Red's Point of View:
Nangyari na nga ang inaasahan ko. Mga walang hiya talaga ang nagpakalat ng pictures! Sarap nilang tusukin ng fork.
(Hahahahahaha! Okay lang yan dude.)
Kasalukuyan naming pinag-uusapan ni Jel ang pangyayaring 'yon. Tuwang-tuwa naman ang gagu.
"Hindi siya okay. Okay?"
(Hahahaha! Kamusta ang feeling dude? First kiss right?)
And yes, you read it right. That girl is my first kiss. Shocking, isn't it? Sa dinami-rami ng naging girlfriends ko, never ako nakipaghalikan dahil naniniwala ako na ang first kiss ay dapat ibigay mo lang sa taong totoong mahal mo. Corny man pakinggan, yun talaga ang prinsipyo ko eh.
"Shut the fuck up please. Binabadtrip mo lang ako Jel. I thought you were a good friend. Mas mabuti pang kausap si Vien eh."
(Edi siya tawagan mo. Hahahaha. Wait, last question before you end this call, may naramdaman ka bang spark?)
"The fuck? Anong spark pinagsasabi mo? Wala dude. Pandidiri lang naramdaman ko."
(Asuuuuus! Kunwari ka pa! Magpaparty tayo ng bibingka para ipagdiwang ang first kiss na yan! Oh sige, pwede mo na akong babaan.)
"Tss. Joke lang. Parang wala naman akong kausap kung si Vien ang tatawagan ko eh. Busy naman si Cham ngayon sa pag-aaral. Si Ry? Nah."
(Si Maureen nalang dude! Hahahahaha!)
"Ang saya mo rin noh?"
('Di ba halata? HAHAHA!) biglang may kumalabog sa kabilang linya. (Damn! My phone!)
"Dude? Okay ka lang?"
(Hi Red!) boses ni Krea. Kaya naman pala masaya ang isa. (Oo. Okay lang si Jel, nahulog lang cellphone niya sa sahig. Hihi. Hiramin ko muna siya ha? Byeee)
"Teka la-" *tooot* *tooot* *tooot*
Aba walanghiya nga naman. Binabaan ako. I'm sure makikipaglaro na naman si Jel dun. Magtatago siya ng feeling tapos ipapahanap niya kay Kreang manhid.
Ang sakit talaga sa ulo ng mga tao ngayon. First, ang lolo kong kinuhanan ako ng kotse. Second, yung babaeng sinagip ko. Third, mga gagung nagpakalat ng picture naming magkadikit ang lips. Fourth, ang kabarkada kong torpe. Sino pa kaya ang susunod?
"Hi Red! I made these brownies for you last night para gumaling ka agad sa sakit mo," ngiti ng isang babae sabay abot ng medium sized box.
At saka, anong maitutulong ng brownies para gumaling agad ang sakit ko? O.o Lalo nga lang nito dadagdagan ang sakit ko eh.
"No thanks. Keep it for yourself."
"Tanggapin mo na please. Pinaghirapan ko ito eh. Kulang ako sa tulog dahil dito," pilit ito.
Ako pa talaga ang sisisihin ng babaeng 'to ngayon? Hay nako. Pagbigyan nalang. Isa rin ang babaeng 'to sa mga taong sakit sa ulo.
"Okay, thank you," binigyan ko siya ng pilit na ngiti, "What's your name by the way?" wala talaga ako sa mood maging mabait right now kaso nakakaawa kasi mukha niya. Parang na-haggard ata sa paggawa ng brownies.
"Jenikablablablabla..."
'Di ko na napansin ang pinagsasabi niya dahil biglang natuon ang atensiyon ko sa nagkumpulang babae malapit sa may gym. Teka, si Maureem ba yung babaeng pinapalibutan nila? Yan muna ang tawag ko sakanya dahil 'di pa naman ako naiirita sa kanya ngayon. Ano kayang nangyayari dun?
"Red?" kaway nito sa mukha ko.
"Ah oh. Nice to meet you," sabay shake hands kahit wala ang focus ko sa kanya, "Sige, mauna na ako," paalam ko at naglakad papunta sa direksiyon nila Maureen.
Maureen's Point of View:
"Slut," pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Haters na naman.
