Red's Point of View:
"Magpagaling ka ha," bilin ni Maureen kay Jake bago siya sumakay sa van.
4:00 AM at andito na kami sa tapat ng mansiyon nina Jake. Rich kid din kasi itong si Jake kaya mansiyon talaga. Ganitong oras namin naisipang tumungo sa hacienda para naman hindi kami abutan ng hapon sa daan.
"Sure ka na 'di ka talaga sasama?" tanong ko kay Jake mula sa bintana ng van.
"Yes. I need rest. Take care of Maureen," sagot nito sa akin.
"Akong bahala kay Guzman," pagsisigurado ko, "O, sige. Get well soon, dude," nangingiting sabi ko rito. Isang okay sign ang kanyang isinagot bago tuluyang pumasok sa kanilang mansiyon.
Madaling araw pa lang pero isang ngiting tagumpay na ang nakaukit sa mukha ko ngayon. Sasama kasi dapat sa amin si Jake kaso bigla siyang inatake ng flu kaya ayun, magbe-bed rest na lang daw muna siya. Tadhana na talaga ang gumagawa ng paraan para ma-solo ko si Maureen Guzman.
"O, bakit nakangiti ka diyan? Mukha kang baliw," kontrabida talaga 'tong si Ry kahit kailan.
Bakit ko nga ba siya katabi ngayon? Mapilit kasi si Ryel na sila raw dapat ang magkatabi ni Maureen kaya ayun no choice ako kundi tumabi kay Ry sa pinakalikod na seat. Yung maid na kasi ang katabi ni Manong Pedro sa front seat.
"Pakialamera ka talaga kahit kailan," poker face kong sabi dito.
"Magkaribal ba talaga kayo ni Jake?"
"Oo, bakit?"
"Ang bait niyo kasi sa isa't-isa," sabi nito habang nakapikit ang mga mata.
"Mga mature na kasi kami mag-isip, 'di tulad sa iba."
Dumilat ang mata nito na parang gulat na gulat saka humarap sa akin, "Seryoso?! Ikaw? Mature? Are you kidding me sister slash brother dear? Hahahahaha," tawa nito na may kasama pang hawak sa tiyan effect.
Letse rin talaga 'tong babaeng 'to eh.
"Gisingin mo lang ako pag maayos na ang utak mo," sabi ko rito bago naglagay ng headphones sa aking tenga, "Ay! Hindi na pala titino yang utak mo. Gisingin mo lang ako pag nasa hacienda na tayo," dagdag ko saka pinikit ang aking mga mata at tinaasan ang volume ng kanta.
'Di ko man nakikita pero ramdam ko ang irap na binigay nito sa akin. Hahaha pikon.
"Aku! Aku! Gising na!" sigaw ng bunso naming kapatid sa tenga ko.
"Pabayaan mo na siyang maagnas diyan Ryel. Kanina pa ginigising, hindi naman nagigising, patay na siguro yang Aku mo," rinig kong sabi ni Ry kay Ryel. Demonya talaga kahit kailan eh.
Agad kong dinilat ang mga mata ko at umacting na parang hinihingal, "Wooo! Buti na lang at pinabalik ako ni San Pedro. May misyon pa raw kasi akong dapat gawin. Kailangan ko pa raw protektahan ang pamilya ko mula sa isang demonyita na ang pangalan ay Ry."
BINABASA MO ANG
Saving Her
Teen FictionRed Valderama, who is also known as the badass butch of R University. Longing for her real mother's love, and never getting it, she rebelled and became a cassanova. But after saving her ultimate fangirl from a car accident, things seem to change for...