Maureen's Point of View:
Nakakairita ka kausap. Mga katagang hindi mawala-wala sa isip ko. Mugto na ang mga mata ko pero hindi pa rin ako dinadalaw ni antok. 12:30AM na, isang oras na rin simula nung sinaktan na naman niya ako. Hay nako Red. Ang sakit sakit na ni heart dahil sa'yo.
Siguro ang himbing na ng tulog ni Red ngayon. Makapag-internet na nga lang.
*1 new message*
Jake: Why are you still awake?
Chat ni Jake. Eh? Bakit gising pa ang lalakeng 'to?
Me: Ikaw? Bakit gising ka pa?
Jake: Binalik mo lang tanong ko hahaha di ako makatulog eh
Me: Same here :(
Jake: What's with the sad face?
Me: Wala hehe
Jake: May ginawa na naman bang masama si Red sa'yo? Tsk
FLASHBACK...
"Is he the new guy you're bragging about?" basag ni Jake sa katahamikan. Kasalukuyan kaming naglalakad sa field at papunta sa parking area. Nag-offer kasi siya na ihahatid niya ako pauwi.
"It's a she," pagco-correct ko rito. Nagulat siya at tumigil sa paglalakad.
"Are you serious?" halatang hindi makapaniwala si Jake sa sinabi ko, "Did she undergo any surgery or what? Parang mas lalake pa siya tingnan kaysa sa akin ah," nanlulumong sabi nito.
"Wala. Ganoon talaga siya. Amazing, right?" ngiti ko. Shet. Night na night pero nagda-daydream ako.
"Wake up, Maureen," pitik ni Jake sa noo ko, "Mas malakas tama mo sakanya ngayon ah."
"Hindi ko nga rin alam bakit eh. Gwapo nga siya pero kabaliktaran naman sa ugali niya."
"What do you mean?"
"Basta. Hali ka na nga," hila ko sakanya, "chismoso ka rin pala noh."
Nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang parking. Pinagbuksan niya ako ng pinto at hinintay makaupo bago siya pumunta sa driver's seat. Bagay na never gagawin ni Red sa akin. Nako! Nag-e-emote na naman ako. Oo na, hanggang pangarap ko na lang ang magkaroon ng sweet moments kay Red.
"Ano na namang iniisip mo Maureen Guzman?" sulyap nito sa akin.
"Wala po Jake," tugon ko.
"Magshare ka na."
"About?" pagtatakang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Saving Her
Fiksi RemajaRed Valderama, who is also known as the badass butch of R University. Longing for her real mother's love, and never getting it, she rebelled and became a cassanova. But after saving her ultimate fangirl from a car accident, things seem to change for...