Pinalibutan nila ako. Tatlo sila. Kahit pagsama-samahin man ang beauty nila, ako pa rin mas maganda.
"Anong gusto niyo sa akin?"
"Wala kaming gusto sa'yo. Eww. Si Red gusto namin," sagot ni bitch 1. Actually pang 4th na yan siya for this day.
"Eh? Sinabi ko bang may gusto kayo sa akin? Ang sabi ko lang anong gusto niyo sa akin. Bakit niyo ako naisipang pagtripan?"
"Anong pinanggayuma mo kay Red?" taas kilay na sabi ni bitch 2, 5th bitch for the day. Juice colored! Parang ginuhitan lang ng curve line gamit ang pentelpen ang kilay niya.
"Nakita niyo ba siyang patay sa akin? Kung ginayuma ko 'yun, dapat kami na."
"Ganun pa rin. Hinalikan ka niya," bitch 3, also the 6th bitch and hopefully the last one for this day.
"Ilang beses ko ba kailangang i-explain na it was just an accident?"
"You don't need to explain, a picture is enough to prove that you're a bi- Hi Red!" tss. Mga plastik! Argh!
Please Red, save me from them. Kahit ngayon lang. Nakakapagod na kasing mag-explain sa mga taong hindi naman maniniwala sa'yo. Iniangat nito ang kanyang ulo at tinanguan ang mga babae samantalang binigyan niya lang ako ng blank stare. Hayy. Akala ko ipagtatanggol na ako ni Red mula sa mga bitch na 'to. Kaso hindi naman pala. Umasa pa ako.
"Mauna na ako. Male-late na ako for my practice," paalam ko sa mga babae. Ang bait ko noh? Nakuha ko pang magpaalam.
"Teka! Hindi pa kami tapo-"
Wala rin akong na pakinggan pa sila. Hay nako Red Valderama, nakakadisappoint ka. Nagmadali na akong pumunta sa Music Hall.
——
"Anong song ang alam mong gitarahin?" tanong ng music instructor. Start na ng practice para sa nalalapit na program.
"Uhmm.. hindi po ako naggigitara. Piano lang po alam kong tugtugin," matamlay kong sagot. Paano ba naman. Binully na naman ako T_T
"Ah okay. So, anong song ang alam mong itugtog sa piano?"
"Marami po."
"Pumili ka ng isa para makapagpractice na tayo."
"Cold As You by Taylor Swift."
Red's Point of View:
Paglapit ko sa kanila ay kunwaring nakayuko ako at parang wala lang alam sa pangyayari.
"Hi Red!"
Tinanguan ko sila kahit walang-wala na talaga ako sa mood habang tiningnan ko lang si Maureen sa kanyang mga mata na parang nagsasabi bang 'save me'. Wala akong ginawa dahil kung ipagtatanggol ko siya, lalo lang lalaki ang issue na totoong may feelings din ako sakanya.
Alam ko rin namang walang balak mag-explain at makinig si Maureen sa mga babaeng 'yun ng matagal kaya aalis rin siya. At tama nga ako. Umalis siya after kong dumaan sa kanila. 'Di talaga ako umalis sa scene. Nagtago lang ako sa punong malapit.
"Hay nako. May other days pa naman girls," narinig kong sabi ng babaeng drawing nalang ang kilay nung dumaan ang grupo nila sa puno.
"Mas mabuti pang makipagsabwatan tayo sa mga ibang ayaw sa babaeng yun at gumawa ng plan para ipahiya siya for this coming event," sabi ng isa.
"I have a plan girls.." at nagbulungan ang tatlo. 'Di ko hahayaang magawa nila ang anumang plano na yan. Babantayan ko si Maureen for the whole period of this upcoming program.
Ito nalang ang sukli ko sa kabaitan niya. Cold man ako sa paningin niya, atleast alam ko sa sarili ko na there's still this part of me that wants to protect her.
**
CodenameXG: Hi guys! May UD na talaga ang Saving Her. Busy lang po si ako. Sorry. Vote or comment lang :)))
BINABASA MO ANG
Saving Her
Novela JuvenilRed Valderama, who is also known as the badass butch of R University. Longing for her real mother's love, and never getting it, she rebelled and became a cassanova. But after saving her ultimate fangirl from a car accident, things seem to change for...