na nakatakip sa ulo niya, ngumiti ito, "Remember me?"

"Jake!" sabi ko sabay yakap dito.

"It's good to see you again, Maureen."







**
Sino kaya si Jake sa buhay ni Maureen? Kailan pa kaya makakalabas ng gym si Red? ABANGAN.

CodenameXG: Hahahahaha. Sorry sa very very very late update. Nabusy lng po sa studies. Sorry guys!

Saving HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon